"Unexpected Classmate"

75 4 3
                                    

First day ng school kailangan nanamang bumangon ng maaga :3 buti nalang laging mahina ang wifi kaya madali akong makatulog at nakakagising ako ng maaga 😂  kahit papano may magandang effect rin pala ang mahinang wifi😂 napaaga tuloy pasok ko kunti palang tao sa school 😂so inasikaso ko agad Schedule ko habang wala pang pila but guess what? umagang umaga Bumuhos ang malakas na ulan :3
Buti nalang naayos ko na ang schedule at nahanap ko na ang room namin,So ayun nag stay lang ako dun sa Room kasama ang mga new classmates ko, ughhh! yung feeling na wala kang kilala na Classmate mo tas biglang lowbat pa pala CP ko :3 bored na bored ako as in Super! wala man lang makausap, mahiyain kasi ako kaya ayun :3 Sinubukan ko nalang muna maiglip habang naghihintay na tumigil ang ulan, Then biglang may pumasok sa room. Bumati siya kay Mam ng " GoodMorning Mam" Familiar sakin ang Voice niya.
pero ako naman di ko pinansin kasi nga gusto ko umiglip muna wala naman kasi akong magawa 😂
narinig ko usapan ng mga nasa likod ko ang sabi nung isa sa katabi niya.... "Tol kaklase natin yan?ang Ganda niya naman"
ako naman Dali daling tumingin para malaman kung sino yung chix na yun,Syempre Usapang Maganda, papahuli pa ba ko?😂

Pagtingin ko.... Laking gulat at tuwa ko :0 :D

Si "Lyn"pala yun 😘

(nga pala si Lyn Ay Bestfreind ko almost 2 years narin,nagka kilala kami sa may birthday ng tropa ko na pinsan niya pala)

Nakita niya ko.....

Lyn: Bes Jayceeee! (Medyo malakas at masaya niya kong tinawag)

Ako: Oh bes! Naligaw ka ata?( Lumapit ako Pabiro kong sinabi)

Lyn: Che! 😂 ito Section ko eh,😂

Ako: Edi classmate mo ko.
haha( Tuwang tuwa pero di gaanong pinapahalata)

Lyn: whattt??? Realtalk Bes? yung totoo? :0

Ako: Oo nga bes. kulit neto 😂

Lyn: Yeheeey!(Niyakap niya ko na para bang tuwang tuwa siya)

Umupo kami at Nag Kwentuhan na parang bang ilang taon na kaming di nagkikita eh nung makalawa lang magkasama kami eh 😂 ...

Sumasaya at natutuwa ako pag Kausap,Kasama,at nakikita ko siya,eh kasi naman magaling siyang makisama, mahiyain sa iba pero pag dating sa mga kaibigan niya, Hay nakuh! Sobrang Kalog at Super Lokaret niya 😂 haha. Ang Cute niya kahit anung gawin niya❤
Tinatanung ako lagi ng mga Tropa ko kung bakit daw di ko siya ligawan? Sabi pa nga baka Bakla daw ako eh 😂 haha. Eh Ideal Girlfreind daw siya ng kahit sinong lalaki pakakawalan ko pa daw ba?....
Maganda,Mabait,palaKaibigan,Matalino,Makadiyos,Masipag,ilan lang yan sa mga magagandang katangian niya kaya naman ayun daming lalaking umaaligid sakanya halos lahat na ata ng mga kalalakihan sa mga school na pinasukan niya eh pangarap siya, isa narin Ako dun, Oo Tama yun GUSTO KO SIYA ,Im inlove with my BESTFREIND. Matagal ko nang na realize na Fall na pala ako sakanya simula nung iba na ang nararamdaman ko sa tuwing magkahawak kami ng kamay, sa tuwing niyayakap niya ko,sa mga oras na nakasandal ang ulo niya sa balikat ko parang may iba... eh dati parang wala lang sakin ang mga yun...Na Curious ako bigla....at napaisip..
KINIKILIG NA PALA AKO ampota!'
Dun ko narealize na mahal ko na ang Bestfreind ko pero ang problema hindi ko masabi eh, kasi naman comfortable na siya sakin bilang bestFRIEND niya, yun bang tuwing may problema siya ako ang una niyang pagsasabihan,hindi siya natatakot na maglabas ng sama ng loob at umiyak habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko,walang malisya para sakanya yung mga Yakap at halik niya sakin sa pisngi, habang ako Halos mamatay na ko sa kilig 😂
Kaya Ayun, natatakot akong sabihin baka mawala ang pagkakaibigan namin,baka layuan niya ko,baka mailang na siya sakin,baka mapunta lang lahat ito sa wala,baka dumating pa sa point na pagsisihan niya pa kung bakit kami naging magkaibigan :( ......At yun ang pinaka ayaw kong mangyari...

Kaya naman as of now contented na ako na nakakasama nakaka usap at nakikita ko siya. Marami akong gusto sabihin sa kaniya tungkol sa kung ano talaga siya sakin sadyang takot lang ako umamin pero hindi ko alam kung hanggang kelan ko maitatago ang totoo kong nararamdaman para sakanya.

Minsan naiisip ko "Swerte ba ko O Malas" na naging Bestfriend ko ang Babaeng minamahal ko.Swerte ko ba dahil nakakasama ko siya lagi bilang KAIBIGAN hindi tulad ng mga lalaking pinapangarap siya na hanggang tingin nalang dahil hindi niya sila pinapansin O malas dahil baka hanggang KAIBIGAN at hanggang doon nalang talaga kami........

"Escaping Friendzone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon