*Happy 2year Anniversary sa watty, Silvertulip!* Sana magustuhan niyo to :)
______________________________________________________
When I was sixteen I had my first love. She's two years younger than me. Schoolmates kami nung elementary at pati na din high school.
Nasa kanya na ata ang lahat, matalino, mabait, simple—at yung kasimplehan niya ang pinakanagustugan ko sa kanya. She’s beautiful in her own simple way.
Hindi ko naranasan ang mainlove sa ibang babae noon. Hindi ko nga naranasan ang pakiramdam ng pagiging inlove, not until I knew her. Nung nakilala ko kasi siya, dun na nagsimulang tumibok ang puso ko.
I courted her for 4 months and we were like M.U for another 4 months, then she finally became my Girlfriend. Finally!
Alam naming hindi pa siya pinapayagan na magka boyfriend nung panahong yun. Pero sino ba naman ang masunuring teenager? Ni hindi siya nagpaharang sa ‘bawal’ na sinabi ng parents niya. We continued our hidden relationship. Tanging sa campus lang kami nagkakasama. Parati kaming nagkakasama sa mga vacant time namin. Sabay kaming pumupunta ng school, at kung uwian naman, hinihintay ko siya sa labas ng classroom nila. Hinahatid ko rin siya pauwi, pero hindi hanggang sa bahay nila kundi hanggang sa isang kanto lang.
Pero kahit na patago lang yung relasyon namin, naging masaya namin kami. Kahit na ganun ang sitwasyon namin, hinding hindi kami naipaghiwalay.
Then, highschool graduation came. Syempre, ako ang mauunang gagraduate sa aming dalawa. Pero kahit na ganun, pinangako ko sa kanya na siya lang ang mamahalin ko kahit na malalayo kami sa isa’t isa. Oo, kasi sa ibang lugar ako mag aaral. Pero sinigurado namin sa isa’t isa na hindi mawawala ang komunikasyon sa pagitan namin.
I studied college sa pinakamalayong unibersidad dun sa lugar ng tito ko. I stayed there. At siya naman, she’s third year high school at that time. Pero kahit na isang dagat ang pagitan namin sa isa’t isa, ilang probinsya ang tatahakin ko para lang makabalik sa kanya, our relationship still became stronger.
But things didn’t go smoothly. Isang taon na rin akong nag aaral na malayo sa kanya. Isang taon na rin kaming nalalayo sa isa’t isa. Oo, sa loob ng isang taon na yun, ni hindi kami nagkita. Siguro isa na rin yun sa mga dahilan. Kasi, isang araw, namalayan ko na lang na nalilito na ako. Yung parang gusto ko nang makipag hiwalay sa kanya? Yung parang bigla na lang nawala ang pagmamahal ko sa kanya? Hindi ko rin naintinidihan ang sarili ko at nakipaghiwalay na lang ako sa kanya ng basta basta. Iniwan ko siya. Marami akong nakitang ibang babae. Marami akong naging ka MU. At oo, inaamin ko na nasaktan ko siya. Ng sobra sobra.
Time flew so fast. She graduated high school. Hinihiling ko na sana mag aral siya dito sa lugar na pinag aaralan ko. Inaamin ko. siya parin ang tinitibok ng puso ko. Isang walang kwentang tao lang naman kasi ako nang maisip kong hiwalayan siya. Pero nung nagkausap kami, sinabi niya na sa ibang lugar siya mag aaral. At dun pa sa lugar na malayong malayo sa akin. Ano pa ba ang magagawa ko? Tanging pagsisisi na lang ang naramdaman ko. Naisip ko na hindi kami magkakasama
Pero kahit na ganoon, niligawan ko siya. At sobrang maswerte ako kasi binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon. Oo, pagkakataon para ipakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Naisip ko na hindi ko na siya dapat pakawalan pa. Kasi siya lang ang nag iisang babaeng minahal ko.
Pinayagan na rin siyang magkaboyfriend ng mga magulang niya. I introduced her to my family, and she introduced me to her family. It was an ideal relationshio, very open, full of love. Kahit na sobrang layo namin sa isa’t isa, naging maayos din naman ang long distance relationship namin. Kahit na namimiss ko siya araw araw.
I graduated BS Marine Transportation year 2005, I was offered with a job from an international maritime company 5 months after I graduated. Our long distance relationship became LONGER DISTANCE RELATIONSHIP.
BINABASA MO ANG
◉ ♡ A Love Story ♡ ◉
Short Story"Oftentimes, you don't realize a person's worth, until that person is gone. There are many things I learned because of love and about love." A MUST READ STORY.