Kristel's P.O.V
Aalis na ba talaga kami, iiwan na talaga namin ang borac, pwede bang maiwan nalang ako dito.
"Tara na" sabi ni drew sabay bitbit niya ng bag ko sabay pasok sa van.
Habang nasa loob kami ng van, napansin kong hindi umiimik si drew, at panay tingin sa phone niya. Gusto ko sanang tignan kung anong ginagawa niya pero baka magalit siya.
"Bro, bc ah." Pansin ni josh.
"Oo nga bro. Wag mung sabihing katxt mo pa niyan si kristel" pang aasar ni danzel.
"Ewan ko sa inyo" sabi niya sabay balik ang atensyon niya sa phone niya.
"Ikaw talaga" sabay turo ko kay danzel.
Pero ano nga bang pinag kaka abalahan nitong si drew. Dont tell me naglalaro na yan ng COC. Kailan pa nahilig maglaro ng COC yan.
Drew's P.O.V
Kring . (phone msg. ringtone)
1 msg. recievedFrom: barbie
How's your trip to boracayTo: barbie
Masaya, ito pauwi na kami.From: barbie
Btw. Drew sorry. about dun sa proposal mo sa akin ng prom.To: barbie
Tapos na yun, at tanggap ko naman na, na may boyfriend ka na.Napansin kong tulog na si kristel, kaya sinandal ko yung ulo niya sa balikat ko. At ibinalik ko ang atensyon ko sa phone ko.
From: barbie
Drew no mali ka. Alam mo kung maibabalik ko lang yung time na nagproprose ka sakin. Ikaw ang pipiliin ko at hindi si aaronAnong ibig sabihin niya dun sa txt niya na kung maibabalik lang niya yung time na nagproprose ako sa kanya. Ako ang pipiliin niya at hindi si aaron.
Pero bakit, masaya naman sila nung prom. ah. Nakita ko nga sila ni aaron eh.
Biglang nagising si kristel.
"Nagising ata kita" sabi ko.
"Okey lang" sagot niya sabay tingin niya sa bintana ng van. Ako naman balik ang atensyon ko sa phone.
Hindi ko na nireplayan si barbie, hindi ko kasi alam kung ano sasabihin kaya nagbukas nalamg ako ng facebook ko.
Pag bukas ko ng facebook ko, nakita ko agad ang status ni aaron.
"Status: single"
Single?? Di ba sila ni barbie. Teka naguguluhan ako.
"Break na ba sila?" Tanung ng utak ko.
Kaya siguro nasabi ni barbie yun, kasi break na sila ni aaron.
Kristel's P.O.V
Pagdating namin sa terminal, nakita ko si mommy kasama si daddy...
"Dad" sigaw ko. Sabay yakap sa kanya. Almost 3years din kasi mula nung umalis si dad eh.
"I miss you baby girl" sabi ni mommy.
"Hay, naku si mommy talaga 2 days lang tayong hindi nagkita" sabi ko kay mommy sabay yakap sa kanya.
"Guys, mauna na kami ah" pag papaalam ko, sabay beso kina nica at yannah.
Napansin kong kanina pa walang imik si drew na parang may malalim na inisip.
Habang nagmamaneho si dad tuloy parin ako sa pagkwekwento.
" dad kailan po kayo umuwi??" Tanung ko.
"Kahapon lang anak. Btw. How's your trip in boracay" tanung ni daddy.
"Oh my dad! Super nag enjoy ako. I try many thing like reverse bungy, jet ski and mainland adventure" pagbibida ko kay daddy
"Halata nga anak" sabi ni daddy.
"Sweetie, nag horse back riding ka rin?" Tanung ni mommy.
"Yes mom." Sagot ko na medyo nalungkot naalala ko kasi si drew eh. Kahapon naman ang saya saya namin pero bakit ngayun.
"Nandito na pala tayo eh" sabi ni dad sabay baba ng mga gamit ko.
Pagpasok ko sa bahay namin, may naamoy ako parang Mocha Berry. Sinong nagbabake??
Upo muna ako sa sofa namin, napagod kasi ako sa biyahe. Biglang may nagtakip ng mata ko.
"Mom, Dad" hula ko. At bigla niyang tinanggal ang kamay niya sa mata ko.
"Couz??" *tampo tone*
"OMG! Couz, i miss you" sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.
"Couz, hindi na ako makahinga" sabi niya.
"Sorry couz." Sabi ko kay kathie (pinsan ko siya na nag-aral sa america for 2years)
"Tama na yan drama niyo, kumain na tayo. I'm sure gutom na kayo" aya sa amin ni dad.
Habang kumakain kami, patuloy parin ako sa pagkwekwento.
"Oh, anak baka may boyfriend ka na??" Seryosong tanung ni dad.
"Wala po dad" sabi ko kay daddy.
"Btw. Sweetie pwede bang sa kwarto mo muna matulog ang pinsan mo" paki usap ni mommy.
"Of Course mom" sagot ko.
Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako sa kwarto ko si couz tutulong pa daw kay mommy sa pagliligpit.
Kinuha ko yung phone ko sa bag. Umasang magt-txt si drew.
1new msg.
*kanino kaya ito galing baka kay drew, sabay bukas ng message.*From: Tnt
Ang iyong Free Apps service ay mag-eexpire na. Mag load ulit at magregister sa iyong paboritong offer para tuloy tuloy and kwentuhan mga katropa.Akala ko si drew na, Talk n' text lang pala. Buti pa si Tnt naaalala akong itext eh, yung bestfriend ko wala.
"Couz, pwede mo ba akong samahan sa mall tommorrow?" Favor niya.
"Sure" matipid kong sagot.
Humiga na kami sa kama ko, magkatabi kami ni couz kasi hindi pa nagagawa yung aircon sa guest room eh. Pero okey na rin yun, para may bonding kaming dalawa.