Maingay. Sabay-sabay nagsasalita. Nagsisigawan. Nag-uusap.
Minsan ba.. sinubukan ba nating tumahimik at makinig sa iba?
Sinubukan ba nating pakinggan ang mga saloobin ng bawat isa at hindi na lang puro tayo ang nagsasalita?
Maingay na. Magulo pa ang mundo.
Magkaka-intindihan pa ba tayo? Magkakarinigan? Papairalin na lang ba natin ang EGO at PRIDE?
Masakit na sa tainga. Nakakarindi. HIndi ba pwedeng pagsalitain ang mga dapat magsalita? Hindi ba pwdeng manahimik muna at makinig?
ang kulang kasi sa atin.. ay yung matutong MAKINIG.
Salita tayo ng salita.. sa tingin ba natin may nakikinig? Anong silbi ng pag putak mo kung walang nakakaintindi sayo?
Sana lang.. tumigil muna sumandali. Makinig sa iba.
Lahat naman may pagkakataong makapag-salita. Lahat dapat intindihin at pakinggan ang bawat saloobin.
Kung natuto sana tayong MAKINIG.. edi sana walang gulo. Sana walang giyera. Sana walang nadamay na sibilyan.
Naidadaan naman sa mabuting usapan eh. Kaya nga ginawa ni Lord na dalawa ang tenga natin, patunay na mas mahalaga ang makinig kaysa sa magsalita.
Sa pakikinig, naiintindihan mo kung ano ang kalagayan ng kapwa mo.
Hindi yung, lahat na lang dinadaan sa INGAY. tulad ng pagputok ng mga baril, kanyon, at kung anu-ano pa.
Sa tingin niyo ba, maririnig mo ba ang iyak ng isang batang naiipit sa giyera?
Naririnig mo ba ang mga panaghoy ng mga kababaihang bugbog sarado sa kanilang mga asawa?
Kung gusto natin ng kapayapaan.. matuto muna tayong manahimik at makinig.
Napaka-simple..
Kung natuto tayo.. edi na-resolba ang problema.
Nagkaka-ayos. Nagkaintindihan ang bawat isa.
Di ba, mas masarap pakinggan yun?
Kung magulo ang pamilya mo. Mag-usap kayo. Simulan sa isang hapagkainan. Sabay-sabay kumain. Isa-isa ang magsasalita at lahat ay makikinig.
Simulan sa isang pamilya.. hanggang sa isang komunidad..sa isang bayan.. patungo sa isang bansa.. at sa huli.. sa buong mundo.
hindi ba't hindi malayong makamit natin ang matagal na minimithing KAPAYAPAAN?
masakit lang kasi sa kalooban. Kung sino pa ang NORMAL ang parehong pandinig siya pa ang hindi marunong MAKINIG.
Sana sa isang minuto.. matutong makinig.. pakinggan ang nakakabinging KATAHIMIKAN.
BINABASA MO ANG
pls LISTEN.
PoetryKung sino pa ang NORMAL ang parehong pandinig siya pa ang hindi marunong MAKINIG.