Chapter 40.

684 14 2
                                    

Okay, okay. Before I start. Salamat guys, salamat. Haha. Yun lang po. Okay, UD. :)

--------------------------

SOPHIA'S POV.


Me: "Thanks, Craig. Ingat ka." Bago ako bumaba ng kotse niya ay nagpasalamat muna ako kay Craig kahit papaano dahil inilabas niya ko. Bubuksan ko na sana ang car door pero pinigilan ako ni Craig na dahilan para mapalingkn ulit ako sa kanya.

Craig: "I want to apologize about my attitude kanina sa reataurant. I'm very wrong to that." Napangiti na lang ako ng matipid sa sinabi niya.

Me: "It's okay. Kalimutan na lang natin 'yon. Makakasira lang ng araw mo kapag pinaalala mo pa." Ngumiti rin siya ng matipid sa'kin at napahawak siya sa isang arm ko.

Craig: "You're very special for me and you know it, Sophia. Gusto lang kitang tulungan na maka move on from your past. At dapat mo naman na talagang talikuran ang nakaraan." Seryoso niyang sinabi sa'kin habang titig na titig na may malulungkot na matang nakatingin sa'kin. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

Me: "Wala na 'yon, Craig. Let's forget about that. Masaya na ko kung anong meron ako."

Craig: "But I'm hoping na pumayag ka na sa proposal ko. Honestly, I do love you and I want to marry you. Ako, Sophia. Ako ang tatayong ama ng magiging anak mo." Napa ismid naman ako sa sinabi ni Craig. Goodness. Ayan na naman po siya.

Me: "Craig, let me think, okay? May tamang oras para sa lahat. Don't pressure me about that proposal of yours."

Craig: "Aasahan kita, Sophia. Aasahan kita." Doon na niya ko binitawan sa braso ko at umakma na lang ako na lumabas ng sasakyan niya. Hindi na lang ako ulot tumingin sa kanya at diretso na kong pumasok ng loob ng mansion.

Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang months pa, lalong nagiging mapilit si Craig pagdating sa'kin especially about dun sa proposal niya. Mas lalo pa siyang nagiging protective sa'kin na umaabot na sa tipong... OA. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nais ni Craig. Yes, mabait at caring siyang tao pero minsan hindi na rin nakakatuwa pa.

Pagkarating ko sa bedroom ko, agad kong sinalampak ang likod ko sa malambot kong kama. Pakiramdam ko napagod na ko nun kahit kain lang yung inatupag namin ni Craig sa labas kanina. Kinuha ko yung phone ko at naisipan kong tawagan si Tanya. Namimiss ko na ring maka bonding ito. Nagtatrabaho pa rin siya sa isang restaurant pero sa ibang branch na.


Dialing: Tanya

Ringing pa din ah? Busy ba siya? E, Saturday kaya ngayon.

"Hello?!" Ayan na, sinagot na niya. Parang naeexcite pa yung boses niya.

Me: "Tanya, busy ka ba?"

Tanya: "Ngayon? Oo, te. May small event yung manager namin mamaya kaya pinaghahandaan namin ngayon. Kamusta ang buntis, ha?" Narinig ko naman yung bungisngis niyang nakakatawang pakinggan.

Me: "Uh, ganon ba? Okay naman ako at healthy living naman. Pwede ka bukas? Samahan mo naman ako sa OB ko, oh? Tapos magsimba na rin tayo tapos kain after. Marami rin kasi akong ikekwento sa'yo, girl. Namimiss na kita." Naexcite rin tuloy ako sa mga sinabi ko sa kanya. Sa totoo lang kasi gusto kong may paglabasan ng hinanakit ko kaya kailangan ko si Tanya.

Tanya: "Aba? Nasa mood magplano ang buntis. Hahaha! Oh, sige no problem te. Basta ikaw. Namimiss ko na rin yang padrama drama mo. Oh, siya! Tawagan mo na lang ako bukas uh? Magkita tayo."

Me: "Same meeting place pa rin?"

Tanya: "Same pa rin. Sige na, kailangan na ko dito. See you! Mwa mwa!" Tooot tooot toooot tooooot... Ibinaba na nga niya yung tawag.

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon