Chapter 23

396 6 5
                                    

Kate
~*~*~*~

New happy day! As spongebob said

"Another day another nickel!"

Haha nadamay si Spongebob ng wala sa oras.

Anyways...

Huh? Las subject na pala? Haha hindi ko alam 'yung ni-lessons at naganap kanina masyado nanamang occupied ang utak ko.

"Okay class! Alam niyo naman na siguro na nagpapareport ako 'di ba? So malamang reporting tayo. Your grade will depend on how well you can report." So ayun, reporting daw e so malamang magrereport kami.

Pangatlo ako sa mga magrereport. Sana matagal magdiscuss 'yung dalawang nauna sa akin hehehe.

Bakit ba naman kasi "B" ang first letter ng surname ko. 'Pag ako mag-aasawa ako ng taong nagsisimula sa letrang "Z" ang apilido para hindi na din danasin ng future baby ko ang dinadanas ko ngayon haha.

Kahapon lang sinabi 'yung tungkol sa reporting, ngayon na ako magrereport. badtrip 'yung dalawang nauna sa akin parang huminga lang sila sa harap sa sobrang bilis mag discuss. Nakakaasar! 'Yung feeling na parang biglang huminto 'yung pagtibok ng puso mo sa sobrang kaba!

Andito na e, anu pa nga bang magagawa ko.

T_T

"Good afternoon ma'am, classmates." Ayun o parang kakandidato lang kung makangiti! XD

kinakabahan ako e!

"So my report is chapter 3. Consumer's behavior towards the products." Ack! Aatakihin na talaga ako sa puso! Si Lallaine kung makapigil ng tawa wagas!

"Alam niyo naman na siguro kung papaano dapat dinedesenyuhan ang mga establishments, offices, houses and whatever."

"Papaano nga ba?" Tanong ni ma'am. Ang galing niya a, nagtetext habang nakikinig sa akin? Hindi ko kaya 'yun! XD

"Kapag po ba ang building mukhang haunted magbabalak pa kayong pumasok? Hindi 'di ba? At kapag ba ang bahay ng kaibigan niyo mukhang pugad ng masasamang kaluluwa, papasukin niyo pa? Hindi din 'di ba? So kung office man 'yan or bahay, dapat mukhang welcoming sa paningin ng mga tao kasi maiintriga sila e. Ang unang papasok sa isip nila, maganda dito lalo na kapag restaurants or hotel."

"Maliban sa panlabas na anyo ng building, ano pa ang ibang importanteng bagay na dapat tandaan?" Ito ang ayoko kay ma'am e, nang-i-interrogate. T_T

"Siyempre location din. 'Yun ang pinakamahalaga sa lahat. Kahit magtayo ka pa ng jollibee nasa loob naman ng maduming palengke, hindi din kikita 'yan. Siyempre kahit sino naman ata, lalo na kami, kahit gutom na kami hindi kami kakain dun. Kasi baka paglabas namin malansa na din kami."

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon