KAIBIGAN lang

12 1 0
                                    

Drew's P.O.V

Hindi parin ako maka get over sa mga sinabi ni barbie sa akin sa txt.

Kring...

From: barbie
Are you free. Pwede ba tayong magkita sa ngayon sa mall. May importante lang akong sasabihin sayo.

To: barbie
Okey. I'll be there.

Anu bang gusto niyang sabihin sa akin at kailangan ay magkita pa kami hindi ba pwedeng sabihin niya nalang sa txt.

Dali dali akong lumabas ng bahay, baka kasi kanina pa si barbie doon eh.

Pagdating ko sa mall, nakita ko si barbie na nakatayo sa isang jewerly shop.

"Sorry, kung nalate ako" sabi ko sa kanya.

"Its okey, thank you at pinuntahan mo ako dito" sabi niya.

"Coffee??" Aya ko.

Tumango lang siya at pumunta na kami sa coffee shop para maka pagusap ng maayos.

Kristel's P.O.V

Hindi ko mabitawan kung phone ko, baka kasi magtxt o di kaya tumawag si drew eh. At di ko masagot.

"Couz, you should try this" sabay abot niya sa akin nung yellow dress na may belt.

Pumasok muna ako sa fitting room para masukat yung pinili ni kathie para sa akin. Pagkatapos kung isukat lumabas na ako.

"Couz, you look so beautiful" sabi niya sabay paikot sa akin.

"Syempre mana sayo eh." Sabi ko sabay pasok ulit sa fitting room para tanggalin na yung isinukat ko.

"Let's go to the counter" sabi niya.

Pagkatapos naming mamili ng mga damit nag aya siyang manuod ng sine, may bagong palabas daw kasi ngayun eh.

Habang papunta na kami sa cinema 7, parang nakita ko si drew sa coffee shop na dinaanan namin kanina. Pero hindi ako sure kung siya nga yun.

"Couz, pwede bang bumili muna tayo ng mocha iced tea" sabay turo dun sa coffee shop kung saan ko nakita si drew.

Pagdating namin dun sa coffee shop, umupo ako sa gilid ng upuan nina drew at ......  barbie.

"Wait, bakit niya kasama yan babaeng yan??" Sa utak ko.

Dahan dahan akong umupo para hindi nila ako mapansin. May nakita akong dyaryo sa ibabaw ng mesa na kinauupuan ko. Tinakip ko yun para hindi nila ako makita.

"Sorry talaga drew, kung pwede ko lang ibalik yung araw na yun." Sabi ni barbie *teary eyes*

"Hindi mo naman kailangan ibalik yung araw na yun eh. Ang mahalaga eh yung ngayun" sabay hawak ni drew sa kamay ni barbie.

"Pero paano si kristel??" Tanung niya.

"Magkaibigan lang kami ni kristel" sagot niya.

"Sigurado ka" paawa effect pa si ate.

"Wala kang dapat ipag alala, kaibigan lang talaga ang turing ko kay kristel" paliwanag ni drew.

"kaibigan lang talaga ang turing ko kay kristel" paulit ulit na sinasabi ng utak ko.

Ang sakit pala talaga pag galing sa kanya. alam ko naman na kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin eh. Pero umasa kasi ako eh. Kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.

Biglang akong napalingon kina andrew. Paglingon ko biglang tumulo ang luha ko ng makita kong halikan ni drew si barbie sa lips.

Gusto ko nang umalis dito bago pa bumaha ang coffee shop na ito sa sobrang dami ng iluluha ko mamaya. Biglang may dumaan sa harap ko at dali dali ako tumayo para maki sabay sa kanila sa paglabas para hindi nila ako mahalata.

Paglabas ko ng coffee shop, doon na tumulo ang luha ko.

"Couz, hinahanap kita sa loob lumabas kana pala" sabi ni couz habang hawak niya yung mocha iced tea namin.

"Couz, uwi na tayo?" Aya ko *sad tone*

"Couz, umiiyak ka ba?" Tanung niya

"Ahhh. Hindi, napuying lang ako kanina" palusot ko sabay punas ng mga luha ko.

"Okey, sige uwi na tayo. Para maka pagpahinga kana rin" sabi ni kathie.

"Couz, sorry ah. Next time nalang tayo mag cine." Sabi ko sa kanya.

Habang nasa kotse kami hindi parin mawala sa isip ko yung narinig at nakita ko kanina.

Para bang ang bigat bigat na dinadala, siguro nga dahil umasa ako.

Pagdating namin sa bahay, nakita ko si mommy na nasa labas ng bahay, inaabangan ata kami.

"Kamusta naman ang bonding niyong magpinsan?" Masayang tanung ni mommy.

"Mom, Couz. Pasok muna ako sa kwarto ko para maka pagpalit na rin" sabi ko.

"Anong nangyari dun sa pinsan mo?" Narinig kong tanung ni mommy kay kathie

"Napagod lang po siguro??" Sagot ni kathie.

Umakyat na ako sa kwarto. Gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya. Iiiyak ko nalang ito para kahit papaano mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

Tok... Tok....

"Couz" sabi ni kathie na nasa labas ng kwarto ko.

Pinunasan ko muna ang luha ko at inayos ang kama ko para hindi magtaka si kathie. Pagkatapos binuksan kuna yung pinto.

"Couz, are you okey??" Tanung niya.

"Yes, i'm okey" sagot ko *fake smile*

"Mocha Berry Capcake" alok niya sabay kuha nung capcake sa mesa.

***flashback***

"Sorry for what happen, di ko talaga sinasadya yun. Ito na nga may dala akong peace offering" sabi niya sa abot sa akin ng isang pulang kahon.

*Pagbukas ko nang kahon*

"Mocha Berry Capcake??" Sabi ko. "Alam mo talaga kung paano ako suyuin ah." Dagdag ko.

"So, ano bati na tayo" sabi niya sabay 🙏🙏

Tumango lang ako, tapos bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

***end of flashback***

Bakit ko pa ba siya naaalala. Alam naman natin na masaya na siya sa piling ng bago niyang bestfriend este girlfriend.

"Couz???" Sabi kathie habang natulala ako.

"Sorry couz ah. Sige lapag mo muna yan dito" sabay turo ko sa mesa.

Nilapag lang ni kathie, yung mocha berry capcake na binake niya para sa akin.

Wala kasi ako sa mood para kumain eh. Ikaw ba naman ang umasa.

"Couz, may bisita ka" sabi ni kathie.

"Sino daw??" Tanung ko.

"Andrew daw couz" sabi niya na parang kinikilig.

"Paki sabi umuwi na siya kasi masama ang pakiramdam ko" pang dadahilan ko.

Lumabas na agad si kath at pumunta kay drew.

Bakit ba nandito yang mokong na yan, wala ba silang lakad ng girlfriend niya kay nandito siya. Ano ako panakip butas lang.

Parang Tayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon