Boracay (part 2)

11 0 0
                                    

Drew's P.O.V

2nd day/last day na namin dito sa boracay. Kaya susulitin na namin itong araw na ito.

Tok... Tok...
*pagbukas ni yannah sa pinto ng room nila*

"Good morning girls" bati ko sa kanila

"Ganda ng gising ah" sabi ni nica.

Wait asan ba si kristel. Wala ata siya rito sa room nila.

"Hinihanap mo si kristel noh." Pansin ni yannah.

"Girl, sino pa bang pinunta niyan dito, eh di si kristel." Pang aasar ni nica.

"Grabe kayo. Asan ba talaga siya" sabi ko.

"Nagpaalam lang siya sa amin na lalabas muna siya" sabi ni yannah.

"Okey, sige girls. Puntahan ko lang siya sa labas ah." Pag papaalam ko kina yannah at nica.

Lumabas na ako ng room nila, at lumabas ng hotel, nakita ko si kristel naka upo sa tapat ng hotel tinitignan yung mga lovers na dumadaan.

"Nakakaingit sila noh." Bulong ko sa kanya sabay upo sa tabi nila.

"Di naman, maghihiwalay rin yang mga yan" sabi niya.

"Bitter" sabi ko sabay gulo ng buhok niya. Tumayo ako at inalalayan ko siya sa pagtayo at hinila ko siya papunta sa mga kabayo.

"Ano ba saan tayo pupunta" tanung niya.

"Di bukas uuwi na tayo, kailangan sulitin na natin ito boracay trip natin." Sabi ko sabay lapit doon sa isang kabayo

"Horse back riding" sigaw niya. "Alam mo naman takot ako sumakay sa kabayo, because the last time na sumakay ako diyan nahulog ako" pagalit niyang sabi.

"Dont worry. I assure you this time hindi kana mahuhulog" sabi niya.

Inalalayan ko siya sa pag-akyat sa likod ng kabayo.

"Dont worry. Aalalayan kita" sabay hawak ko nang kamay niya habang naglalakad na yung kabayo.

After 20minutes, binaba ko na si kristel mula sa likod na kabayo. Pagbaba niya bigla niya akong niyakap.

"Thank you" sabi niya.

"Wala yun basta ikaw. So ano game kana sa susunod nating puputahan?" Sabi ko sa kanya na parang nagulat.

"Meron pa??" Tanung niya

"Ayaw mo na ba??" Tanung ko sa kanya.

"Hindi naman, saan ba tayo" sabi niya sabay takbo. trip pa niyang magpahabol sa akin.

Pagdating namin sa beach resort. Kinuha kuna agad yung pina reserve kung jet ski.

"Mag je-jet ski tayo??" Tanung niya, nahalatang excited siya.

Tumango lang ako. At bigla niya akong niyakap.

"Drew, thank you talaga. Ang saya ng borac trip ko." Sabi niya.

Sinuot na namin yung mga life jacket namin at sumakay na sa jet ski. Tapos pinaandar ko na yung jet ski.

Habang umaandar yung jet ski, todo yakap naman itong si kristel, baka mahulog eh.

"Kapit ka lang" sabi ko.

Kumapit siya ng mahigit dahil mas bumilis ang takbo ng jet ski.

Pagkatapos naming mag jet ski  nag ayang kumain si kristel napagod siguro sa mga activity na ginawa namin.

Pumunta kami sa restaurant sa tabi ng hotel namin.

"Sige na kumain kana, i'm sure nagutom ka sa sobrang pagod." Sabi ko sabay lagay ng kanin sa plato.

"Kaya nga eh. Nakakapagod din pala yung mga yun." Sabi niya sabay subo ng kanin at kare-kare.

"Dalian mung kumain dahil may isa pa tayong pupuntahan" sabi ko sa kanya.

"Kakarating pa lang natin dito ah. Pls. Mamaya nalang magpapahinga muna ako" sabi niya.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam muna si kristel na mag ccr muna daw siya. Habang hinihintay ko siya nag post muna ako ng mga picture naming dalawa, nung nag horse back riding kami.

Biglang nang dumating si kristel.

"So, ano saan tayo?" Sabay hila niya sa akin.

"Basta" sabi ko sa kanya.

At nakita namin ang barkada.

"Hey, bro. Kaya pala ang aga mong umalis sa room natin ah" pang aasar ni danzel

"Are you guys dating?" Tanung ni yannah.

"No..." Sigaw ni kristel.
"Tama si kristel, hindi kami nagdadate na eexplore lang kaming dalawa" paliwanag ko..

"Okey" sabay sabay nilang sabi

"Btw. Guys gusto niyo bang sumama sa amin ni kristel" aya ko sa kanila.

"Saan??" Tanung ni danica.

"Sa mainland adventure" sabi ko.

"Sure let's go" sabi nila.

Pagdating namin sa mainland adventure. Adventure talaga marami ring activity kaming ginawa.

Kristel's P.O.V

Pagkatapos namin pumunta ng mainland adventure, bumalik na kami sa hotel para maka pag pahinga na rin. Nakaka pagod kasi itong araw na ito eh.

Nauna nang pumunta sa room si yannah at nica. Nagpa iwan muna ako sa labas ng hotel.

"Akala ko ba, pagod kana kaya ka nag ayang umuwi" sabay lingon ko si drew pala.

"Wala" matipid kong sagot. "Btw. Thank for making me happy" sabay yakap ko sa kanya.

"Ikaw pa" sabay gulo niya ng buhok.

"Tara na pasok na tayo, para maka pag pahinga kana rin, i'm sure napagod kanina". Sabi ko.

"Ikaw rin" sabi niya sabay akyat ko sa room namin.

Pag akyat ko sa room namin tulog na yung dalawa, napagod ng sobra.

Pumunta muna ako ng banyo, para maka pagpalit. Pagkatapos kung maligo, humiga na rin ako.

Pero hindi pa rin ako makatulog, buti pa itong mga kaibigan ko ang sarap ng tulog. Kinuha ko yung phone ko upang mag update sa facebook account ko.

Pag bukas ko nang fb ko, napuno ng like and comment. Yung update status ni drew.

"Oh My. I miss borac"

"Ang sweet nilang tignan"

"Ang sweet talaga nila, sila na ba?"

Yan yung mga ilang comment sa status ni drew.

"Sila na ba??" Kami na ba?? Oo ay hindi. Anu ba talaga kami?." Gumugulo sa isipan ko.

"Oh My. Itulog mo nalang yan kristtelle mari. Maaga pa ang alis niyo bukas" sa utak ko.

Pinatay kuna yung lamp shade at tinago ko na rin yung phone ko.

Parang Tayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon