Drew's P.O.V
Bakit ganun lagi niyo nalang akong nirereject, gwapo naman ako.
"Hey, bro paano ba yan. Fail ang plan natin, paano na ang prom. May nahanap kana bang kapalit ni barbie". Sabi ni josh.
"Ako pa" masayang sabi ko.
"And who's this lucky girl". Pang aasar ni danzel.
" si kristel bro." Sabi ko sabay tulak sa kanila.
"Ikaw pala ang swerte eh" pang aasar ng dalawa.
"Ewan ko sa inyong dalawa" sabi ko
Nakapagtataka nga eh. Bakit hindi pa siya mag ka boyfriend. Naiisip ko ang swerte pala ng magiging boyfriend nitong si kristel. Ako nga na bestfriend lang niya swerte na, saan ka pa ba makakakita ng kaibigan mabait, maalaga, mapagmahal at
masayahin di ba. Pang girlfriend material na nga ang peg ng bestfriend ko eh.Kinuha ko ang phone ko para itext ang prom. date ko.
To:kristel
Can you be my date.From: kristel
Di ba sinagot na kita kahapon tungkol dyan.To: kristel
can you be my date todayFrom: kristel
Ahhh. Sige.To: kristel
Wait me there. Susunduin kita.Dali dali akong naligo para sunduin ang bestfriend ko.
Kristel's P.O.V
From: drew
can you be my date today."Date???. Oh My date talaga. Naku kristel wag kang mag assume friendly date lang yun" sa utak.
Oo nga friendly date lang yun walang halong malisya. Dali dali akong naligo at nagbihis dahil maya maya nandito na yun. Malapit lang naman ang bahay nila sa bahay namin eh.
Beeepppp.... Beeeepppp.....
(Busina ng kotse ni drew)Dali dali akong lumabas ng bahay. At sumakay sa kotse ni drew.
"Good morning" sabi niya sabay gulo ng hair ko.
"Ano ba drew. Ginulo muna tuloy yung hair ko" galit galitan.
"Sorry na. So ano let's go na" sabi niya.
Saan kaya ako dadalhin ng mokong na ito. Maya maya huminto na ang sasakyan niya sa tapat ng isang ..... Bahay.
Pagbaba ko sa kotse niya, pa tingin tingin ako sa paligid kasi parang familiar sa akin ang lugar na ito.
"Nandito na tayo" sabi niya
Biglang bumukas ang pinto nung bahay na nasa tapat namin.
"Sir. Andrew pasok na po kayo" sabi nung guard.
Ngumiti lang kaming dalawa at patuloy sa paglalakad. Biglang nag si labasan ang mga batang naka mask at naka wig. Parang alam kuna kung nasaan ako.
CCO, yan yung nakasulat sa taas nasa bahay na ito. Actually hindi ito bahay isa itong orpanage para sa mga batang may sakit sa cancer.
"Kuya andrew" sigaw nung batang lalaki sa yakap kay drew yumakap na rin ang mga ibang bata.
"Kids, dun na tayo sa loob. Para maka pasok na rin ang mga bisita natin." Sabi nung isang babae na taga pangalaga ata ng mga batang ito.
Pumasok na ang bata sa loob. Akala ko ba date?? Hay Naku! Na HOPIA na naman si ateng.
Pumasok na rin kami sa loob, si drew naki paglaro sa mga bata ako naman tinutulungan si manang jenny na gumawa ng meryenda ng mga bata.
"Alam mo ba iha, simula ng iwan yan ng ex gf niya yang si andrew. Dito niya na ibinuhos lahat ng pagmamahal niya" kwento ni manang jenny, na isa sa tagapangalaga ng mga bata dito.
"Alam niyo po manang sa totoo lang po hindi po namin alam na tumutulong yang si drew sa orpanage" sabi ko.
"Hay. Iha kung alam mo lang alagang alaga ni drew ang bawat isang bata rito, kaya ang swerte mo sa boyfriend mo iyan." Sabi ni manang
"Boyfriend po??" Gulat kong sabi
"Hindi ba kayo ni drew, ang sweet niyo kasi tignan at bagay pa kayo" pambobola ni manang.
"Magkaibigan lang po kami" pang lilinaw ko.
Bakit ganun lagi nalang kami napagkakamalang couple or lovers. At oo nga pala. Napaka masekreto talaga nitong si drew. Nung panahong wasak na wasak siya ang orpanage na ito ang nasandalan niya. At hindi namin alam yun ah.
"Kids, meryenda muna kayo, pagod na rin naman ang kuya ang drew niyo" aya ko sa mga bata.
"Alam niyo po kuya andrew bagay po kayo ni ate kristel" sabi ng isang cancer patient.
"Hay, naku gutom lang yan" sabi ko, sabay abot sa kanya ng sandwich.
Pagkatapos naming mabigyan lahat ng bata kami naman ang kakain.
"Kristel tara na meryenda ka muna" aya sa akin ni drew.
Tumango lang ako sa kanya.
"Alam mo, ang sarap tignan itong mga bata kahit na may malubha silang karamdaman, kitang kita mo parin yung tuwa nila sa simpleng bagay" sabi ko, habang tinitignan ang mga bata.
"Kaya kita dinala dito eh. Para makilala mo ang mga taong tumulong sa akin nung wasak na wasak ako. Sila rin ang nagpaalala sa akin na kahit anung problema ang dumating sa iyo patuloy parin ang buhay". Masayang sabi ni drew.
Sa sobrang aliw namin sa mga bata hindi namin na pansin na maggagabi na.
"Kids aalis na kami ng ate kristel niyo ah. Magpapakabait kayo dito at ituloy niyo lang ang pagpapagaling niyo." Paalala ni drew sa mga bata.
"Mga bata alis na kami ah. Sa susunod na dalaw namin dito iisasama na namin ang iba naming kaibigan" sabi ko sa kanila.
Niyakap nila kaming dalawa ni drew. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila para sa amin.
"Manang jenny alis na po kami" sabay mano ko kay manang.
Lumabas na kami ng orpanage na iyon. Parang lumungkot ulit ako.
"Drew, thank you at dinala mo ako rito sa lugar na ito" sabi ko sa kanya, sabay hug.
"Basta ikaw" sabi niya, sabay pisil ng pisngi ko.
"Aaaaaarrrrayyyy???!" Sigaw ko.
"Ito naman na lalambing lang" sabi niya.
"Mabuti pa tignan mo nalang yung dinadaanan natin at baka mabangga pa tayo" sabi ko.
"Yes boss" sabi niya.
Hanggang nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.
"Thank you ulit ah" sabay yakap ko sa kanya.
"Wala yun, basta kung saan ka masaya, masaya na rin ako" *smile*
"Take care, gud night" sabi ko.
"Wala ba good night kiss dyan" pabiro niyang sabi.
Oh My. Good night kiss daw. Whhhattt. Feeling ko namumula ako sa sobrang kilig.
"Good night kiss mo yang mukha mo" sabi ko sa kanya, sabay pasok ko sa bahay namin.
Pa fall talaga itong si drew. Ako naman na tanga mabilis ma fall.