Chapter 53: His Feelings

113 5 0
                                    

Rebecca's POV

"Teka nga muna!" Ako

Tumingin siya sa akin saglit at binalik ang tingin sa daan.

"Bakit ako lang ang ginuhit mo? Hindi mo ba namiss sina Queenie, Nicole, Hyacinth at Jennifer?" Ako

"Namiss ko rin sila pero iba ang pagkamiss ko sayo." TJ

"Hah? Panong iba eh parehas mo lang naman kaming hindi nakita at parehas rin naman kaming tao?" Ako

Tumingin siya sa akin.

"Bakit ba ang manhid mo?" TJ

Binalik niya ang tingin niya sa daan.

"Hah?" Ako

Tumigil ang sasakyan at nasa harap na kami ng bahay namin.

Naalala ko ang sasakyan ko.

"Ibalik mo ako sa mall. Yung kotse ko naiwan." Ako

Lumabas siya sa kotse at nagdoorbell.

Lumabas na rin ako.

"Hoy!" Ako

Pinagbuksan kami ni kuya.

"Kamusta?" Tanong niya kay TJ

"Palpak kuya." TJ

"Tsk tsk tsk. Ang malas mo naman!" Kuya Blue

Ano bang pinag-uusapan nila?

"Oo nga eh. Anjan ba sina tita at tito?" TJ

"Nasa loob. Tara pumasok tayo sa loob." Kuya Blue

Nauna na silang pumasok at naiwan ako.

Para namang wala ako dito noh?

Sinundan ko sila at nagulat naman ako nang hawakan ni TJ ang kamay ko at hinila palabas ng bahay.

"Ano ba? Kakarating lang natin tapos aalis agad? Hindi ko pa nga nakausap sina mama at papa." Ako

Hinila pa rin niya ako.

"Mag-ingat kayo ah!" Mama

"TJ! Ingatan mo si Red!" Papa

"Enjoy!" Kuya Blue

Tiningnan ko sila pero nakangiti lang sila.

"Teka nga TJ! Ano bang pinag-usapan ninyo? San mo na naman ba ako dadalhin?" Ako

Nasa loob na kami ng kotse niya.

"Hoy!" Ako

"Dadalhin kita sa puso ko." TJ

Tinaasan ko siya ng kilay.

Nag-iingay naman ang puso ko.

Ano ba naman to?

Umayos ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana.

"Hindi ka nagreklamo ibig sabihin gusto mong pumunta sa puso ko." TJ sabay ayos ng seatbelt ko

Biglang nag-init ang mukha ko.

"Hindi noh! Hindi lang ako nagsalita kasi wala kang sense kausap." Ako

Tumawa lang si TJ.

"Kung makatawa ka naman parang bati na tayo." Ako

Sumeryoso ang mukha niya at binilisan ang pagmamaneho.

Tahimik lang kaming nakarating sa bahay ni TJ.

"Tara muna sa loob." TJ

"Dito na ako maghihintay." Ako

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon