Kakatapos lang ng game at nasa team dinner kami ngayon kasama ang team, team manager, coaching staff at families ng bawat isa.
"Grabe di pa rin ako makapaniwala daks! After 2 seasons, nasa atin na ulit ang championship. Gagraduate tayong champion.", sabi ni Mika sa akin habang kumakain.
Nginitian ko siya. Hanggang ngayon kasi speechless pa rin ako eh. Pati ako di makapaniwala. Magkahalong saya at lungkot din ang aking nararamdaman. Masaya kasi syempre champion. Malungkot kasi tapos na playing years namin for La Salle.
After our team dinner, nagkayakapan ulit kaming lahat. Di namin macontain yung happiness. This is for everyone who supported us and who believed in us. For our families, for the La Sallian community, and for Him.
"Ano Vic? Sa dorm pa rin ba kayo matutulog?", tanong sa akin ni mama. Nakaimpake na kasi ng gamit pero parang napag-usapan na one last time magstay kami dun after ng game.
"Opo ma.", maikli kong sagot kay mama. Naiintindihan naman niya na di rin madali sa aming mawalay sa team lalo na't limang taon ko rin silang nakasama sa iisang tirahan.
"Basta mag-ingat ka Vicky ha? Text mo na lang kuya mo bukas kung magpapasundo ka pa.", paalala ni mama matapos niya akong halikan sa noo.
"Proud kami ng papa mo at ng kuya mo sa'yo.", dagdag niya pa sa akin bago ako dumiretso kung saan nakapark ang coaster.
Umupo agad ako sa usual seat ko habang hinihintay sila. Grabe. Mamimiss ko 'to. Mamimiss ko sila. Mamimiss ko ang La Salle.
Maya maya'y dumating na rin mga team mates ko. "Wooooh! Champions! Champions! Twerk. Twerk. Twerk.", sigaw nila kasabay ng tawa, palakpak at sayaw.
"Ate Ara, parang di tayo champion ah! Bakit parang ang lungkot mo?", puna sa akin ni Kianna.
"Hala siya. Sinong malungkot? Basta hindi ako. Hahaha.", nakangiti ko namang sagot sa tanong niya para di na siya magduda.
"Sige sabi mo eh.", pang-aasar ni Kianna sa akin. Akala ko di na ako titigilan buti na lang nagsiupuan na silang lahat sa kaniya kaniya nilang pwesto.
Tahimik ang byahe pabalik ng Taft. Pagod na pagod ata lahat. Yung iba tulog na ako papaidlip pa lang nang naramdaman kong magvibrate ang phone ko na nakalagay sa aking bulsa.
Dinukot ko agad ang aking cellphone at nakita kong may unknown number na nagtext sa akin. Binuksan ko yung text message without looking at the unregistered number at binasa agad ito.
'Ars. Congrats on your win today! Champions na ulit kayo. So proud of you ladies. Lalo na sa'yo. Sorry I wasn't able to watch your game and sorry if I bothered texting you again... I just want to congratulate you and I want to ask you if we could meet at our usual spot right after you arrived at Taft?'
Kahit di ko tinignan yung number kilalang kilala ko kung kanino galing ang text na ito at kung sino nagsabi nito. Nung binasa ko nga yung text niya parang naririnig ko yung boses niyang sinasabi ang bawat salita na naroon. Habang binabasa ko yung text niya naiimagine ko yung mukha niya.
'Sige', maikli kong reply sa kaniya. Di na siya nagreply. Baka tulog na 'to pero sige bahala na. Dadaan na lang ako saglit dun sa usual spot namin.
Mga ilang minuto lang ang byahe paTaft di naman kasi ganun katraffic sa dinaanan namin. Pagkababa na pagkababa namin nagpaalam agad ako kila Kimmy. "Wafs, alis muna ako. Mauna na kayo sa loob. May pupuntahan lang ako saglit."
"Si ano yan daks nu?", singit ni Yeye pagkatapos kong magpaalam kay Ate Kim. After everything that happened kasi di na namin masyadong binabanggit yung name niya.
BINABASA MO ANG
This might be... (Ara Galang and Thomas Torres~One Shot)
FanfictionA story about two people who are in love with each other but was never given a chance to express how they feel. Now given a chance, will they be able to show it to one another?