Drew's P.O.V
Bakit ba kailangan mangyari ito kay kristel.
Tooot... Toottt...
To: danzel
Bro Kristel is already awake.Mabuti naman at gising na siya, nakahinga na ako ng maluwag. Dali dali akong umalis na bahay para pumunta sa hospital.
Napahinto ako ng makakita ako ng bilihan ng red roses. Naalala ko kasi si kristel alam ko kasing paborito niya yun. At ngayun na gising na siya gusto kong makabawi sa kanya.
"Ate isang bouquet nga po ng red roses" sabi ko dun sa nagtitinda.
"Gusto niyo po bang maglagay ng dedication?" Tanung ng tindera.
"Ako nalang po ate" sabi ko sabay abot nung bayad.
"Sige po sir. Have a nice day" sabay abot niya ng bouquet ng red roses.
Isinakay kuna ito sa kotse ko at pumunta na sa hospital.
Pagdating ko sa hospital dali dali akong tumakbo papuntang kwarto ni kristel, excited na kasi akong makita siya.
Tok... Tok.. Tok...
*pagbukas ng pinto*"Bro your here" sabi ni josh.
"Kristel for you" sabay abot ko nung bouquet ng red roses na binili ko.
"Ahh. Sino siya??" Tanung ni kristel kay danzel.
Hindi niya ako naalala, pero bakit. Dahil wala akong kwentang kaibigan.
"Bro, anong nangyayari bakit hindi niya ako maalala" nalilitong tanung ko kay danzel
"Kristel have a temporary amesia" paliwanag ni danica sa akin.
"Btw. Kristel siya si andrew, kaibigan din natin" sabi ni josh kay kristel.
"Sorry talaga kung hindi ko kayo maalala ah." Sabi ni kristel sa aming lahat.
Tumulo ang luha ko sa sobrang sakit. Hindi ko kasi maipaliwang eh. Lumabas muna ako para maka pagpahangin.
Paglabas ko ng hospital bumuhos ang luha ko, hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa hindi ako maalala ni kristel. Basta hindi ko alam. Pero hindi ako titigil hanggang hindi niya ako maalala.
"Panyo" narinig kong sabi ng isang babae sabay abot sa akin ng panyo.
***flashback***
"Panyo" sabi nung isang babae at umupo siya sa tabi ko, tumingin siya sa akin sabay punas ng luha niya at sabay singa ng sipon niya.
"Ilalaba ko muna ah" sabi ko.
Tumango lang siya.
"Sorry ah. Sa tuwing umiiyak ako ikaw lagi ang nakakakita." Sabi ko na parang nahihiya.
"Okey lang yun. Para saan pat naging mag kaibigan tayo" sabi niya sa akin at bigla ko siyang niyakap.
***end of flashback***
Naalala ko naman tuloy siya, dati kasi sa tuwing umiiyak ako siya ang nakakita.
"Thank you miss" sabi ko sabay lingon ko kung sino yung nagbigay sa akin panyo.
"Karen??" Sabi ko sabay punas ng mga luha.
"Wrong timing ata ako" sabi niya.
"No, sorry nakita mo pa akong umiiyak" sabi ko na medyo nahihiya.
"Wala yun. Ano palang ginagawa mo dito at bakit ka umiiyak??" Tanung niya.
"Na aksidente kasi si kristel and ngayun wala siyang maalala" sabi ko kay karen.
"Im sorry to hear that." Sabi niya sabay yakap sa akin.
"Ikaw anong ginagawa mo dito??" Tanung ko.
"Hon lets go" sabi nung isang lalaking matangkad, maputi na parang half american.
"Btw. Drew this is luke my fiance" sabay shake hands ko dun sa luke.
"Drew we have go to. Nice to see you again and i hope kristel will okey." Sabi niya.
"Thank you, nice to see you too." Sabi ko sabay alis nila nung fiance niya.
Ang tagal na rin mula ng mag break kami ni karen ngayun may fiance na siya.
"Bro si karen ba yun" tanung ni josh sa akin sabay tapik sa balikat.
"Oo bro" sagot ko.
"Eh, sinong yung kasama niya??" Tanung niya ulit.
"Ah. Si luke, fiance niya" sabi ko.
Natahimik si josh at bumalik na kami sa kwarto ni kristel.
"Bro, alis muna kami. Bantayan mo muna si kristel ah." Bilin ni danzel at umalis na sila.
Kaming dalawa nalang ni kristel ang naiwan dito sa kwarto niya, umupo ako sa tabi niya.
"Ahhh. Pwede mo ba ang kwentohan kung anong meron sa atin noon." Paki usap niya.
Tumango lang ako, at kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko para ipakita kay kristel ang ibang mga pictures namin.
"Ito yung pictures natin nung prom. Tayo pa nga yung hinirang na prom. Queen & King" kwento ko sa kanya sabay pakita yung pictures namin noong prom.
"Talaga, ang saya siguro natin noon" sabi niya na may halong ngiti sa kanyang mga labi.
"Oo, sobrang saya natin noon" sabi ko sa kanya.
"Sana maalala kuna ang lahat noh." Sabi niya at bigla siyang nalungkot.
"Wag kang mag-alala tutulungan kita para bumalik na ang mga alaala mo, paglabas mo dito pupuntahan natin ulit lahat ng napuntahan na natin noon." Sabi ko sa kanya.
"Talaga, thank you ah" sabay yakap niya sa akin.
Parang biglang bumilis ang tibok ng puso. Siguro dahil namiss ko itong mga yakap niya. Ang tagal na rin kasi noong muli ko siyang mayakap.
"Sige magpahinga kana para mas bumilis ang pag galing mo" sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya at umayos na ng higa niya.
Habang tulog siya, tinititigan ko lang siya. Wala siyang pinagbago mapa gising o tulog, maganda parin siya.