[A/n: Ako lang at ako lang ang nagsulat neto ! :P Kaya please lang basahin niyo XD ]
"Sa gilid ng mga mata tinitignan kita...."
-Gilid by Moonstar88
Lihin na naman akong nakatingin sa kanya.
Pero sa gilid lang ng aking mga mata...
Peripheral view.
Tanaw ko ang kalahati ng mukha niya.
Nakatingin siya sa malayo.
Masaya na 'ko sa ganito.
Sa pagtingin-tingin lang sa kanya.
Masasabi niyong gusto ko siya.
Oo...
Gusto ko siya,,,
Pero..
Hindi...
Mahal ko na pala.
Mabait siya.
At nung magtama ang pnaingin naming dalawa.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
May itatanong sana ako sa kanya, pero kinabahan ako kaya ayun. Parang yung dila ko umurong at di na nakapagsalita pa.
Katabi ko siya, kaya hindi ako masyadong makagalaw.
"Dylan..."
Ayan, tinatawag niya ko. At alam kong nakatingin siya sa akin.
"Oh ?" tugon ko ng sa ibang direksyon nakatingin.
"Ba't di mo ko pinapansin ?" tanong niya
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
Nagtama ang paningin naming dalawa.
"A-ah, di ah !" nauutal kong sabi sa kanya.
Bigla akong umiwas ng tingin.
"Si-sino ba yung----"
"Ma-mahal ko ?" pagtutuloy ko sa sinasabi niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Peste. Nakakabakla mang isipin, Pero malakas ang tama ko dito. >///<
"Ahhh... Si..."
"Sige Dylan. Una na 'ko" umayo na siya at akmang kukunin ang kanyang bag. Ngunit hinawakan ko ang kanyang braso at...
"Oh may sasabihin ka pa ba ?" tanong niya ng hindi nakatingin sa akin.
Automatic nag-form ang ngiti sa mukha ko.
"Gusto mo ba malaman ?"
"A-ang ano ?"
"Kung sino yung taong tinitignan ko...
sa gilid ng aking mga mata ?"
"Ehh??"
"I-ikaw 'yon !"
Para bang na-stun siya. At hindi siya makagalaw.
"Mahal kita..."
Sabay kuha ng bag ko at tuluyan ng umalis.....
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
KASAMA SIYA..
[A/n: LALALALALA ! Another one shot :)
Bigla ko lang yang naisep habang nag-eexam kami :P
tnx for reading :]