Chapter 19

12.4K 222 1
                                    

" Are you sure.. kaya mo na ba talaga? " Tumango lang ako sakanya at ngumiti.. pero kunot ang noo niya sakin.

" Well.. I have two tickets here " Ha? Anong ticket pinagsasabi nito ni Quiel.. mukha namang nakuha niyang hindi ko siya maintindihan kaya dinukot niya sa bulsa ang sinasabing ticket. At halos lumuwa ang mata ko ng makitang..

" UNLI RIDES SA STAR CITY!?? " Ngumiti siya sakin at tumango, pero kinapa niya ang leeg ko.

" Wala ka ng lagnat pero baka mabinat ka.. you choose.. Papasok ka o .... " Bago pa siya matapos sa sasabihin ay tumalon na ako at napatawa lang siya.

" Of course STAR CITY na!! "

" Okay, bilisan mo na " Kinaltukan ko siya bago sinigawan.

" TAPOS NA HO AKO! " Tinitigan niya ko ng may pangliliit na mata para bang hindi siya makapaniwala na nakamini skirt ako.

" Change.. " Magtatanong pa sana ako ng bigla na naman siyang magsalita.

" I said.. CHANGE.. " Sabi ko nga.. para kong tuta na nagtungo sa maleta at naghalungkat ng pants bago magtungo sa cr.

Habang nagpapalit nag-iisip ako.. ano kayang gagawin namin? Date ba to? ETO NA BA YUN INAASAM KO NG MATAGAL??? Lol.. Suzie napakaassumera mo. Eh nasungitan ka nga eh.. Moodswing tsk.

Naglagay ako ng lipstick at hair clip bago lumabas.. Paniguradong pagkalabas ko magagandahan siya. SYEMPRE NAG-AYOS KAYA AKO!!

" Make it fast.. " Binuksan ko na ang pinto ng cr at bumungad agad sakin ang mukha niya na namang kunot noo at simangot.

" Tss... bagal " Paltukan ko na kaya to? Nakasimangot ako hanggang sa makasakay na kami sa sasakyan niya.

Bigla siyang tumawa ng mahina pagkapasok sa drivers seat..

" Tssk.. tssk. " Problema nitong lalaking to!? Di ko na lang siya pinansin at mas pinili ko nalang matulog. Since di ko naman maintindihan takbo ng utak niya..

" Baboy! " Hinampas ko ang daliri niyang tumutusok sa pisngi ko..

" Ano ba!!! Inaantok pa ko. " Akala ko titigil na siya sa pambubulabog sakin ng bigla kong maramdaman na tumutusok na ang daliri niya sa ilong ko..

AMBABOY!! Inis ko tong tinanggal at dumilat na ng mata.. Nakaramdam ako ng hiya pero siya tumatawa lang habang nagsusuri ng daliring pinangsundot.

" Andami mo atang kulangot.. Hahaha kadiri! " Namula ang pisngi ko.

" Hoy ikaw ang baboy! Araw araw akong nangungulangot!! Tignan mo pa cr mo dun ko pinapahid eh " Lumabas na siya at sumunod narin ako.

" Yuck.. baboy talaga " Aktong hihilain ko uli ang daliri niya pero tumatakbo na siyang pumunta sa ticket checker.
Tumakbo narin ako.. aba nasa kanya kaya ang ticket!

" Kasama ko po tong baboy.. " Inakbayan niya ako at halos manigas ako sa ginagawa niya.. Pushit! Ano ba Quiel!?? KINIKILIG AKO!!

Ngumiti samin ang babae at pareho na kaming nilagyan ng palatandaan sa braso.

" Enjoy po kayo! " Naramdaman kong tumango si Quiel sakanya.

" We will.. definitely! " at bigla na siyang tumakbo.. dahil akbay niya ko napasama na rin ako at napilitang tumakbo! Come on, para akong mababalian ng leeg sa higpit ng akbay niya!

Pagkapasok namin sa pinakaloob ng star city halos magningning ang mata ko sa ganda nito.. mga nakakatakot na rides at mataas na ferris wheel!!

" Star flyer! " Nagtataka na kong bumaling kay Quiel. Unang beses ko to. Kaya wala akong alam.

Tinuro niya sakin ang mukhang roller coaster at halos manindig ang balahibo ko ng makitang bumabaligtad to.. SHIT AYOKO!!

The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon