⚽ Chapter 10 ⚽

13.3K 346 5
                                    

-Ligaw 101 Week 4 -

Dominique's POV


Pagkatapos ko maligo at magbihis, inayos ko na ang mga gamit ko bago lumabas ng kwarto namin ni nanay. Naabutan ko siya na nagaayos ng mga gamit sa kusina. Nang malapitan ko siya ay napansin ko ang mga naglalarong ngiti sa mga labi niya.


"'Nay..?"


"O nandyan ka na pala anak. Wala na akong nailutong babaunin mo dahil wala namang naibigay na extra si Aling Carmela sa karinderya."


"Okay lang po 'Nay. May pera pa naman po ako dito. Saka....'Nay? Okay lang po ba kayo?"


"Bakit mo naman naitanong anak?"


"Mukha po kasi kayong masaya 'Nay."


Ngumiti uli ito ng malapad. "Eh anak...masaya talaga ako kasi masaya ka."


"Paano niyo naman po nasabi na masaya ako 'Nay?"


"Alam mo anak kagabi habang kasama natin si Wyatt, nararamdaman ko ang kakaibang kasiyahan sa mga mata mo at ang mga tawa mo kakaiba rin. Ngayon lang kita nakitang ganoon kasaya."


Napayuko ako. "'Eh si Wyatt kasi 'Nay parang baliw. Yung mga biro niya ang kkorny. Minsan di ko alam kung ano ba laman ng ulo niya minsan kung utak po ba o hangin lang."


Hinawakan ni nanay ang mga kamay ko at hinarap ako. "Minsan anak, kailangan mong hayaan ang sarili mong maramdaman lahat ng emosyon para matuto ka. Kesyo masaktan o sumaya ka man ang mahalaga naranasan mo iyon at wala kang pagsisisihan."


"'Nay...?"


Ngumiti ito at hinalikan ang noo ko. "Sige na anak. Mahuhuli ka na sa eskwela."


Nagtataka man, umalis na ako at naglakad papuntang sakayan. Habang naglalakad ay may mga nasalubong akong mga kapitbahay namin.


"Nikki, baka naman may mga kapatid o kaibigan yung boypren mo."


Boypren?


"S-sino po ba yung tinutukoy niyong nobyo ko?"


"Eh sino pa ba kundi yung nagsundo sa iyo noon."


Napakamot na lang ako sa batok ko. "Ah eh, unang una po hindi ko po nobyo iyon. Saka wala po akong kilalang kaibigan niya at sa pagkakaalam ko po eh wala siyang kapatid."


"Eh yun ang usapan dito sa buong barangay. Makakapag-asawa ka na ng mayaman. Naku kung may makilala ka uli namayaman reto mo naman anak namin."


Kumunot ang noo ko. "Kung ganun din lng naman po ang naisip ninyong gawin sa mga anak niyo sa bar po kayo maghanap. Marami pong may gusto doon."


Iniwan ko nalang sila at pinagpatuloy ang paglalakad. Nakakainis! Paano nagagawa ng isang ina ang ireto ang anak. At para sa kayamanan? Bakit kasi kailangang umikot lahat ng bagay sa pera?


Nang matanaw ko na ang sakayan ay saka ko napansin ang kotseng nakasabay sa paglakad ko. Kailan pa ba ito nandito? Kailangan ko pa ba hulaan kung sino ang may-ari nito?


"Hey, Dominique!"


Sabi ko na eh.


Nilingon ko siya."Wyatt? Bakit nandito ka nanaman?"


"Uhmm...sinusundo kita."


Nagkibit-balikat ako bago sumakay. Libre din ito sa totoo lang. Siya pang pamasahe na magagastos ko papuntang school.


Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon