LNS (Last Night Syndrome)

14 0 0
                                    

Kristel's P.O.V

Paggising ko napansin kong hindi pala ako nakapagpalit ng damit.

Pero teka paano ako naka punta dito sa kwarto ko. At teka bakit nandito itong tuxedo ni drew na suot niya kagabi. (Sabay kuha ko dun sa tuxedo ni drew)

"Oh, sweetie gising kana pala" sabi ni mommy.

"Ah. Mommy paano po ako nakapunta dito sa kwarto ko?" Tanung ko kay mommy.

"Binuhat ka ni drew, mula sa kotse niya hanggang dito sa kwarto mo" sabi ni mommy.

Binuhat ako ni drew. Oh My. Nakakahiya! Kaya siguro naiwan niya dito ang tuxedo niya.

"Btw. Sweetie, maligo kana para makapagpalit kana rin at makakain na." Bilin ni mommy sabay labas ng pinto.

Pumasok na ako sa loob ng banyo. Para makaligo na. Habang naliligo ako may narinig akong nag vi-videoke sa tapat ng bahay namin.

Look at us, ain’t it funny
It’s just beginner’s luck, maybe…
ooh with just a touch
Two different people
From such different worlds apart
Has touched each other’s heart
Like candle’s in the dark
So if it’s time for us we gotta take it
Take the chance, the chance to make it

***flashback***

Biglang tumayo si drew at pumunta sa harapan ko, at bahagya siyang lumuhod.

"May i have this dance??" Tanung niya.

OMGosh. Ito na namang si heart ko ang bilis na naman ng tibok.

"Sure" sabay abot ko nang kamay ko sa kanya.

*Now Let the love begin
Let the light come shining in
Who knows where the road will lead us now
Look at what we’ve found
Make this moment turn our hearts around
It may never come again let it in
Let the love begin*

***end of flashback***

OH MY. Hindi pa rin maka get over.

Biglang nagring ang phone ko, hindi ko masagot kasi nasa loob pa ako ng banyo.

Paglabas ko ng banyo kinuha ko agad ang phone ko.

Drew's Calling...

Sasagutin ko pa o hindi. Nahihiya kasi ako. Siguro wag muna.

Drew's P.O.V.

Bakit kaya hindi sinasagot ni kristel ang phone niya baka tulog pa yun.

Dali dali akong naligo at nagbihis. Para pumunta kina kristel.

Napahinto ako sa pagmamaneho ng may madaanan akong tindahan ng ice cream. Bumaba ako at bumili, paborito kasi ni kristel yun eh.

"Ate pabili nga po ng ube keso ice cream" sabi ko dun kay ateng nagtitinda ng ice cream.

"Ito po sir" sabi nung nagtitinda, sabay abot nung ice cream ko at sukli ko.

Pabalik na ako sa sasakyan ko nang biglang tumunog ng phone ko.

Kring. . kring....
Danzel Calling..

"Hello bro" sabi ko.
"Bro asan ka??" Tanung niya.
"Papunta kina kristel" sagot ko.

Bigla niyang binaba yung linya.
Ano bang klaseng kaibigan itong si danzel.

Pagdating ko sa bahay nina kristel. Kumatok agad ako sa pinto nila.

Tokk.. Tokk...
Biglang lumabas si kristel.

"Good morning" bati ko sa kanya.

"Good morning too" sabi niya at pumasok na kami sa bahay nila.

Pagpasok ko, napansin kong ang ingay sa loob. May bisita ba sila.

"Hey. Bro" bati ni josh.

"Nandito na pala si drew eh." Sabi ni yannah.

"So, dan ano ba yung gusto mong sabihin sa amin kanina?" Tanung ni danica kay danzel.

"Sige na nga dahil makulit kayo, sasabihin kuna. Di ba lahat tayo may award nung prom." Pambibitin ni danzel.

"Tapos??" Sabay sabay naming sabi.

"Ibig sabihin nito, lahat tayo may trip to bocaray tayo for 2days" sabi ni danzel.

"Trip to boracay???" Sabi naming lahat.

"Kailan ang alis natin bro?" tanung ko.

"Bukas ng umaga, 5am dapat nasa terminal na tayo" bilin ni danzel.

"Okey" sabi ng mga gurls.

"So, paano ba yan kailangan na natin umuwi. Para maka pag ayos pa tayo ng mga dadalhin natin" sabi ni yannah.

"Tama ka dyan gurl. So, kristel mauna na kami" sabi ni danica.

"Ikaw bro, di ka pa uuwi" tanung ni josh sa akin.

"Maya maya nalang siguro" sabi ko.

Umalis na nga silang apat. Para daw maka pag ayos pa sila mga dadalhin nila, para sa trip to borac namin.

Kristel's P.O.V

Trip to borac. For 2days, im so excited. And im so sure, this is so fun.

Umuwi na nga sina yannah, nica, josh, at danzel para makapag impake na ng mga gamit nila. Ewan ko nga kung bakit nag paiwan pa itong si drew eh.

"Hindi ka pa ba uuwi??" Tanung ko sa kanya

"Maya maya pa. Btw. I brought you your favorite ice cream" sabi niya.

"Ube keso" sabi ko. "Thank you" dagdag ko pa.

"Movie marathon" aya ko.

"Sige ba. Basta harry potter" sabi niya.

Tumango lang ako, umakyat na ako ng kwarto para ayusin yung dvd namin, habang siya naman nasa kitchen kumukuha ng makakain.

"Let's start" sabi ko.

Umupo na kami sa baba ng kama. At inumpisahan na ang movie marathon namin.

Naalala ko yung tuxedo pala ni drew na naiwan niya kagabi. Tumayo ako para kunin yun.

"Btw. Ito nga pala yung tuxedo mo, and thank you sa pagbuhat mo sa akin." Nahihiya kong sabi.

"Ang bigat mo nga eh." Pang aasar niya. "Joke lang" dagdag niya.

"Ube Keso" alok niya. Kinuha ko ito at kinain na.

Habang kumakain kami at nanunuod parin ng harry potter. Biglang tumingin si drew sa akin at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. OH MY. Balak niya bang ulitin ulit yung ginawa niya.

"Drew" sigaw ko habang naka pikit.

Tinawanan lang niya ako.

"Anong nakakatawa??" Pagalit na tanung ko.

"Ikaw kasi" sabi niya sabay gulo ng buhok ko. "Akala mo siguro hahalikan kita" sabi niya.

"Hindi ba??" Tanung ko.

"May dumi ka po sa gilid ng labi mo, ang kalat mo kasi kumain" sabi niya.

Assuming kasi.. Ayan tuloy na hopia na nga, napahiya pa.

"Tulog na ako, uwi ka na rin. Maaga pa tayo bukas" sabi ko sa kanya.

"Sige, uwi na ako" sabi niya.

Pagkaalis ni drew, niligpit kuna lahat ng ginamit namin at inayos ko na rin ang mga dadalhin ko, sa boracay trip namin.

Parang Tayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon