Dedicated to Nikka!
Basahin niyo yung You're the One. Siya sumulat nun. Nyahaha.
Share lang naman. Haha, dedicate lang kayo sa akin. Trip ko lang magbasa. Haha, dali dali dali X)))
Ayun lang, maikli lang 'tong chapter na 'to. Enjoy reading! ^_______^
----
Elaine
HHWW ang drama namin ni Dylan. Pinagtitinginan na nga kami ng lahat. Para kaming nagdedate. Hahaha.
Tahimik lang kami habang naglalakad, tinetreasure yung moment. Haha. Magiging busy na kasi kami sa mga susunod na linggo, college eh.
Katahimikan lang. Pero kinikilig ako, everytime kasing may madadaanan kaming lugar na puno ng lalaki, hinihigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko, tapos nilalapit niya ako sa kanya. Spell OVERPROTECTIVE. D-Y-L-A-N. Hahaha.
"5 minutes na lang, next class ko na." sabi niya.
Napa-pout ako dun, ang bilis naman kasi ng oras >______<
30 minutes lang kasi breaktime namin. Kainis eh!
"Eeeeeh. Ganun, sige.. punta na din ako sa next class ko." Bago umalis, hinatid niya muna ako sa klase ko.
"Gege, babye." sabi ko. Ngumiti siya tapos umalis. Eto nanaman, boring classes -______-
Umupo na ako dun sa natitirang bakanteng upuan, laking gulat ko, si Mich kaklase ko dito! NAYSWAN. HAHA.
"Hoy bakla." tawag ko, lumingon naman siya at napangiti ng wagas.
"Magkaklase pala tayo? Ang galing! Haha."
"Ay hindi, napadaan lang ako." binatukan niya ako, ang brutal pa rin pala ng babaeng 'to.
"Sira ka talaga." Nagkwentuhan pa kami, kahit ba may professor na sa harap, tuloy pa rin ang kwentuhan. Haha. Pasaway lang eh.
"Ms. Elaine Sanchez and Ms. Michelle Salvador, detention room at 4:30 pm." Hala ka. Nahuli kami. Patay kang bata ka. May detention pa! Uso pa pala yun, akala ko hanggang high school lang yun? Adik din 'tong school na 'to ah.
"Ayan kasi, daldal mo talaga ever." sabi ko kay Mich. Tumawa lang naman siya ng mahina.
----
Papunta na kami sa detention room, first time kong madedetention. Good girl ako nung highschool eh. Haha.
"Girl, anong meron sa detention?" tanong ko kay Mich. Suki yan sa detention nung highschool. Lalo na nung 4th year, lagi daw kasi siyang nahuhuling nagtetext kay David.
"Wala, boring dun. Bawal magsalita, bawal kahit ano. Magmumukha lang tayong eng eng dun."
"Oh?! Gaano ba katagal yun?"
"Kung sweswertehin, 30 minutes lang. Pero pag malas, 1 hour ganun. Ay nako, malas natin, nahuli pa tayo ni Ma'am." nagtawanan kami. Andito na kami sa detention room. Dalawa pa lang kami ni Mich dito, pero may kasama na kaming professor. Naglayo kami ng upuan, bawal daw kasi kami magkatabi.
May pumasok na lalaki, si Dylan, anong ginagawa niya dito?
Napatingin siya sa akin, nagkasalubong ang mga mata namin at ngumiti ako. Napangiti din naman siya at umupo 3 chairs away from me. Ang layo TT______TT
"You're not allowed to talk, eat, text or anything. This is your punishment for being mischievous." sabi nung professor. Ang boring nga talaga dito.
May pumasok pang isa pang lalaki, he looks familiar. Cloud ata yung name nun?
----
30 minutes lang ang tinagal ko, buti naman at may puso yung professor at pinaalis na kami. Sabay sabay kaming apat sa paglabas, "Anong ginawa mo?" tanong ko kay Dylan.
"Nahuli akong natutulog. Badtrip kasi, nakakaantok yung boses nung prof., ikaw?"
"Nahuli kami ni Mich na nagdadaldalan. Nyahaha."
"Oy, girl, sino yun? Bakit parang kilala ka?" tanong ni Mich sabay turo kay Cloud.
"Ah, si Cloud, siya yung.. kaklase ko na seatmate ko." sabi ko naman. Napatingin sa akin si Dylan, wag mo sanang maalala. Siya kasi yung tinutukoy kong crush ko, haha. Kahit di naman totoo.
"Ah, pakilala mo kami, dali."
"Cloud." tawag ko sa kanya, lumingon naman siya, "Bakit?"
"Gusto ka daw makilala ng mga kaibigan ko.." sabi ko, lumapit siya.
"Uhh.. Cloud, si Mich nga pala, best friend ko, at si Dylan, boyfriend ko." sabi ko naman. Nakipag-shake hands siya. Medyo matagal yung kanila ni Dylan. Nagtitigan pa nga sila. More like a glare. No problema nila -______-
"Uhh.. tara na. Uwi na kami Cloud ha, babye!" sabi ko at umalis na kami. Nakakatakot naman kasi yung ginawa nilang titigan. Parang mag-aaway eh! >__________<
Nakakatakot pa naman si Dylan kapag nagagalit yun.
---
Sorry kung maikli. Babawi na lang po.
Maraming salamat sa tumatangkilik pa rin nito. Haha.
Pengeng feedback, pleeeaaaseeee.
Ayun lang, mwah :**
Jodie (dreamcatcher26)
BINABASA MO ANG
[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)
De TodoCan we really survive this kind of relationship? Paano kung may humadlang sa aming dalawa? Si Dylan, bitter at sweet. Malakas ang moodswings niyan. Kapag tinamaan ng selos, nakupo, ang hirap makipagbati. Pero kahit ganyan, mahal ko yan. >3< --- Endi...