PROLOGUE:
2011
2011 na tayo ngayon.
21st century.
Modern society.
MODERN WORLD.
BAKIT MAY ARRANGE MARRIAGE PA RIN?! HA?!
Hindi pwede toh.
HINDEEEE! >.<
Ako si Amethyst Fournier—ay mali, Amethyst Chua na ngayon.
Aminado ako, mayaman ang papa ko, ang pamilya ko, ang buong angkan namin, pero porke ba mayaman eh ipapakasal din ang anak sa mayaman?! Ano to? Bentahan?!
Hay nako, muka nila! Nakaka-stress!
Dahil sa hindi ako sang-ayon sa gusto nilang mangyari, umalis ako sa engagement party, nag-impake ng gamit ko at lumipad papuntang Pilipinas kung nasan ang ate ko.
Kahit anong mangyari, hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal! NEVER!
OVER MY DEAD BODY!
Pero…ano kaya ang mangyayari sakin sa Pilipinas?
Sino kaya ang mga makikilala ko?
Makakaya ko kayang mag-isa?
Di bale na, bahala na si Batman! Superman! Spiderman! Iron man!
Basta ang importante, nakaalis ako sa pader ng mga lecheng Fournier na yan!
Walang ibang inatupag kundi magpayaman ng magpayaman!
Buti sana kung nakakatulong sila sa mga mahihirap. Diba?
Hindi ako katulad nila. At hinding hindi ako magiging katulad nila. :P
Nakarating na ako ng Pilipinas. Bagong lugar, bagong buhay, bagong pakikipagsapalaran.
Wala nang maids, butlers at bodyguards.
Nga pala, pinaghahanap ako ng tatay ko, sa buong mundo. Kaya naman pina-itim ko ang buhok ko at nagsuot ng itim na contact lens. Hmp. Akala nila ha, matalino ata to! :DD
Bahala nang mawalan ng mana, basta masaya ako. Aba, isang beses lang tayo mabubuhay kaya live your life to the fullest! WAHAHAHA!
At saka, mahahanap ko na kaya ang Prince Charming ko?
Hahaha. Walang bata bata pagdating sa love! :D
Sana maging masaya ang buhay ko sa Pilipinas. :D
PS:
Pinalitan ko yung title ng The Missing Heiress.
May nakita kasi ako kapareho ng title. Nakakahiya naman. :3
Pasensya na po. :))
BINABASA MO ANG
The Missing Heiress (TMH)
RomanceIsang babaeng nangangarap na magkaroon ng kalayaan. Paano kung ang tanging paraan upang makamit ito ay ang magpanggap? Isang lalakeng nangangarap na magkaroon ng kalayaan. Paano kung ang tanging paraan upang makamit ito ay isuko ang mahal niya? The...