Who Wants To Be My Girlfriend

52 0 1
                                    

Kinakabahan na ako baka may mga bad comments..im scare..vote na lang at coment ok..this is my first story ..huhu..kinakabahan ....

PROLOUGE

Seventeen ay ang grupong kung saan nabilang ang isang lalaking hindi mawalan ng pag-asa sa paghihintay sa kanyang first love at siya si Ace,labingpitong taong gulang.Binubuo ang grupo ng labingpitong lalaki at lahat sila ay may kaniya-kaniyang mga nobya maliban nga kay Ace.Hindi gusto ni Ace na magkanobya sapagkat walang sawa niyang hinihintay ang babaeng  unang nagpatibok ng kanyang puso at ‘yon si Jennifer.Labinlimang taong gulang pa lamang noon ang dalawa ng pinagtapat niya ang kanyang totoong damdamin sa dalaga.Sa hindi inaasahang pangyayari,umalis ang dalaga kinabukasan sa States at doon na titira  para mag-aral.Masakit sa kanya ang pangyayaring iyon ngunit hanggang ngayon hinhintay pa rin niya ang dalaga.Tuwing,magbobonding ang grupo at siyempre kasama ang kanilang mga nobya ay tila may sarili siyang mundong ginagalawan.Ngunit pagdating ng araw ay nainip ang kanilang leader dala sa sobrang pagkalasing sa walang nobyang si Ace kaya binigyan siya ng pagsubok na sa loob ng dalawang buwan ay maghahanap siya ng babae upang maging nobya niya sa ayaw at gusto niya at kung wala pa rin siyang mahanap,he will be out.Labag sa kalooban ni  Ace ang pagsubok na binigay sa kaniya ng grupo ngunit wala siyang magagawa dahil mapapatalsik siya sa grupo at ayaw niyang mangyari iyon sapagkat napamahal na siya sa mga ito sa loob ng apat na taon.Pinili niya ang kanyang grupo kaysa kay Jennifer na bigla lang siyang iniwan at wala namang feeling sa kanya.

           Sa pagsisimula niya sa kanyang paghahanap ay gusto na niyang sumuko hanggang dumating ang araw na nakita niya ang isang mala-anghel na dalaga,si Neomie.Ginawa niya ang lahat para mapasagot ang dalaga,araw-araw sinusundan niya ito hanggang dumating ang araw na napasagot niya ito.Sa araw-araw na pagsama-sama ng dalawa ay nahulog na ang damdamin ng dalawa sa isa’t isa ngunit hindi maiwasan ni Ace ang isipin si Jennifer.

Isang araw,sinamahan niya si Neomie sa airport upang salubungin ang pinsang matagal na naninirahan sa States at hindi akalain ni Ace na si Jeniffer pa la iyon.

Ano kaya ang reaksiyon ni Ace kung personal niyang makita   ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso kasama ang kaniyang nobya?

Paano malalaman ni Neomie na ang kaniyang pinsang si Jennifer ang babaeng palaging kinukuwento ni Ace sa kaniya na unang nagpatibok ng puso nito?Ano kaya ang kaniyang reaksiyon?Matatapos ba ang kanilang relasyon?Itataboy  ba siya ni Ace sapagkat dumating na ang babaeng hinihintay sa loob ng dalawang taon o lalo siyang mamahalin nito?

Tunghayan kung ano ang desisyon ni Ace at sino ang kanyang pipiliin sa dalawang babae,ang babaeng unang nagpatibok ng  kaniyang puso o ang babaeng nagligtas sa kanya sa pagsubok na binigay ng kaniyang grupo ?

   hope,walang BAD COMMENTS .!!!!!!nakakatakot pumasok sa ganitong mundo//

 hahahahha.. i need votes and good comments to continue this story!!!1

Who Wants To Be My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon