Drew's P.O.V
Paggising ko nakita ko kung magkahawak ang kamay ko at kamay ni kristel. Hindi na bago sa akin ang magkahawak kami ng kamay, pero iba ngayun eh. Para bang maspark na dumadaloy sa buong katawan ko.
Anong nangyayari sa akin, hindi naman ako dating ganito eh.
"Kanina ka pa ba gising?" Tanung niya sa akin.
"Ahhh... Di naman.. Masyado" utal utal kong sabi.
"Anung nangyayari sayo andrew cervantes di ka naman dating ganyan" bulong ko sa sarili.
"Ano yun??" Tanung niya na parang narinig niya ata ang sinabi.
"Wala, ang sabi gusto mo ba ng ponkan, ipagbabalat kita" palusot ko.
Tumango lang siya. At ipinagbalat ko siya.
"Thank you ah" sabi niya sa akin.
"Sus, wala yun para saan pa't naging magkaibigan tayo" sabi ko sa kanya sabay subo ko nung binalatan kung ponkan.
Napansin kong may dumi sa gilid ng labi niya nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at...
"Anong ginagawa mo?" Tanung niya
"May dumi kasi sa gilid ng labi mo." Paliwanag ko sa kanya.
"Hindi ka parin nagbabago makalat ka parin kumain" dagdag ko.
"Sorry" natatawang sabi niya.
Sinubuan ko ulit siya ng ponkan.
"Ang sweet naman" sabi ni josh, na parang kabuti na kung saan saan sumusulpot.
"Ewan ko sayo" sabi ko sa kanya.
"Sige bro umuwi ka muna, at ako muna ang bahala sa princesa natin" pabiro niya sabi.
"Sige bro. Kristel uwi muna ako ah." Pag papaalam ko sa kanya.
"Ingat" naka ngiting sabi niya.
Nakakamiss talaga yung mga ngiti niyang ganun.
Paglabas ko nang hospital, naisipan kong dumaan ng supermarket para mamili ng mga gagamit ko sa pagbabake. Gusto ko kasing ipagbake si kristel eh.
Pagdating ko ng bahay diretso agat ako sa kitchen namin at inayos kuna yung mga gagamitin ko.
"Magbabake ka ata" pansin ni mommy.
"Yes mom, gusto ko po kasing ipagbake ang bestfriend ko eh." Sabi ko kay mommy.
"Sus, ang anak ko talaga." Sabi ni mommy.
"Mom, can i ask you something?" Sabi ko habang hinahalo lahat ng sangkap ko.
"Sure, baby boy?" Sabi ni mommy.
"Mom paano niyo po nalaman na si dad na yung "the one niyo".? Seryosong tanung ko.
"Bakit naman na tanung?" Tanung ni mommy na kahit ako hindi ko alam kung bakit ko yun natanung.
"Curious lang po ako" sagot ko.
"Yung sa amin kasi ng daddy mo. Pag nagkikita kami parang nagsoslowmo ang paligid. Tapos
Laging bumibilis ang tibok ng puso ko, na para bang may hinahabol at saka gusto ko siya lagi ang nakikita ng mga mata ko. And you can also feel butterfly in your stomach. Bakit anak ganyan din ba ang nararanasan mo? Tanung ni mommy.Yung slow mo, at butterfly in my stomach. Hindi ko pa nararanasan yun, pero yung bumibilis ang tibok ng puso mo na parang may hinahabol at yung gusto mo lagi mo siyang nakikita. Madalas nangyayari sa akin yun.
"Hindi po" deny ko. Habang nilalabas na ang binake ko sa oven.
"Sige anak, alis muna ako" sabay beso sa akin.
Bakit ba nangyayari sa akin ito, hindi naman ako dating ganito sa mga naging girlfriend ko, walang slow mo, walang pagbilis ng tibok ng puso, walang butterfly in the stomach, basta ang alam ko mahal ko sila, pero iba itong nararamdaman ko para kay kristel.
Dali dali na ako naligo, para pumunta na sa bahay nina kristel kasi may welcome home party kasing ginawa ang pinsan niya. Ngayun na kasi ang uwi niya.
Pagdating ko sa bahay nila naka set up na ang lahat nilapag ko na rin sa mesa ang binake yung mocha berry cake.
"Kuya andrew nandito ka na pala" sabi ni kathie sa akin.
"Kakarating ko lang din" sagot ko.
"Guys anjan na sila!" Sigaw ni danica.
Kanya kanyang tago kami, merong nasa ilalim ng mesa, upuan, gilid ng hagdan at kung saan saan pa.
Bumaba na si sa kotse at papasuk na sa loob ng bahay.
"Welcome home kristel" sigaw naming lahat sabay labas sa pinagtataguan ko.
"Welcome couz" sabay yakap ni kathie kay kristel.
"Thank you sa inyong lahat" sabi ni kristel.
"Tara kain na tayo" aya ni josh_ kumuha na sila ng kanya kanya nilang pagkain.
Nagslice ako ng cake na binake ko, gusto ko kasi matikman ni kristel yun eh.
"Kristel oh" sabay abot ko sa kanya ng platito na may lamang slice ng cake.
Kinuha niya ito at tinikman.
"Ikaw ba ang nagbake nito?" Tanung niya.
Tumango lang ako.
"Ang sarap ah." Sabi niya.
"Alam kong paborito mo yan eh." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya, habang patuloy parin sa pagkain nung cake. Habang pinagmamasdan ko siya hindi namamalayan na natutulala na pala ako at feeling ko there is a butterfly in my stomach.
"Hindi ba inlove na ako sa bestfriend??" Sabi ng utak ko
"Are you okey??" Tanung niya sa akin.
"Okey lang ako, may naalala lang" palusot ko sa kanya.
Kumuha na rin ako ng pagkain ko at tumabi kina josh at danzel.
"Bro, baka matunaw si kristel niyan" pang aasar ni josh.
"Oo, nga bro" sakay naman ni danzel
"Ewan ko sa inyong dalawa" sabi ko sa kanila at itinuloy ko nalang ang pagkain ko.
Bukas ipapasyal namin si kristel sa buong university mula sa tambayan namin hanggang sa classroom namin, baka makatulong sa kanya.