\\Chapter Fourteen

161 2 21
                                    

Behind the Mask is a Deeper Secret 

[Chapter Fourteen]

     "Buti pinayagan ka." Sabi ni Kenedy kay Bree habang pinapanood niya itong mag-empake ng mga damit niya.

     "Syempre naman. Nadaan sa charms." Sabi ni Bree sabay tawa. "Joke lang."

     "Asa ka namang maniniwala ako. Wala ka namang charms e." Sagot ni Kenedy sa biro ni Bree.

     "Sus. Kunwari ka pa diyan. Alam ko namang naku-cute-an ka saakin."

     "Oo na lang."

     "Sabi na nga ba e."

     Nanahimik sila habang nakikinig ng random na kantang pinapatugtog sa radyo.

     "Makalumang tao ka no?" Sabi ni Kenedy kay Bree habang tinititigan ang radyo.

     "Hindi naman. Mas maganda naman kaya ang mga kanta noon kesa sa mga kanta ngayon." Bree said without looking at Kenedy.

     "Tama ka naman diyan. Senseless"

     "Okay na ko." Sabi ni Bree pagka tapos niyang i-zipper ang bag niya.

     "Tulungan na kita diyan." Binuhat ni Kenedy ang bag para dalhin na sa baba.

     "Sige. Maliligo na ko." Kinuha niya na ang damit niya at pumasok sa banyo para maligo. Ayos na ang banyo sa kwarto niya. Nasira kasi ito nung nakaraan sa dahilang di niya alam.

     Naligo na siya at nagbihis para makaalis ng maaga at di masyadong gabihin sa byahe.

      Pagka baba niya ay nakita niyang nasa baba rin si Mr Bautista at Kenedy. Uligaga at confused ang itsura.

     "Ano pong problema niyo?" Tanong ni Bree pagka datin niya sa may pintuan.

      "Si Harvey. Hindi ba kayo nagkasalubong?" Tanong ni Kenedy.

     "Hindi. Bakit ba?" Sabi ni Bree while shaking her head. Pati siya naguguluhan na.

     "Ngayon niya lang pala kasi nalaman na pupunta ka ng Antipolo mag-isa." Sagot ni Kenedy.

     Nagsalubong naman ang kilay ni Bree. "Huh? Kaya ko naman. Mauna na ko, baka gabihin ako e."

     Friday afternoon. Mag-aalas dos pa lang ng hapon at kakauwi pa lang ni Bree nung magempake siya. Dumaan na rin siya sa bahay niya para sabihin sa untie niyang mawawala muna siya.

     "Sige. Magiingat ka." Paalam ni Mr Bautista.

     "Bilisan mo na." Binuhat na ni Kenedy ang bag niya para mabilis. Ayaw na din namang isama ni Bree si Harvey sa Antipolo at mag-aaway lang silang dalawa. At isa pa, di naman siya invited.

     "Dito na lang ako. Magta-tricycle na lang ako palabas. Bye!" Paalam ni Bree pagkapara niya sa tricycle. Successful naman siyang nakalabas ng subdivision.

     Pero pagka baba niya ay may tumigil na sasakyan sa harap niya.

     "Get in." Sabi ni Harvey pagka labas niya ng pinto ng kotse. Nagtitigan lang sila ng ilang segundo then Harvey rolled his eyes upward. Lumapit siya at kinuha ang mga gamit ni Bree at nilagay sa loob ng kotse. "Sumakay ka na kung ayaw mong mauna pa ang mga gamit mo sa Antipolo."

     Wala namang nagawa si Bree kung hindi sumakay. There's a good part, makakatipid si Bree sa pamasahe. Bad part, baka siya ang pagbayarin ng gas.

Behind the Mask is a Deeper Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon