Chapter 17

108 1 0
                                    

Nandito na kami sa kubo kuno nila JD sa likod ng school.

Pagkatapos kasi ng aksidenteng yun, pumunta na agad kami dito sa kubo dahil yung dalawang manloloko na yun, nag-walk out. Pero dapat si Samantha, sasampalin pa ako, kaso pinigilan siya ni Kyle at hinila na siya papalayo sa amin. Hanggang ngayon nga, di ako maka-move on sa nangyare kay Kyra at Sam kanina. Napapa-buysit na lang ako sa nangyare.

Sa ngayon, nilalagyan ni Rylan ng ice pack yung ulo ni Kyta kasi nung tumumba siya, una yung mukha. Kaya nga ako tumawa kanina eh. Hayst. Pero nagsisisi ako sa ginawa ko. Di na ako natatawa. Pffffft. Okay, slight lang.

"Ako na lang kasi!" sabi ni Kyra kay Rylan na halata mong naiinis at naiilang sa ex niya.

"Ako na! Kita mo na ngang hindi ka maayos pa eh." sabi ni Rylan ng mahinahon kay Kyra.

Awwww. Ang sweet nila. Hindi ko nga alam kung bakit sila naghiwalay noon eh. Hayst. Isang malaking sayang. Pero dati kasi, sila yung itinuturing kong magboyfriend-girlfriend na super magtatagal kasi bagay na bagay sila at kung pagmamasdan mo sila, napakasweet nila. Kaso ako yata yung nanghihinayang sa relasyon nila eh. Nung nagbreak nga sila, palagi kong pinupuntahan si Kyra sa bahay nila at kinocomfort siya. Hangga't maari nga, iniiwasan ko mapunta topic namin sa past nila ni Rylan.

Sa ngayon, nakaupo ako sa kubo nila at sa right side ko naman, si JD, sa left side naman, yung isang lalaki na hindi ko kilala na kanina pa nakatingin sa akin tas sa harapang side namin naman ay si Kyra at katabi niya si Rylan. Ang sweet pa rin nga nila eh, kahit matagal na silang wala na. Sana maging sila ulet.

"Gusto mo?" sabi nung lalaki sa kaliwa ko habang nilalapit sa akin yung sandwich and fries.

"A-ayaw ko." sabi ko at yumuko. Pero yung totoo, gutom na ako. As in gutom na gutom.

Bigla namang tumunog tiyan ko nang malakas at napalingon silang lahat sa akin.

Tumawa naman yung lalaki sa kaliwa ko at binigyan na talaga ako ng sandwich at fries. Kinain ko naman agad nang walang hiya-hiya. Chibog kung chibog. Kahit mukhang tinatawanan na ako ng lalaking nasa tabi ko na siguro ay friend din ni bebelabs ko.

"By the way, I'm Isaac." sabi nung lalaking nasa kaliwa ko sabay abot nung kanang kamay niya sa akin. Shempre, inabot ko rin yung kanang kamay ko sakanya. Di naman ako bastos para hindi makipag-shake hands, siya kaya yung nagbigay sa akin ng pagkain. Pero infainess ah, ang ganda ng name niya. Mukha rin naman siyang mabait.

Gwapo siya.

Maputi.

Mukhang mayaman din siya.

Hindi ko napansin na matagal na pala kaming nagshe-shake hands ni Isaac. Siguro nakaka-2 minutes na yung pagkakashake hands namin. Hindi ba siya naiilang?

Tinanggal ni JD yung kamay ko sa kamay ni Isaac at bigla na lang akong hinatak ni JD palabas ng kubo. Medyo nasaktan ako sa ginawa niya nang very very light lang naman kasi napalakas yung pagkatapik niya ng kamay ko at paghatak niya sa akin.

Hala! Galit ba siya? :(

Bakit naman?

Napansin ko na lang na masyado na kaming napalayo sa kubo. Napakaraming puno na dito at damo, pero may mga sinag ng araw pa rin na nakakapasok sa loob ng parang kagubatan na to. Tas yung mga damo, mga 3 inches lang yung haba. Kahit ganun yung mga features ng lugar kung nasaan kami, parang ang creepy pa rin kasi parang may mga nakatingin sayo. Pero kung titingin ka sa bright side of life, maganda dito. AHAHAHAHAHAHA. Yung tipong mapapaselfie ka agad. Pero di ko talaga mapigilan tayuan ng balahibo kasi mukha talagang may nanonood sa amin.

Didn'tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon