Love letter [ONE SHOT]

51 0 0
                                    

Dear Mr. Sungit,

            Alam mo ba hinding hindi ko makakalimutan yung araw na nagkakilala tayo. Yung araw na hinatak mo ang braso ko at dahil sa lakas ng pagkakahablot mo nayakap mo ako. Damang-dama ko ang pintig ng puso mo halatang kabado ka dahil akala mo magpapakamatay ako, pero dahil sa pagkagulat nating dalawa pareho tayong napatigil sa ganung posisyo, posisyong yakap-yakap mo ang isang babaeng di mo man lang alam ang pangalan, ng nahimasmasan na tayo pareho bigla mo ba namang itinulak ako tumama pa nga likod ko sa tulay, nanlaki ang mata natin pareho dahil muntik na talaga akong matuloyan. At dahil sa nakita kong reaksyon sa mukha mo di ko na napigil ang tawa ko. Halatang hala ang inis mo dahil sa hagalpak ng tawa ko, akmang lalakad ka nasa palayo ng hinawakan ko ang laylayan ng polo mo at sinabing...

 wag kang mag alala kahit ako pa ang pinaka-problemadong tao sa mundo hinding-hindi ko wawakasan ang buhay ko sabay  ngiti ko sayo.  Nakita kong kumunot ang noo mo, alam mo bang cute na cute ako sayo ng mga oras na yon, pero nabigla ako ng hatakin mo ang damit mo at sinabihan akong...

 “wala akong pakealam sa trip mo kahit tumalon ka pa ng tulay na to! Ang ayaw ko lang masasaksihan ko mismo.. yun ang di kaya ng konsensya ko!  sabay iniwan mo na ako. Panay pa ang sulyap ko sayo habang naglalakad ka palayo, grabe ka ibang klase ka kahit sinungitan mo ako at sinabihang wala kang pakealam sa tulad ko bat nakakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko.

Ibang klase ang agos ng buhay ko di ko alam kung matutuwa o maiiyak ako.

Nagkita nga tayong muli, akalain mong dahil sa SALE!  kaya nagkabangga mga kamay nating dalawa. Pareho tayo ng taste sa brand ng damit, pero na lungkot ako ng di mo man lang ako nakilala  eh panu mangyayari yun di mo man lang nga ako  tiningnan basta ang narinig ko lang sorry sabay punta ka na ng counter at nagbayad may dalawang peso ka pa ngang sukli. Tulad ng dati sinundan nanaman kita ng tingin tulad ulit ng dati di ka man lang lumingon sakin. Siguro sa Gf mo yung damit anu? pero bat ba affected ako? Di naman tayo totally magkakilala at higit sa lahat ang sungit mo kaya.

Pagkaalis ko sa lugar na ayaw na ayaw kong puntahan dumeristo ako sa park, gusto kong lumanghap ng hangin nasusulasok kasi ako. Tumingala ako sa langit ang ganda sana ng clouds pero dahil masilaw napapikit ako pilit ko mang labanan di ko kaya mas malakas si haring araw.

Sandy naman! Ito nanaman ba ang pag-aawayan natin? may naririnig akong lalaking nagsasalita sa  kalayuan pero di ko siya pinansin, nakatingala pa rin ako sa langit at nakangiti…

POK!..

aray naman! may latang tumama sa may ulo ko. Anu ba yan?! Wala namang pak-pak ang lata bat naman lumilipad?! Sapo-sapo ko ang parte ng ulo kong natamaan ng flying can…

sorry Miss di ko sinasadya ang cold naman ng boses na yun pero bumilis ang tibok ng puso ko dahil kahit di ko pa inaangat ang ulo ko may clue na ako kung sino ang lalaking nasa harap ko dahil familyar na familiyar ang boses mo. Alam na alam ko ng ikaw yun! Tumingala nga ako at di na ako nabigla ng Makita ko ang mukha mo at ang nakakunot mong noo, pero cute na cute pa rin ako sa mukha mo. Kompermado tinamaan na ako sayo. Di ako nakapagsalita.

masakit ba? Dumugo ba?umiling-iling lang ako na parang bata.  Wag kang mag-alala di na masakit nakita na kasi kita.  Pagkatapos nun umalis kana. Nakakainis ka! Di mo ba ako nakilala? O badtrip ka sa gf mo kaya nawala ang mukha ko sa isip mo? Feeler ko rin nuh?..hay buhay hirap magmahal ng di ka kilala at di mo kilala...

Kung alam mo lang na para akong tanga na laging nasa park nakaupong magisa para lang makita kita, pero sa araw araw na andoon ako at dumaraan ka bakit di ka man lang tumingin sa direksyon ko, di ka man lang ba nagtataka na lagi akong andito?

Sa pag daan daan mo isang beses lang kitang nakitang nakangiti. Lagi ka ring my headset sa tenga mo kaya nga kahit sumisigaw ako minsan ng...

hoy! Sungit pansinin mo naman ako!di mo man lang naririnig ang tinig ko. Hindi mo man napapansin ang kagandahan ko sa araw-araw na nagkakasalubong tayo oks lang masaya na akong ganito.Kahit ang sungit sungit at ang deadma mo, kahit di ko man lang alam ang pangalan mo isa lang ang alam ko mahal na kita tapos ang usapang to!..

Sa araw na to absent ako, andito kasi ako sa lugar na pinaka-ayaw ko. May kung anu-anong bagay ang nakakabit sa braso ko. Hindi rin ako makatayo walang sapat na lakas para kaalis sa apat na sulok ng kwartong to. Sinugod nanaman kasi ako sa hospital na kinaiinisan ko!  kainis nga eh! di tuloy kita makikita ngayon. Narinig ko rin ang sabi ng doctor habang kausap si mommy, lalo daw humihina ang puso ko sasabat nga sana ako e

dalhin niyo si sungit dito sigurado lalakas ang pintig ng puso ko.  Pero dahil alam kong imposbleng manyari yun kaya tumahimik na lang ako, ayoko na ring paasahin pa ang sarili ko sa bagay na alam kong di naman mangyayari kahit anung gawin ko.

Bago pa kita makita sa tulay na yun alam ko ng bilang na ang bawat sigundo ng buhay ko. Nakakatawa nga e ng dahil sa sakit kong to napadpad ako sa tulay na yun pero maniwala ka...di ko talaga intensyong patayin ang sarili ko, gusto ko lang makita ang bukang liway-liway para kasi sakin isa yung senyales ng bagong pag-asa sa buhay. kahit na alam kong limot mo na ako nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil kahit sa huling buwan at araw ng buhay ko nakilala ko ang unang pag-ibig ko. at ikaw yun sungit.. ikaw.

Sabi nila mahina  raw ang puso ko pero bat kahit naiisp lang kita  bumubilis o ang bilis bilis niya?

Sa araw na to iksaktong isang buwan ng magkita tayo, heto ako gumagawa  ng sulat para sa taong mahal ko.  Ito na kasi ang huling pagkakataong makakapunta ako sa lugar na to, kahit gustong gusto ko dito dahil dito lang kita nakikita at nakakasama kahit saglit ,di na kaya ng katawan ko di na kaya ng puso ko. Tulungan sana ako ng hanging makarating ito sayo. Para malaman mong ikaw ang itinitibok ng puso kong ito. Na kahit ngayon lang mapansin mo naman ako kahit sa pamamagitan man lang ng simpleng love letter kong to.

Mapulot mo kaya at mabasa  to?

                                                             Nagmamahal,

                                                                                                                                                                                       Yen

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love letter [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon