Ang torpe kong Secret Admirer. (One-Shot)

94 4 0
                                    

Hi my princess, 

"Akala ko noon, DAGAT lang ang lumalalim, pati pala FEELING ko sayo.... LUMALALIM."

Always smile and  Enjoy your day.

Saka na lang ako magpapakita sayo. Kapag End of the WORLD na. :)

I Love you.

Your Secret Admirer.

----------

Sabi na eh!

Sulat nanaman ni Secret admirer ito. Simula noong first day of class meron na akong natatanggap na sulat galing sa kanya. Minsan nga may flowers and chocolates eh! Clueless pa rin ako kung sino nagpapadala ng mga ito. Tska typewritten itong sulat. Kung sana hand written ito, Malalaman ko na kung sino ang nagsulat. Geeez! >_<

Pero alam niyo ang lakas ng impact sa akin ng mga ginagawa niya. Ewan ko, Feeling ko ang tagal ko na siyang kilala. Sana makilala ko na ito. para sasabutin ko na siya kaagad. HAHAHA Chos!  Ayiee! Wala eh! kinikilig ako. :) 

 Habang papalapit na ako ng room, nang may kumalabit sa akin. 

"Yow! Marion" Bati ko sa kanya. Napansin ko siyang hingal na hingal. "Oh bakit hinihingal ka dyan ah?"

"Malamang hinahabol kita! tssh!" napatingin siya bigla sa dala kong flowers "Kanino galing yan? kay Secret Admirer mo?" 

"Naman! Ang sweet nga niya eh! Sana magpakilala na yun para naman magthank you ako sa kanya." 

"Tsshh! (-__-)" Yan lang ang nasabi niya at nauna na siya sa akin maglakad. 

Si Marion, yan ang Bestfriend kong moody. Since Grade 6, kasa-kasama ko na siya. Hanggang ngayong College na kami siya pa rin. Moody talaga yan as in pero MAHAL ko yan. Hindi bilang isang kapatid o kaibigan. Kung di gusto kong makasama siya habang-buhay. Pero parang hindi ganoon ang nararamdaman niya para sa akin. Malabong mangyari yun...

--------

Malapit ng matapos ang Semester namin pero hindi pa rin nagpapakilala si "SECRET ADMIRER". Ilang beses ako  nagbalak na huliin siya kaso bigo pa rin ako. Ang galing naman yun. Isa siyang dakilang MANGHUHULA. 

Hanggang sa isang araw, 

Nakalimutan ko yung notebook ko sa may locker ko. Nanduon kasi mga requirements ko. Kaya kahit na nasa bahay na ako. Pumunta pa rin ako ulit sa school namin. Tutal malapit lang naman. 

Nang makarating na ako malapit sa locker, May napansin ako na isang lalaki na nagbukas nito. May nilagay na siya na parang envelope sa aking locker at sinara niya ito. Akmang aalis na siya nang bigla niyang narinig ang boses ko.

“I…kaw? Ikaw ang secret admirer ko?” (O_O)

Nakatalikod pa rin siya sa akin pero alam ko ang hulma ng katawan niya. Kilalang-kilala ko iyon.

“Bat hindi ka lumingon ah? Hindi naman kita kakainin! Kapag hindi ka lumingon, Kalimutan mo na magkaibigan tayo!”

Bigla siyang lumingon at pinagpapawisan. Halata talaga siyang kinakabahan. Napangiti naman ako kasi namumutla na siya! HAHAHA. Pero sa totoo lang masaya ako dahil ang bestfriend ko ay siya rin palang secret admirer ko. Oh db ang saya? :)

“Ah.. Eh.. Shit! ... Oo.. ako nga.” Nakayuko pa rin siya. Grabe! Ang gwapo niya kahit nahihiya siya.

“Pero papaano? Diba lagi kitang kasama. Hinahatid mo pa nga ako sa bahay db?” Grabe! Naguguluhan pa rin ako.

“Kapag hinahatid kita sa bahay nyo, ginagawa ko na yang mga sulat. Yung flowers tska yung mga chocolate sa umaga ko naman nilalagay para hindi sila masira. Sinasakto ko na walang tao para walang makahalata.” Nakayuko pa rin siya habang nagkukuwento.

“Bakit mo lahat ginagawa lahat ng ito ah?” Sabihin mo sa akin na Mahal mo ako. Dali na!

Inangat niya ang ulo niya at napakamot sa may batok niya. “Ah.. Kasi… Ano… hehehehe.”

Nahalata ko sakanya na namumula siya. HAHAHA Para siyang kamatis.

“Ano nga? Ang tagal naman eh!” Nakatingin pa rin ako sa kanya habang nakangiti.

“Nasabi ko naman yan sa mga sulat ko db?”

“Eh gusto ko nga sabihin mo sa akin ng personal. Hindi naman ako magagalit eh!” Pangungulit ko sa kanya.

Ayaw pa rin niyang kumibo.

“Ayaw mo? Tsh! Aalis na ako!”

Nang tumalikod ako sa kanya bigla niyang hinawakan ang braso ko.

“Ma..Mahal ..Kita.. Mahal na Mahal Lynne . Simula noong mga bata pa tayo, gusto kong ikaw na ang makasama ko habang buhay. Sorry kung naging torpe ako. Kasi natatakot ako na kapag nalaman mo bigla kang mawala sa akin. Hindi ko kaya yun. ” Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkasinseridad nito.

“Sus! Ang bading mo!” Pumunta ako sa locker at kinuha ko ang sulat niya at ang notebook ko.

“Salamat dito ah! “ Tumalikod na ako sa kanya at naglakad.  Nang lumingon ulit ako sa kanya.

“I Love you too Marion.”

Nakita ko siyang ngumiti na abot hanggang tenga at hinabol niya ako.

---------END-------------- 

Ang torpe kong Secret Admirer. (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon