"Teka, parang namumukhaan kita?". Nagtataka si Louie. Nakatakip pa rin ang itim na suit ni Mayordomo Bimbi sa mukha ni Alena. "Ah! Yes, Sir?"
Nagtinginan ang lahat ng mga nakapilang kasambahay, kasama si Mayordomo. Maraming nanlisik ang mata, nakarinig pa nga si Alena ng nagsabi ng "landi".
"AH! OO IKAW NGA! Ikaw yung babaeng masungit!"
Muling nagulat ang lahat. Hindi makapaniwala ang iba sa naririnig. May isang kasambahay ang muntik nang himatayin sa kanyang narinig.
Nagsalita na si Mayordomo Bimbi upang mawala ang tensyon,"Pwede ba! Tumahimik n kayo!? Ah, Master? Magkakilala na pala kayo?"
"Ah Oo, I know her, siya yung nadapa diba? Di mo naalala Bimbi? Magkasama tayo nuon doing charity"
Tintigan ni Mayordomo si Alena. "Tama ikaw nga," ngayon tumatawa na si Mayordomo.
"ØO, ako na!!". Natahimik ang lahat. "Napaka ungentle mo nga nun, di mo man lang ako tinulungan!", sabi ni Alena
"Kasalan ko ba kung clumsy ka?"
"Kahit na? Natural lang sa tao na tulungan ang nangangailangan! Down to Earth effect ka pa!"
"Psst!! Tama na Alena, he is still our boss, so shut up!", naiinis na sagot ni Mayordomo.
"Alena pala a? We'll see you later, Alena"
"Master tara na po", pag aaya ni Mayordomo Bimbi.
Nakangiting umalis si Louie, naiinis si Alena sa inasal ng Master niya"Buti nlang di mo natikpan yung Caldereta ko, you don't deserve it."
Nag alisan na ang lahat ng kasambahay, maliban kay Nory Fuentes, katulad niyang kasambahay na bago lamang sa serbisyo.
"Hello?", sabi ni Nory
"Oh? Hi!", sagot ni Alena
"Magkakilala na pala kayo?"
"Di naman! Nagkataon lang"
"Nagkataon lang?"
"Oo, bwisit yun"
"Bakit naman? Mukha naman siyang mabait."
"Mabait? Yuck! Gusto mo bamg masuka ako?"
Ngumiti lang si Nory.
"Ah basta, magtutuos pa kami!"
"Kanina pa tayo nag uusap, pero di natin kilala ang isat isa. Im Nory Fuentes. Nory nalang, bago lang din ako dito"
"Ako naman si Alena"
Nagkapalagayan agad ng loob sila Nory at Alena. Ayos to kasi wala pang makasundo si Alena, lalo pa ngayong, may pumutok na isyu. May mga crush din kasi yung ibang kasambahay kay Louie, kaya halos lahat imbyerna kay Alena.
Papunta na sana silang dalawa sa quarters, nang biglang tawagin siya ni Mayordomo.
"Alena, bring a glass of water here"
Pumunta agad si Alena.
Sa kwarto...
"Anak, buti dumating ka!!", sabi ni Madamme Rosy.
"Ok ka na ba?"
"Oo. Anak mild lang naman"
"Niloloko mo lang ba ako? I know you. Pati yang mga tactics mo"
"Anak pati ba naman sarili mong ina, pagduduhan mo?"
Tumango na lang si Louie, hindi man ganung kumbinsido sa sinabi ng ina. Lumabas si Louie, inisip niya kung dapat nga bang pagkatiwalaan ang mga dahilan ng kanyang ina.
"Hay naku! Umaarte na naman si Madamme"
"Yun na nga yung panlaban niya e
Narinig ni Louie ang dalawang maid na naglalakad na may dalang mga labahin.
Di na inisip ni Louie ang gagawin kaya bigla siyang bumalik.
Nadatnan niyang tumatawa ang kanyang ina kasama si Mayordomo Bimbi.
Natahimik sila nang pumasok si Louie.
"Bakit ka bumalik?",tanong ni Mayordomo Bimbi.
"Niloloko niyo ako", nakalisik na ang mga mata niya sa kanyang Mommy.
"Ano ang ibig mong sabihn?", sagot ni Madamme.
"Narinig ko sa mga maid, umaarte ka lang, sabi ko na nga ba at may maitim kang sikreto. Alam mo ma? Pag di ka pa nagbago, ewan ko nalang"
Nagwalkout si Louie, siyempre si Madamme, ay natahimik at malapit nang maiyak sa sinambit ng kanyang anak.
Paglabas ni Louie sa kwarto ay dumating si Alena dala ang baso ng tubig. Hindi sya napansin ni Louie, dahil nagmamadali at naiinis siya sa mga naganap sa bahay. Napatingin si Alena sa nagmamadali na si Louie, hindi niya napansin na papalabas na pala ng kwarto si Madamme at hindi inaasahan na matapon yung tubig sa mismong mukha nito!
"AY!! Diyosko!!" sabi ng nalulunod na si Madamme.
"Oh my GOD MADAMME1", bumilog lalo ang mga mata ni Mayordomo.
"Sorry po Madamme"nagpaumanhin agad si Alena.
"Ay nako!?"
"Sorry po talaga?"
"Palalagpasin ko to ngayon,!"
Himalang naging mabait si Madamme karaniwang magagalit ito kung sakaling mapahiya ito.
Pero bumababa agad si Madamme at hinabol agad si Louie. Lalabas pa sana si Madamme Rosy, pero biglang bumuhos na ang malakas na ulan.
Sa daan naisip ni Louie na bakit siya naniniwala sa kanyang ina. Pinark niya ang kotse at lumabas, sumigaw as loud as he can in the midst of the rain. Sa pamamagitan nitn, iniisip niya na pag uwi ay ok na ang lahat.
Sa bahay, pinagalitan ni Mayordomo si Alena sa nangyari.
"Napaka clumsy mo"
"Sorry na po!"
"Buti nalang hindi nagalit si Madamme"
"Hehe O...o"
"Dahil jan dalhin mo itong damit ni Louie sa kwarto niya."
Wala nang choice si Alena kundi, sumunod. Kimuha na niya yung mga gamit ni Louie.
On the way, sa Room, inamoy amoy ni Alena ang mga gamit ni Louie.
"Hmm. Ang bango, Louieng Louie talaga."
Sa loob ng kwarto madilim. Binabca niya yung mga damit ni Louie sa kama. Nangpapalabas na siya biglang may kumalansing.
"Sino yan?"
Isa pang kalansin, ay sumigaw na si Alena, mas lalong nangilabot siya nung bigla siyang yinakap.
"GOSH! WAG PO! Help!"