Para sa unang linggo ko, nang mag isa.
Pakiramdam ko okay na ako, okay lang ako. Gigising ako sa umaga, maghihilamos, magpapaganda etc. Papasok sa opisina kung saan ako nag o-OJT, and repeat. And repeat. And repeat.
Para sa unang linggo ko mag isa. Ang lungkot pala..
Mas nakakapagod magpanggap na masaya ka, kesa sa mga tambak na trabaho sa opisina. Ang lungkot pala..
Pagtapos ng tatlong taon ng hirap, saya, sakit at pagmamahal. Sabi niyo sa simbahan din ang tuloy, ayun pala.. Nganga. Mga sinungaling kayo! Charot!
Ang dami kong mga kaibigan, puro unexpected pa yung mga nanjan na tao nung nalungkot ako. Parang tinawid ko yung impyerno nung mga unang araw. Sobrang sakit. Pero kapag tinanong mo yung mga friends ko ang sinasabi "para namang naka move on ka na eh".
Wow ha. Hindi pa no. Di ko itatanggi, dugo't pawis kaya pinuhunan ko sa relasyon na yun.
Hi, ako si Kath. Broken hearted. Oo, broken hearted. Durog na durog ako ngayong linggo, kasi nalaman ko na lahat. Yung mga kasinungalingan nya at kasalanan noon pa. Lahat alam ko na. Nung una kong malaman, nasuntok ko yung pader namin. Pero pag gising ko kinabukasan (nung namaga na yung kamay ko), i told myself, "Kath, wag mo hahayaang ito lang ang maglubog sayo."
Imagine? 3 years kami pero patay na patay parin sya dun sa ex nya? Sa 3 years namin? Pambihira.
Kapag naaalala ko nararamdaman ko yung pagdugo ng puso ko, naririnig ko pa nga yung pag punit eh. Pero sabi ng kaibigan ko, "namnamin mo lang". So ito, nginunguya ko lahat ng masasakit na katotohanan, at alaala. Hanggang sa tuluyan na 'kong masuka. I'm tired of being hurt, and tired of being tired.
Bumabawi nalang ako sa sarili ko, kinamusta ko yung mga taong matagal kong hindi nakausap, yung buhay ko nung wala pa sya. Nakaka-miss din pala. Naaalala ko pa nung ako palang mag isa nun, hindi ko alam kung magiging ganun din ako ka-okay pero nagdadasal ako.
Lord? Kung di naman pala sya, bakit mo pa pinatagal? Nakaka stress yun ah, kaloka.
Bakit kapag umaga kayang kaya mo maging okay? Pero kapag parating na ang gabi, lintik na. Heto nanaman ako, pipikit ako tapos makikita ko yung mukha mo, tapos mag f-flash back pa kung paano tayo nagsimula. Gusto ko nang magalit sa gabi, kasabay ng pagdilim ng langit, ang pagbalik ko sa realidad, kung saan "oo nga pala, wasak na wasak nga pala 'ko" Pero sabi ko nga kailangan ko to para mas mapadali ko ang proseso. Naniniwala nalang ako sa sarili ko.
Kapag inisip mo na kaya mo, makakaya mo.
Yan ang prinsipyo ko, kasi alam ko hindi mo talaga magagawa ang isang bagay kung ikaw mismo hindi kumbinsido na gusto mo talaga yun gawin.
Ako, ako ang pinaka matapang na taong kilala ko. Walang ibang maniniwala sakin, kung ako mismo hindi maniniwala sa sarili ko.
Kaya kaya ko 'to.
Nakaka umay marinig galing sa mga tropa mo yung "marami pang iba" "makakahanap ka pa"
OMG guys alam ko, sa ganda kong 'to?! Haha hindi naman kasi yun yung problema.
Alam mo yung pakiramdam na natutulog ka sa UV Express tapos ginising ka ng katabi mo kasi bababa na sya at yung balikat nya eh kailangan nyang dalhin, kasi kanya yun? Tapos ikaw tong naalimpungatan, walang magawa kasi wala ka nang masasandalan, kaya pipilitin mo nalang gumising? Tumpak. Ganun. Ganun nga kahirap, ang hirap bumangon ulit, knowing na pagbangon mo e mag isa ka nalang.Ngayong linggo, ang dami kong naisip. Gusto kong mag aral ulit, lumayo, umalis ng bansa.. Mag boyfriend ng tatlo. Charot!
Pero diba nga proseso. Bakit ba 'ko magmamadali. Pero this week napansin ko, ang dami ring naka pansin sakin. Kasi talagang nag transform ako. Good thing kasi they won't notice na heart broken ako at kakailanganin ko pang mag eplain ng mahaba pag ganun. Ang galing ko magtago no? Ayoko lang kasing mag kwento lagi, parang lagi ko pang babalikan yung memories pag ganun. Burn.
Handa na 'ko para sa magiging bagong ako :) Alam ko marami pang plano si God.
Lahat ng alaala na babalik sa isip ko, gagawin kong inspirasyon para maka bangon ako ulit.
Mag isa man akong babangon, basta babangon ako ulit..
BINABASA MO ANG
Fast Forward
RomanceHindi ko alam kung gaano ka-tagal. Pero alam ko kaya ko 'to. Makaka move on din ako.