Wendyl
Ang agap naming gumising para sa araw na ito. Bakit nga ba ako pa ang naging represetative? Ganoon ba talaga kakapal ang mukha ko? Hayyy... (= ^ =)
"Okay ngayong narito na kayong lahat simulan na natin ang warm up." Sabi ni ma'am.
"Ma'am ang agap naman nating magpractice, mag fo-four a.m. pa lang po." Nakahalumbaba at nakapatong sa tuhod nya ang mga siko nya habang nakaupo sa bench malapit sa field. Sino nga ba sya? Hindi ko matandaan ang pangalan man lang nya. Cute sya, light brown ang buhok nya maikli at laging may clip. Parang ang hina nya sa takbuhan at ang lamya nya pero masayahin sya.
"Miss Bulletstand, gusto mo bang maparusahan or you'll stand there and join us." Nagtaas ng kilay si ma'am. 24 lang si ma'am kaya mataray sya ng konti. "Isa pa ayaw mo rin namang masikatan ng araw di ba." parang hindi tanong ang sinabi ni ma'am. Napatingin ako kay Tiffa. Yan nga pala ang pangalan nya. Medyo namula sya at tumayo na. Lumapit sya kay ma'am at bumulong natawa naman ito at ngumisi.
"Okay. Deal." sabi nya at tumingin sa amin. "10 laps sa field now." Utos nya sa amin.
Ayon nagstretch kami ng kaunti. Sigurado akong mananakit ang mga katawan nila kasi hindi kami nagstretching ng mabuti. Ako kasi banat na banat na kahapon at kanina din pagkagising ko. Wala lang nakasanayan ko lang.
"Kita nyo ba ito?" Itiniaas ni ma'am ang isang burger at juice. "Ang sino mang maakaktapos agad ng pinapagawa ko sya ang makakakain nito at pwede na syang magpahinga ng isang oras. Nagkatinginan kami nina Tiffa at Diamond at kita ko sa kanila ang confidence na makukuha nila ang price. Pero pagtingin ko kay Ro wala syang emosyon at wala syang pakialam. Hindi nga talaga sya interesado.
Three minutes fourty five seconds na ang nakakalipas nakaka tatlong laps na kami, ang bilis namin. Si Diamond ang nangunguna sumunod ako tapos si Tiffa, si Ro ay napaka layo naman sa amin. Para lang syang nagjojoging sa ginagawa nya pero dahil nga napilitan lang sya kaya sya nagkakaganyan.
Minute passed and we are down to the last lap. Masyadong malayo si Ro sa amin. *ting* I have an idea time to do that thing.
Nagbagal ako sa pagtakbo at sumabay kay Ro. Ngumiti ako sa kanya. Napatingin sya sa akin tapos binilisan nya ang takbo tapos ng maabutan ko sya binagalan naman nya kaya naiwan ako pero bumalik ako sa tabi nya. Ilang beses din nyang ginawa iyon pero nakakahabol naman ako sa phase na ginagawa nya.
"Ro, intsik ka ba?" Confedent na tanong ko pero hindi sya nagsalita. "Tanong mo kung bakit. >:D" Sobra-sobra ang ngiti ko sa kanya.
"Bakit?" walang kalatoy-latoy nyang sagot.
"Ang kyut mo kasi e. Ayeee..." hahaha.. ako yung kinilig sa sinabi ko. Half mented yung joke ko ha. Totoong cute sya.
"Sapatos ka ba?"
"Bakit?" Agad kong sagot sa kanya. Nakakatuwa naman may pickup line din sya sa akin hahaha..
"Sarap mo kasing itapon sa taong korny!!" Ano daw?? Sa gwa- este ganda kong to mukha akong sapatos na pwedeng ipambato.
"Tamarind ka ba?"
"Baket =_="
"Tamarind kasi na ikaw ang hinalikan ko noon sa may Infermary e. Ulitin nga natin." Ngumuso at bahagyang pumikit. Alam kong papaluin nanaman nya ako kaya naman agad akong mumulat at tumakbo ng mabilis.
Kitang-kita ko ang pamumula nya habang sumisikat ang araw. Hahaha... ang tagal pala naming tumatakbo dito. Akala ko ang bilis bilis namin hahaha..
"Jabling ka Wendy bumalik ka dito. Pagsisihan mo ang ginawa mo sa akin sa Infermary!!!" Sigaw nya na nakataas ang kanang kamay at pulang-pula sa galit. Hahaha.. ang saya nito.
BINABASA MO ANG
Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)
Teen FictionSi Wendyl isang lalaki na gagawing ang lahat makita lang muling tumakbo ang babaeng sobra nyang minamahal. Ika nga mga sinaunang mangingibig. "Gagawin ko ang lahat masunod ka lamang." Kaya naman sumunod nga si Wendyl. Sa pambabae nga lang na Eskwela...