Tong story na ito di talaga ako yung gumawa pero gusto ko Lang ma I share tong story na Ito Dahil may mapupulot tayong aral dito sana magustohan niyo
**********************************************************************************************************
"A teacher affects eternity"
Kasabihan Lang yun
Kasanihan na pinatonayan ng panahon at kasaysayan
Sa dinami dami ba naman ng propesyong mapagpipilian doktor,abogado,engineer,nurse maging ang simpleng magtataho,parlorista at tricycle driver Lahat yun dumaan sa isang guro
Hindi ko na matandaan Kung ilan ang mga naging guro ko........
Pero merong isang tumatak sa isip ko
Yung teacher namin sa biology...
Si ma'am Perlita Santos....
Sino bang makakalimot sa kanya?
Eh tinalo pa niya si Ms.Tapia ng Iskul Bukol sa sobra ng pag ka terror.....
Tingin ko sa kanya eh parang buwaya na sa anumang oras sasagpangin ka ng walang kalaban Laban
"class get one half crosswise.... Number one question" ganun si ma'am santos, laging may sopresa
Kung paano siyang pumasok natataranta Dahil laging five minutes late
Gusto niya mataranta ka rin sa surprise quiz
"Carlos wala ba kayong suklay?"
"Angela,dalawa yung plansta namin sa Bahay ipahiram ko sayo yung isa"
Pati ba naman personal grooming ng estudyante pinapakikialaman pa?!
Magaling naman siya sa subject niya
Minsan nga Lang parang praning...... Bigla na Lang natutulala at pag may ma ingay... Nambabato ng eraser
Wala naman kaming alam tungkol Kay ma'am maliban sa byuda na siya at may isang anak, Hindi Lang naman ako ang asar sa kanya......... Marami kami
Pakiramdam namin kase eh sobra na siya Kung manghimasok...Gaya na Lang Nung umabsent ako ng apat na Araw, napa away kase ako ayoko pumasok na may black eye
"Carlo remain after class" Lagot!!!!!!!!!!!!!!!!!!!,
Siguro alam na ni ma'am yung nangyari at sigurado lalabas na naman yung pangil niya Islamabad na ang sungay at buntot ,bukod sa papagalitan ako, babantaan pa ako na bibigyan ng low grades sa character education
...........
Makahulugan ang titig sa akin ni ma'am
Di ko maipaliwanag.... Matamlay siya Nung hapon na yun
" Carlos I want you to go with me after class"
"San po ma'am "
"Sa Bahay namin"
Nagtataka ako pero di na ako nagtanong pa! Naisip ko na Baka magpapatulong siyang magbuhat ng libro biglang parusa sa kalokohan ko
May nadatnaan akong nakahiga sa papagalitan na may kutson,halos ka edad ko pero kakaiba siya
"Carlos siya si Ace ang anak ko........ Meron siyang cerebral palsy Lahat ng kailangan niya... Nakadepende sa akin Hindi niya kaya ang sarili niya
Nabigla ako sa aking na tuklasan
Nagbago sa isang iglap ang tingin ko sa Kay ma'am
Kaya pala lagi siyang nag mamadali umuwi
Kaya pala Lagi siya five minutes late
Kaya naman minsan nakatingin siya sa malayo
Ng maga oras na iyon naging instant hero sa paningin ko si ma'am
Sa Kabila ng kanyang suliranin at dalahin sa Bahay nagagawa pa ni ma'am na pansinin ang kakulangan ng mga estudyante niya sa Kabila ng obligasyon sa tahanan. Nagawa niya ang trabaho sa paaralan
"Carlos ang pangarap ko sa anak ko kahit kailan Hindi na matutupad pero ang pangarap ko para sa inyo ng mga batang hinubog ko. Pwede mo bang tuparin para sa ako?"
Noon ko lamang na realize Mali pala ang impression ko Kay ma'am
Ngayon malayo na ang narating ko
Hindi ko alam Kung nasaan na si ma'am
Pero sa puso at isipan ko mananatili siyang magandang halimbawa at mabuting karanasan
THE END
**********************************************************************************************************
Sana may napulot kayong aral sa istoryo
Sana galangin at mahalin niyo ang inyong mga guro Dahil kong Hindi Dahil sa
YOU ARE READING
My instant hero teacher
Short StoryPag pinagalitan tayo ng ating teacher ginagawan natin sila ng pangalan for example baboy( pag mataba) pat pat( pag mapayat) o kaya naman binababoy natin ang kanilang surname! Pero alam ba natin kong ano ang kanilang nararamdaman tuwing pinapagalit...