Chapter Thirteen

57 1 0
                                    

After Two Years…

NAGING madali para kay Jenna Rose na mahalin si Jarrel dahil maraming katangian ito na pareho kay kay Danson or so she thought.

“Bakit ba kasi amoy lalaki ang bag mo, Jenna Rose? Pabango ba yan ni Jarrel?” tanong ni Adrianna sa kanya.

Napaiwas ako ng tingin. Ang package na bigay sa kanya ni Tita Dolores ay galing kay Danson. Isang regalo para sa graduation niya. At iyon ay ang pabangong gamit nito at gustong-gusto niyang amuyin. Sa katunayan ay iba pa rin ang amoy pagka gamit nito iyon. It blends with his natural scent. Pero nilagay pa rin niya sa bag niya at sa tuwing bubuksan mo yon, humahalimuyak ang amoy nang pabango.

“Walang pakialaman.”

“Jenna, anong feeling mo na uuwi si Danson dito para mag-concert dahil na din sa success ng X- Family series na pinalabas?”

“Wala lang.”

“As in?”

“Oo.”

“So totoo pala yung past is past. Sabagay, kung ako din naman ang girlfriend ni Jarrel Romualdez na gwapo na mayaman pa at higit sa lahat napakabait. Ligawan ka ba naman ng isang taon at kalahati.”

“Friends kami noon, nito lang siya nanligaw.”

“Asus! Eh sa tuwing tatawagin mo kulang na lang paliparin yung sasakyan niya makarating lang agad sayo.”

For the past two years pinili niyang huwag makibalita sa Taiwan at sinumpan hinding-hindi na siya manood kahit kelan ng mga series. Pero heto siya ngayon isang host sa isang malaking network sa Pilipinas na nagpapalabas sa iba’t-ibang panig ng mundo. At nitong huli pa ay napili siyang mag-dubbed sa isang Taiwanese drama na X-Family obviously required siyang panoorin iyon habang nagda-dubbed.

Pero hanggang doon lang yon. Unfair kasi sa boyfriend niya. At wala na nga siyang pakialam dito. Pero gaya ngayon ang show nila ang nakatoka para i-feature ang cast ng X-Family. At ayaw man niyang makabalita ay marami siyang nababalitaan.

Medyo tinamaan siya sa sinabi ni Adrianna, para ngang patay malisya lang siya pero ang totoo super affected siya.

“Hear this, Jenna. Matagal ko na itong pinapakingan, at gusto iparinig sa iyo ang kaso nalilimutan ko lagi.”

Ipinasak niya ang earphone sa kanyang tainga. Parang gusto niyang ngumawa sa nadinig. Parang sinulat ang kanta iyon sa lov story nila ni Danson. Fei Ni Mo Shu ang title noon at si Ariel Lin ang kumanta. Nadinig na niya iyon ng minsang kantahin sa kanya ni Danson.

“Bakit ka ba nakikinig ng ganito Adrianna?”

“Siyempre no, kanta yan sa Tokyo Juliet at ang bida si Wu Chun, my dear!”

“Narinig ko na yan.” Padaskol na tinangal niya sa tainga niya at binigay kay Adrianna ang earphones.

“Talaga? Paano? Idol mo din ba si Ariel Lin?”

“Hindi.”

“Eh ano? Ah siguro-“

“Napanood ko yung Tokyo Juliet.” Putol niya sa sasabihin ni Adrianna.

“Ows? Akala ko ba hindi mo natapos yon?”

“Huh? Natapos ko yon, ano ba?”

“Oo na, oo na. Sabi mo eh.”

“Pasalamat ka nandito tayo sa pad ko, sabi ko sayo di ba, wag mo akong tatawaging Jenna, Pareese or Reese dapat. I am Pareese Gonzales to the public.”

“Ay oo nga pala, celebrity na ang best friend ko.”

“Alam mo Adrianna, may napapansin ako sayo eh. May kakaiba sayo.”

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon