VII.

7 0 0
                                    

Bumalik na ako sa table ko. Ilang beses akong tinawagan ni Jeff pero hindi ko sinasagot. Bahala siya. Edi maghanap din siya ng kaibigang babae! Hindi yung pinagbabawalan niya ako sa mga ginagawa ko na wala namang dahilan! Asar!!

“Jill! Hindi ka pa ba uuwi?”

“Mamaya na lang siguro, tatapusin ko lang to”

“Okay! Una na ako ha birthday kasi ng boyfriend ko eh”

“Sira! Meron ba?”

“Naman! Birthday ng papa Coco ko ngayon nuh”

“Hahaha! Sige, pakasaya ka.” Kumaway na ako sa kanya

“Save. Haaa! Tapos na rin” isinubsob ko na lang sa trabaho ang sarili ko buong araw para makalimutan ang pag-uusap namin ni Jeff. Napansin rin ata ni Martha na wala ako sa mood kaya hindi nangulit.

Nagligpit na ako ng gamit at bumaba na.

“Woah! Ang dilim na.” nasabi ko

“Ang workaholic mo naman”

Napalingon ako sa nagsalita.

“Kurt? Ba’t andito ka pa?”

“Ahh…kasi may isa dyan na late na natapos tapos kababae pang tao, wala namang susundo kaya naghintay ako”

“Tss. Akala ko sasabihin mo na namang napadaan ka eh.”

“Gasgas na kasi yun eh” he smiled ganon din ako.

“Tara na.”

“Hindi okay lang”

“Nilamok na nga ako dito kakahintay eh tapos tatanggihan mo lang?.”

“Excuse me? Hindi ko naman sinabing maghintay ka diba?”

“Tss. Bahala ka. Wala nang dadaan dito.” Tas pumasok na siya sa kotse niya pero hindi pa niya pinaandar

“Ang tigas ng ulo!” rinig kong sabi niya at lumabas sa kotse niya. Pumunta siya sa akin at hinila ang kamay ko

“Wait! Ano ba!”

“Sasakay ka ba o hahalikan kita” nagulat ako sa sinabi niya at parang ganon din siya.

Agad kong pinasok ang katawan ko sa kotse. Nanlamig ang buo kong katawan…kung kumag si Jeff mas kumag pa pala si Kurt. Ang lapitin ko naman ata sa mga kumag.

Walang imik siyang pumasok sa kotse at nagsimula nang mag-drive. Walang kumikibo sa amin. Nakatingin lang siya sa daan ako naman sa bintana. Spell awkward. -_____-

“S-salamat” sabi ko ng hindi nakatingin.

“Okay”

Lumabas na ako ng kotse at naglakad. Hindi na ako lumingon sa kanya. Kainis naman kasi eh. Pumasok na ako.

“Tss. Kainis na Kurt yun! Kalbuhin ko kaya yun gaya kay – “ Hindi ko natuloy ang pagsasalita ng naalala ko na naman ang isang kumag.

“Argh! Bakit ka ba laging sumusulpot kumag ka!!!” napaupo ako dahil sa halu-halong nararamdaman ko.

I suddenly felt the emptiness inside at hindi ko alam saan galing. Yung feeling na gusto kong mangyakap para mawala ang nararamdaman ko.

Kumuha ako ng unan at yun ang niyakap ko pero it is still not enough. Ngayon ko lang ulit naramdaman to nang maalala ko ang isang kumag na matagal nang hindi ako pinapakain. Ayoko! Ayoko ng ganito!! Hanggang sa napansin kong may tumutulo sa mga pisngi ko. ARGH!

“Ang OA niyo ha! Bakit kayo lumabas ha! Bumalik nga kayo!! Kainis!!” sabi ko habang pagalit na pinupunasan ang mga luha ko.

Nakakahiya mang aminin pero…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Writing the ConsequencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon