peace offering

16 1 0
                                    

Kristel's P.O.V

Habang nagkwekwentohan kami nina yannah, biglang may yumakap sa akin at bulong.

"Sorry na" bulong ng isang lalaki.

Bigla akong lumingon at nagdikit ang labi ko sa labi niya.

Nagulat ako, at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba bumilis ang tibok ng puso. Dont tell me may sakit ako sa puso. Oh, my.

Tumakbo ako papalayo sa sobrang gulat, hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh.

"Kristel wait???" Narinig ko sigaw ni yannah, habang hinahabol ako.

Dumiretso na ako sa classroom namin, sakto naman ang dating ng teacher namin.

Andrew's P.O.V

"Bro ang tahimik ni kristel ah" puna ni josh.

"Ikaw ba naman manakawan ng halik" singit ni danzel.

"Alam niyo bang first kiss ni kristel yun." Sabi ni danica.

Whhhhhhaaaaattttt????

First kiss??? ni kristel yun. Ibig sabihin ako ang first kiss ni kristel. Naku! Paano ba yan, alam kong importante para kay kristel ang bagay na yun.

***flashback***

"Bakit hindi ka pa nagkaka boyfriend?" Tanung ko sa kanya.

"Kasi gusto ko pagnagmahal ako, sisiguraduhin kong siya na talaga yung una at huli kong mamahalin at gusto pagsumabak na ako sa buhay pag-ibig, handa na ako. At yang mga first sa buhay ko gusto ko sa kanya unang maranasan tulad ng first kiss" paliwanag ni kristel.

***end of flashback***

Paano na yan ang isa sa bagay na dapat sa taong mahal lang niya iibibigay ay ninakaw ko.

Sigurado ako galit sa akin si kristel, pero hindi naman pwedeng ganito nalang kami habang buhay.

Ano kaya kung ipagbake ko siya ng paborito niyang capcake. Personalize mocha berry capcake.

Kristel's P.O.V

Bakit niya ba kasi ninakaw ang bagay na pinaka iingatan ko. Alam niya naman na para lang sa taong mahal ko yun eh.

"Nakaka inis ka naman drew" sabi ko.

Tooootttt....

From: drew
Sorry for what happen🙏🙏

Hindi naman ako galit eh, nagulat lang naman ako eh. Alam ko namang aksidente lang yun eh. Pero hindi ko lang talaga lubusang maiisip na mangyayari yun.

"Kristtelle Mari Alcazar, may bisita ka??" Sigaw ni mommy.

*kailangan talaga complete name*

Bisita, this oras ng gabi. Ganun ba kaimportante ang sasabihin at hindi na niya ipinag bukas ang pagbisita.

Pagbaba ko nakita ko si drew na naka upo sa sala.

"Sorry for what happen, di ko talaga sinasadya yun. Ito na nga may dala akong peace offering" sabi niya sa abot sa akin ng isang pulang kahon.

*Pagbukas ko nang kahon*

"Mocha Berry Capcake??" Sabi ko. "Alam mo talaga kung paano ako suyuin ah." Dagdag ko.

"So, ano bati na tayo" sabi niya sabay 🙏🙏

Tumango lang ako, tapos bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang tumatakbo sa sobrang bilis oh, my dont tell me.. IM INLOVE WITH MY BESTFRIEND.

"OH! NO?????????????" sigaw ko.

"Anung nangyari sayo??" Alalang alalang tanung ni drew sa akin.

"Aaahhhh .... Kasi nahulog ko ata yung bigay ni yannah sa akin na bracelet" palusot ko.

"Ahh. Akala ko kung ano na??" sabi niya

"Btw. thank you pala sa Mocha Berry Capcake ah." Sabi ko.

"Basta ikaw" sabi niya, sabay gulo niya ng buhok ko.

Pagkatapos nun umakyat na ako sa kwarto kasi gabi na rin, umuwi na rin si drew.

Drew's P.O.V

Pagdating ko sa bahay, dali dali akong nagbukas ng laptop ko. Pagbukas ko ng facebook ko halos sumabog ang notification ko sobrang dami ng nag like at nag comment. Dun sa pinost kong peace offering para kay kristel.

"Ang sweet naman ni kuya sa bestfriend niya"

"Ang swerte naman ni ateng kasi may kaibigan siyang effort kung effort talaga"

"Ang sweet naman para silang mag jowa"

Ang sayang basahin yung mga opinion ng mga iba. Siguro kung hindi nila alam na magkaibigan kami nitong si kristel inisip na nilang mag jowa kami sa sobrang kasweetan.

Hindi ko nga lubos maisip kung bakit wala pang jowa itong si kristel eh, mabait, malambing, maalaga, at mapagmahal. Perfect na nga siya. Girlfriend material.

Siguro nga hindi pa ito yung perfect time para makilala niya yung taong para sa kanya.

Yannah's P.O.V

Pagbukas ko ng facebook nakita ko agad yung post ni drew na nagtrending sa facebook. Kung hindi ko kaibigan ang dalawang ito, malamang inisip kuna na mag jowa ito, ang sweet kasi nila eh. Daig pa nila ang tunay na lovers.

Time Check: 11:38pm

Biglang nagring ang phone ko. This oras ng gabi tumatawag pa itong si kristel. Malamang ibabalita lang niya yung ginawa sa kanya ni drew.

"Hello yannah, sorry na gising pa ata kita" sabi niya, na nasa kabilang linya.

"Hindi naman bakit ba??" Tanung ko.

"Pwede pa akong pumunta diyan sa inyo" tanung niya.

"Oo naman, pero girl gabi na. Ah. Kung gusto mo dito ka na rin matulog." Aya ko sa kanya.

"Sure," sabi niya sabay end ng call.

Ano naman kayang problema ng babaeng yun at kahit this oras ng gabi na gusto pang pumunta dito.

Kristel's P.O.V

"Mom, can i go to yannah's house?" Tanung ko.

"Of course, but look kristel its already 11:46pm. Pwede mo namang ipagpabukas na yan eh." Sabi ni mommy.

"Mom, pwede naman akong magpahatid kay manong driver if you want. Pls mom." *puppy eyes*

"Sige na nga nag puppy eyes kana eh. Dun ka na rin matulog para safe. Okey." Sabi ni mommy.

"Yes, mom" sabay hug ko kay mommy. "Thank you" bulong ko at dali dali na akong nagbihis para maka alis na rin.

Parang Tayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon