Chapter 4 - Traumen

145 12 4
                                    

Actually, di ako mahilig sa category(I usually write Humor-themed Stories) nato kaya I apologize if the story'll have its downfall because of me. 

Here it goes. ;P

I apologize for writing it short. Nagmamadali po kasi. Gagawa pa ako ng report ko which is first subject sa morning class ko. 

__________________

"Hoy Chase! Pangatlo nato ah! Gising na!" Napamulat ako sa boses na nadidinig ko. Umayos ako sa pagkahiga at nalamang nasa salas ako at nakahiga sa sofa. Nakapaligid sa akin ang barkada, yun nga lang, wala na si Demi.

"Ano nga ba nangyari? Natagpuan ka lang naming walang malay na nakahiga sa sofa ng kwarto mo." Napatigil lang ako sa sinabi ni Miguel. Nakahiga sa sofa? Walang Malay? Te-teka.

"Walang malay? Eh--" Di ko natapos nang pumasok si Bob sa salas galing kusina. Nagluluto yata.

"Nasaan na nga pala si Aliya?" Napatigil ako sinabi ni Bob. Teka-teka. Nanginginig ako lalo sa tanong ni Bob. Napalaki ang mga mata ko't napalibot ang paningin sa paligid. Nagtataka ako kung bakit unti-unting nawawala ang mga kababaihan. Siguro nga mga witch sila? Pero, imposible narin siguro. Sobrang kasamaan na siguro 'pag nangyari iyon. May biters na nga, dadagdagan pa ng mga witch?

Niyugyog ako ni Leo at tiningnan niya ako mata sa mata. Ano na naman ang kasalanan ko? Ako na naman ang sisisihin. Wala nga akong alam! Napatitig lang ako sa kanya at nag-antay ng kanyang gustong sasabihin.

"Chase, nakita ko si Aliya pumasok sa kwarto mo. Sa tingin ko'y sumunod siya sayo. Ano ba talaga ang nangyari?" Kalmadong tanong ni Leo pero alam kong may dalang pagtataka na ito. Syempre, polis siya, nasa trabaho na niya ang pag-isip ng mabilis, pero bat naman ako?

"Di ko talaga alam kung ano nangyari. Basta e, nakita ko uli ang babae. Doppelganger." Napatitig lang sila na halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Sa una'y walang umimik hanggang sa nagsalita si Kian.

"Alam niyo ba talaga ang ibig sabihin ng Doppelganger?" Nakapahilamos na biglang tanong ni Kian. Nabaling sa kanya ang titigan at lalong tumayo ang mga balahibo ko sa narinig ko sa totoong ibig sabihin nito.

"Ito'y isang German word na nangunguhulugang paranormal double of a person.

Walang tumunog. Walang gumalaw. Lahat ay kabado nakatingin lang kay Kian tapos ibabaling kay Leo tapos sa akin na naman. Ang ikinakakataka ko kung bakit nawala si Aliya at ang babae ang nagpakita. Naguguluhan na ako lalo.

---

Nagising nalang ako sa kwarto ko na umaga na. Nakahubo't hubad pa't nakahiga lamang sa sofa. Teka! Panaginip lang ba iyon? Sa tingin ko nga'y panaginip lang. Nagsuot ako ng boxers at pumunta sa balkonahe. Ibang iba na talaga ang mundo. Noo'y puno pa ito ng liwanag pero isang kurap ko lang biglang dilim na ang nakabalot nito. 

Napasampal ako sa sarili ko't naramdaman nga ang sakit. Takte. Bumalik na ako sa loob at naligo na't nagbihis. Bumaba na ako't nakasalubong si Bob na halatang tumatakbo pabalik sa kusina sapagkat amoy na amoy na namin ang sunog na pagkain. 

Hinayaan ko nalang muna siya't tumungo muna sa sofa. Doon nakaupo ang barkada. Bumaling sa akin ang mga titig. 

"A-ano?" Nakaramdam ako ng may umupo sa tabi ko't dahan-dahang ibinaling ang ulo kung sino man ang tumabi. Napatigas ang buong katawan ko nang nakita kung sino ang tumabi. Si-si Aliya.

"A-aliya?" Nabigla kaming lahat sa nakita naming tumabi sa akin. Inayos niya yung buhok niya't yinakap ang braso ko. Gusto ko sanang tanggalin pero ayaw gumalaw ng katawan ko.

"Oh? Parang nakakita kayo ng multo? Natulog nga lang ako." Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa braso ko't may binulong sa tenga ko.

"Kumusta ka na nga pala?" Nabigla ako sa tanong niya. E-eh?

"Ha-ha?" Napakamot siya sa ulo niya't sinuklay ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok.

"Iniwan nga lang kita kahapon, nahimatay ka na. Ano ba talaga ang nangyari?" Napatigil ako sa narinig kong bulong niya. Napatingin ako sa labas at nakita ang doppelganger ng babae. Nakatitig lang siya sa akin. Di ko alam kung ano ang gagawin. Pinikit ko ang mata ko't minulat uli. Nawala man ang doppelganger, nanlalamig parin ako sa mga nangyayari.

Umakyat ako pabalik sa kwarto ko't narinig na may sumunod. Tumakbo na ako papunta at narinig ko ding bumibilis ang yapak ng mga paa ng sumusunod sa akin. Di ko na tiningnan kung sino't pumasok agad ako sa kwarto at lumayo sa pinto. Di ko tinanggal ang tingin sa pinto.

Nakita ang hawakan ng pinto na umikot. *click*

The Twisted StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon