Akala ko kasi.. (Oneshot)

873 28 25
                                    

Written by: BabyBeeyotch / @JeviiChan

Cover by: EijeiMeYou

All Rights Reserved 2013

Edited: April 28, 2016

No Plagiarism please.

____________________________________

Her POV

Bago lang ako sa school na 'to. Wala pa akong kaibigan. Haaaaaay! Saan kaya pwedeng maupo?

Ayun! May upuan pala doon. Makakaupo na rin ako.

"Excuse me miss, diyan kasi ako nakaupo." Tch. Sungit.

"Sorry, akala ko kasi walang nakaupo eh." sagot ko. Buti nalang wala pang nakaupo sa katabing upuan niya.

Ilang araw nang nakalipas pero, wala paren akong nagiging kaibigan. Tch. Nasa ikatlong antas ng sekondarya nanga pala ako. Haaaay! Akala ko kasi maganda ang school na 'to. Di pala friendly mga tao dito.

"Ayy! Sorry. Akala ko kasi notebook ko eh. Ito oh."

"Tsk. Sorry, sorry. Lahat ng akala ay mali." Umirap siya saakin. Ano ba 'to. Parang bading lang.

Paulit-ulit lang yung sinabi niya sa isipan ko. Kainis! Porket gwapo.

Tatlong buwan na ako sa school na 'to. May naging kaibigan narin ako, si Sophia. Alam niyo ba? Ang ganda ganda niya at ang kinis ng balat niya. Tapos mayaman pa, nakakainsecure di ba? Nako, kung lalaki lang ako niligawan ko na 'to.

May nalaman pa ako, kaibigan niya pala si Mr. PMS. Si Mr. PMS? Siya yung nagpamukha sakin na lahat ng akala ay mali. At eto pa, medyo naging close narin kami ni Mr. PMS. Siguro? Di ko alam pangalan niya, bakit? Nakakatakot kaya siya. Minsan nga naO-OP na ako dun sa dalawa eh. Kahiyang tumabi sakanila, bagay na bagay sila. Bakit di ako pinagpala ng ganyan?

Nga pala, partner kami ni Mr. PMS sa project sa English, gagawa daw ng commercial daw 'ata yun? Ah ewan. Siya matalino. Siya na bahala dun.

"Bakit ang tagal mo? I've been waiting for three hours. Di ba tinext ko sayo 10AM? 1PM na!" Nakakatakot siya.

"Sorry, ang akala ko kasi 1PM eh."

Ah oo. Phone number niya? Meron ako 'nun, pero ang sabi niya, didelete ko rin daw kapag tapos na yung project namin. Sungit.

Pagkatapos ng dalawang linggong pagtitiis "daw" niya saakin, salamat at tapos narin yung project namin. Siyempre, natuwa ako kasi wala ng gagawin tuwing uwian. Kaso ang saklap eh. Di ko alam pero parang, parang gusto ko na 'ata siya. Alam mo ba yung pakiramdam na gusto mo siya laging kasama? Ganun yung nararamdaman ko.

"Didelete ko na ba yung number mo?" tanong ko.

"Di ko alam. Phone mo naman yan eh."

"Akala ko kasi ipapadelete mo na."

"You can keep it if you want." -Mr. PMS

Di ko alam kung anong mararamdaman ko, Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang saya saya ko. Eto na ba 'yun? Eto na ba yung sinasabi nilang pagmamahal?

Ilang linggo narin ang nakalipas pero hindi ko na nakakausap si Mr. PMS. Parang? Parang iniiwasan niya ako. Pero bakit naman niya ako iiwasan? Teka, nakita ko siyang papalapit.

"Oh." Inabot niya yung sandwich at tubig.

"Para san 'to?" tanong ko.

"Perfect natin yung project eh. Just a reward. You did a great job!" sabay pat sa balikat ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Akala ko kasi.. (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon