HARDIN NG KAMUSMUSAN

151 0 0
                                    

"Mga apo,gusto ba ninyong makining ng kwento?",tanong ni lolo Nabe.

"Opo lolo!"masayang sabi ng dalawang bata.

Mabubusog ang diwa't isipan mo kung sila ang kasama dahil sa dami ng kwento-kwentong bayan at buhay nila lalo noong Panahon ng mga Hapon,mga bugtong,salawikain,palaisipan at iba pa.Na ngayon lang ulit nanariwa sa isipan ko.

Napakasarap lumaki sa piling ng mga lolo at lola.Wala kang masasabi sa pagmamahal at pag-aalaga at over protective sila.

Isang araw,tinawag kami ni Nanay sa bahay.Ang layo lang naman ay mga tatlong dipa kina lolo.Ang lakas ng boses pero ganun lang talaga si Nanay.Pinapatulog niya kami kasi tanghaling tapat para daw mas mabilis kaming lumaki.Naglatag na siya ng banig at unan.Tumalima naman kami,pero hindi ako dinadalaw ng antok.Masakit kasi pag pinipilit diba?Nagtulug-tulugan ako,nang makita kong  tulog na si Nanay ay marahang marahan akong bumaba sa hagdan.Isa....dalawa....tatlo...tatlong hakbang pa lamang pero nagising siya.Sayang makakatakas na sana ako para makipanood ng t.v lalo na yung paborito kong teleserye,ang  "AnnaKareNina".

"Saan ka pupunta?",galit na sabi niya sa akin.
"Sa likod bahay po,iihi lang sandali,"nag-aatubiling sagot ko.

Pero may binabalak na ako noon na tumakas.Lingid sa aking kaalaman na alam na ni Nanay ang alibi ko.Ika nga nila "papunta ka pa lang pabalik na ako".
Kaya lang nagmamatyag pala,mayamaya pa'y kumaripas ako sa pagtakbo,ang hindi ko alam nakasunod siya sa akin may hawak na pamalo.Sa takot ko na mahambalos,tinakbuhan ko siya.Tinatawag niya ako pero hindi ako huminto,naghabulan kami paikot-ikot sa bahay ng kapit-bahay.Lalo siyang nagalit kasi humihingal na sa pagtakbo.Sa isip ko,talagang makakatikim ako ngayon ng latigo ni Hudas.Nagmadali akong pumasok sa bahay nina Lolo at nagtago.Humahagos akong pumasok sa bahay at nagtago sa lagayan ng kumot at unan.Takot akong nakatalukbong ng makapal na kumot.Halos mapugto ang aking hininga nang marinig ko ang mabibigat na yabag papalapit sa akin.Kapag ganoong mga eksena,to the rescue naman si Lolo at silang mag-ama na ang mag-aaway.

Noong kamusmusan ko rin nakilala ang pagka makadiyos  niya.Kapag patulog na kami ay mag-uutos na luluhod at pipikit na't mananalangin.Pero wala pang limang minuto ay humahagikgik na kami ng kapatid ko,, binubulungan akong humiga na kami kasi nababagot na siya.Hindi na kasi niya mahintay na matapos ang napakahabang panalangin ni lolo.Idudugtong na  tulog na raw si lolo.Ayun unti-unting hihiga kapag narinig namin na patapos na ay agad kaming babangon at magsasabi ng AMEN.

Mula noon ay pinagsabihan kami na hindi tama iyon.Ipinabatid ang kahalagahan ng panalangin sa aming buhay.Mahalaga rin ang pagsunod upang hindi mapariwara.
Ganito ko sila naaalala,minsan naging pasaway na bata pero sa huli ay natuto.

Masarap magkaroon ng lolo at lola.Sana magkikita-kita kaming muli.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAGSASALAYSAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon