Chapter 1

2 0 0
                                    

                         *Jessa*

First day of school,excited na kong pumasok ,excited na kong malaman kung may bago akong magiging kaklase .. hmmp

"Hi .. Jessa !! May balita ka na ba sa classmates natin ?", Vicky

"Wala pa eh .. oh teka .. nagsisimula na ", masayang sabi ko kay Vicky

Nag A-announce na .. Tapos na ang Class A .. inuumpisahan na ang Class B .. sana naman makasama ako .. For what reason,ayo'ko sa Class C pataas .. let's see ..

Maya maya lang ay biglang tinawag ang pangalan ni Vicky.. Tuwang tuwa naman ang Bruha

"Victoria Lopez",Biglang napatalon sa tuwa si Vicky after na marinig ang pangalan ..

"Yes !! Woah ! Sana ikaw din Friend", nakangiting sabi sakin ni Vicky

"Yeah ! Just wait", mayabang na sabi ko sa kanya

Hayysst..Siguro naman makakasama ako sa Class B..Muling nagsalita ang Announcer

"Missy Valdez", nang marinig ko ang pangalan na yun ay napalingon lingon ako .. Mukhang bago, Makasundo ko kaya toh .. well . Let's see .. he he he

"Jessa Ramirez",nanlaki naman ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ko...

"Class B ako..YES !",sobrang saya lang talaga sa feeling eh

------------------------------------------------------
OK . First period,mukhang tahimik .. makapag scan nga ng mga classmates ko. Halos lahat naman kilala ko kasi sila pa rin yung classmates ko since last school year.. maliban lang sa iba na mga bago

Ito na pala ang adviser namin.mukhang mabait at maganda sya ah

"Hello .. Good morning sa inyo.. I am Ms. Anne Ramirez..your Adviser",nakangiting sabi ni Ms. Anne na kalast name ko pa .. pak na pak diba ?!

"Good Morning Ms. Anne",bati ng buong class B sa Kanya..napangiti naman si Ma'am

"It's time to introduce your selves", Excited na sabi ni Ms. Anne na nagpakaba naman samin.. medyo nakakahiya naman kasi ..

Maya maya pa ay tumayo si Vicky at masayang nagpakilala

"Hi guys, I'm Victoria Lopez..You can call me Vicky..........",matapos ang pagpapakilala ni Vicky ay agad naman akong itinuro ni Ms. Anne .. napangiti na lang tuloy ako .

OK ! Jess Kaya mo yan

"Hello.. Kilala nyo naman ako diba ? Pero sa mga bago ..Hello sa inyo .. I'm Jessa Ramirez..Jess for short", Nakangiting sabi ko na nagpatawa kay Ms. Anne

"Oh magkalast name pala tayo", nakangiting sabi ni Ms. Anne

------------------------------------------------------

Oh may bagong classmate kami na dumating.. Mukhang Transferee ito.. Since tapos na kaming lahat magpakilala kaya magpapakilala na rin sya

"Hello .. Ako nga pala si Russel Givera .. just call me Russ for short...",nakangiting sabi ng Transferee na si Russel

"Hayyysst.. mukha namang mayabang ! Porket gwapo lang eh ! ",naiinis na bulong ko kay Vicky

"Ano ka ba ?! Mukhang Hindi naman.. mukha nga syang friendly eh",pagtatanggol ni Vicky kay Russel.

"Anong friendly ka dyan ?! Pinalibutan lang yan ng mga babae .. malandi lang naman yun ",naiinis na sabi ko kay Vicky

Grabe naman kasi .. gustong gusto sya ng mga girls. Ang dami nya na agad na close,nakaka inis talaga .. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ko sa Russel na yun , mapadaan lang kasi sya sa harapan ko .. natatarayan ko na agad .
Daig ko pa yung mag me-menopause kapag nakikita ko sya.. hmmmmpp !

My Boy BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon