Isa akong Romantiko

57 0 0
                                    


Ewan ko ba kung romantiko ako o hindi.

Mahirap 'atang nadadala ng emosyon! Lumalabo ang obhektibo mong pananaw at eventually ay bumibigay ka sa pwersang mali.

Kaya siguro pinaglalaruan ng mga tao ang emosyon ng iba makuha lang hangad nila.

Ako, isa nga pala akong romantiko. May utak na madaling maimpluwensyahan, ang pagpapasya ay sa dikta ng lahat kahit labag sa kalooban!

Mabilis akong nadala ng aking emosyon. Naiiyak sa sobrang damdaming nararamdaman - Hiya, Takot, Lungkot, Tuwa.

Kahit ayokong aminin, may mahinang self-esteem. Nung bata ako marami akong alam na pampatawa at bumebenta rin naman sa pakikipagkwentuhan.

Ngayon naisip ko na mga korni 'yung jokes pero salamat sa mga natawa! Siguro para makapagbigay kasiyahan ng makaramdam naman na may ako sa buhay, Kahit payaso!

Ngayon tumanda na ako at nagkaisip, hindi ko kayo kailangan patawanin dahil ako nga di natutuwa eh! Cynical pero totoo.

Kung hindi nawala, nabawasan ang aking romantiko ng sarili.

Para itong sakit, isang kahinaan na dapat maalis sa sistema.

Iyon ang lagi nilang ipinapasok sa utak namin (Ewan ko kung sino 'yung iba. Wala lang. Gusto ko lang isipin na may karamay ako!)

pero bago naging magulo ang lahat...

**1**

Ako nga pala si Jan Marion Cruz, pangalawa sa tatlong magkakapatid.

isa akong Romantiko, may Abstract thoughts, Loves reality and abstract, temperamental, jealous, competitive, ludicrous, at mayabang.

at dito nagsimula ang kuwento ko..

Mag 4th Year High School ako sa Einstein National High School. Nalipat ako sa mataas na section. Natuwa ako ng mabalitaan ko na magkaklase ulit kami ng Bestfriend kong babae.

Si Lizzy Perez. nakuha na niya ang 4 na M's - Maganda, Mabait, Matalino at Masipag.

At kapag sinuswerte nga naman di kami hiniwalay ng Bestfriend at ultimate tropa ko, Si Ervin Evan Adanza, ang partner ko sa kalokohan, kagaguhan at iba pa.

May history kasi nung 3rd Year kami madalas kami pagalitan ng teachers sa laging trip namin sa klase,

pero dahil mabait ang mga guro namin di kami umaabot ng guidance at walang detention na nagaganap.

Ahh siguro iniisip niyo na bakit kami umakyat ng section samantalang magulo kami.. well hindi kami slacker at lalong hindi school bum, hindi kami latak katulad ng iba,

in short matalino kami... yep tama ka sa nabasa mo MATALINO KAMI. Pareho din kaming popular sa school at dyan ako magyayabang dahil gwapo ako at gwapo din ang kaibigan ko.

it feel so good Gwapo na nga Matalino pa hahaha..

Kapitbahay ko si Lizzy. Kaklase ko siya since Elementary siya rin madalas ang kasabay ko pag papasok sa eskwelahan. Hindi na kami nagsabay nung nag High School ako di ko na kasi siya

kaklase nung 1st year hanggang 3rd year. Nagkaroon kami ng magkaibang barkada isa na rin yun sa dahilan, at lagi kaming na tsi-tsismis na "Kami" daw pero hindi naman.

Pero ng maging magkaklase kami ulit.. nagsabay ulit kami.

"Ang tagal mo late na tayo!" Hinihila na ako ni Lizzy

"Saglit na lang uubusin ko lang tong ice cream di ako sanay na kumakain habang naglalakad eh" Yes i really hate eating while walking

"Ang arte mo bilisan mo na" galit na siya haha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako'y Ibigin Mo Lalaking MatapangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon