CHAPTER 1

35 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha..
Tiningnan ko sa orasan sa aking side table kung anong oras na.. And its 9:05 am..
Nakatulugan ko na pala ang pag iyak kagabi..
Bumangon na ako at inayos ang pinaghigaan ko.. Nagpunta ako ng C.R pagkatapos.
Hindi ganon kalakihan ung C.R kagaya ng kwarto ko. Syempre bias nanaman , ano pa nga ba ang aasahan nyo diba.. I just an illegimate child. His daughter on his mistress.. So I always get what's left , what's they forgotten.

Mabilisan akong naligo.. I just wear a leggings and my favorite over size T-shirt.
Pababa pa lang ako ay nakita ko na silang lahat sa baba. May mga travelling bag at maleta..

"Papa, Saan po kayo pupunta.?" Tanong ko Kay papa ng makasalubong ko sya , papaakyat sya sa taas .. It seems his in hurry.

"Pupunta sila sa Camiguin .. Hindi ako kasama .. Alam mo na masyadong busy ang papa mo."
Ngumisi sya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

"Papa nag celebrate daw po kayo kagabi, dahil graduation ni Lilaine?"

"Oo Ia, nakalimutan ko nga iyon kahapon dahil sa sobrang busy ko. Tinawagan nga lang nila ako kahapon kaya ko naalala, kaya yon sumama ko sa kanilang kumain sa labas. Ikaw saan ka ba nag punta?" Hindi ko napigilang ngumiti ng mapait.. Dahil sa tanong nya.

"Nagcelebrate po ako kasama ni Mama.. GRADUATION ko din po kahapon papa." Sinadya kong diinan ung salitang Graduation para tumatak sa isipan nya.
Minsan kahit ayaw Kong magkaroon ng hinanakit Kay papa.. Nagagawa ko, nagkakaroon ako kasi sya din naman ung nagbibigay ng dahilan.

"I'm sorry Ia nakalimutan ko .. Masyado--"

"OK lang po papa, naiintidihan ko.. Valedictorian nga po pala ko." Putol ko sa pagpapaliwanag nya... His explanation have no worth right now.. Hindi naman na noon maaalis yung katotohanan na nakalimutan nya.. Mangangako nanaman sya pero Hindi nya nanaman tutuparin.. Dalawang beses ko pang pinaalala sa kanya na magkasabay kami ng graduation ni Lilaine.. Pero nung nagcecelabrate sila Hindi man lang nya naalala na graduation ko din nung araw na yon ..
Tanggap ko na di nya ako masasamahan na magcelebrate.. Pero yung masakit eh wala man lang kahit pagbati ako natanggap. He totally forget it.

"Hon!!" Tawag sa kanya ni tita Willa.. Tumingin lang saglit sa akin si Papa bago bumaba ng hagdan at puntahan ang kanyang asawa..
Hindi ko na itinuloy ang pagpunta sa baba.. Naglakad na lang muli ako paakyat. Babalik na lang uli ako sa kwarto..
Sumilip ako sa bintana dito sa kwarto ko para tingnan ang pag alis nila tita Willa.. They're going to have fun.. And have their great vacation.. Samantalang ako as usual dito na naman sa bahay buong bakasyon.. Alam Kong di rin naman sila magtatagal doon but at least their going to have their vacation.. To have their relaxing week without me.

Umupo ako sa kama ko.. I get my cellphone and texted my bestfriend.

Me:
Anong ginagawa mo?

Essy:
Nagbabasa. Ikaw nagmumukmok kananaman dyan sa kwarto mo.

Natawa ko sa text nya she really know me.. Totoo na nagmumukmok ako sa kwarto ko. Mabilis nya malalaman yon.. Pagnagmumukmok lang naman ako nakakapagtxt sa knya. I never bother to text her when I'm busy studying here in my room. Wait I will rephrase it I didn't bother to get and check my cellphone when I'm studying.. Kaya kinabukasan ko ng nalalaman na nag text sya.
Matagal ko nang kaibigan si Essy.. Sa totoo lang sya lang ang talagang kaibigan ko.. She never take advantage of me. And I never take advantage on her also. Na mag kaibigan lang kami kasi may naibibigay sya sakin at may naibibigay din ako sa kanya . She one of a kind true friend. Mabait sya, makulit kung minsan, kalog at may pagkaclumsy ... And I love really her for being like that. Kahit na marami kaming opposite ay nagkakaintindihan kami.. Sandalan namin ang isa't isa.. Alam nya nga lahat ng problema ko as in lahat ng detalye..
And now I'm gonna tell her my drama again.

Me:
Oo

Essy:
Ano sabi ni Tito sayo.

Me:
Nakalimutan nya.

Essy:
Again.
Gara naman.. Masyado na atang makakalimutin ung papa mo pagdating sayo.. Pero kila Lilaine Hindi ah.. Saya nya pa nga don sa picture nila kagabi.. Happy happy si Mayor.

Me:
:(
Yan lang ang reply ko sa mahabang text nya. I really don't know what to say about that.

Essy:
:( Ia .. Chin up girl.. Everything is going to be fine..

Me:
Thank you Essy.

Essy:
Always welcome bestfriend Ia.
Ano mall tayo.:)))))

Napangiti nalang ako sa text nya.. What a mall addict.?

Me:
Saka na lang.:))

Essy:
K.. Sige babush na maliligo na ko. You know ,Magbubutas nanaman ako ng ATM nila mama.Hehe

Tinago ko na uli ung cellphone ko sa drawer. Hihiga na sana ako ng may narinig akong kumatok sa pintuan..

"Pasok po."
Dahan dahan bumukas ang pinto pag kasabi ko noon. Dumangaw si Karen. She smile at me kaya ngumiti ako pabalik.

" Ma'am mag agahan na po kayo."

"Sige." Lumabas na ako ng kwarto ko magkasabay kaming bumaba ni Karen.
Paghahanda nya sana ko ng pagkain ng pigilan ko sya. Kaya ko naman ng gawin yon bakit iuutos ko pa diba?

"Oo nga OK lang ako gawin mo na lang ung iba mong gawain wag mo na Kong alalahanin." Natatawang sagot ko sa kanya , kulit nya sinabi Kong OK na ko magtatanong pa uli. Alalang alala sya sakin , naparang masisisante sya paghindi nya ko pinagsilbihan.
Sumunod din naman si Karen sa huli..
And now I'm eating peacefully..
Walang masasamang tingin na binibigay sakin, walang masasakit nagsalita binabato sakin.. Just peaceful , no noise , no tension.. Kaya masgusto ko pang mag-isang kumakain dahil tahimik pa ang buhay ko.

Ng matapos akong kumain ay nagpunta ko sa garden.. I want to appreciate the beauty , freshness and peacefulness of the garden. Gusto kong nagkaroon ng maligaya at tahimik na araw , minsan lang ito kaya lulubos lubusin ko na.

Matapos Kong libutin ung buong garden ay nagdilig ako ng mga halaman.. Nasa kalagitnaan ako ng pagdidilig ng makita ako ni Manang Feli ...

"Naku, anong ginagawa mo Maria , bakit ikaw ang gumagawa niyan.. Karen!! Halika nga dito." Mabilis naman ang paglapit ni Karen.
"Bakit hinayaan mo si Ia na magdilig ... Ikaw talagang bata ka.. Ma----"

" OK lang naman po manang Fely.. Gusto rin naman pong magdilig at sa totoo lang po walang alam si Karen dito .. Maiinip lang naman po kasi ako sa loob kung nandoon lang ako kaya po naisipan ko ring magdilig.. Kaya po sana pabayaan nyo na po ako.. " Nagaalinlangan syang bumaling sakin.. Kagaya ng ekpresyon ni Karen ganon din ang Kay manang Fely .. Para silang takot ung tipong sisantehin nga sila kapag pinabayaan nila ko.

"Pero..."

"OK lang po talaga" tumatango na lang si manang Fely at pinabayaan na ako doon.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon