"LIBRO"
Ni Zephany Anne B. Caguioa
Salamin! Salamin! Aking nasambit;
Anong pagkukulang ang iyong ginigiit?
Hindi mo nakikita ang aking mga gawi.
Kundi ang pabalat na anyong katangi-tangi.
Pinto! Pinto! Aking nasambit;
Anong pagkukulang ang iyong ginigiit?
Patnubay, direksyon ang aking kailangan
Ngunit ndi maibigay ni isa lamang.
Langit! Langit! Aking nasambit;
Anong pagkukulang ang iyong ginigiit;
Siya'y nagsalita bumali9k ako sa simula.
At Siya'y nakilala na sa aki'y lumikha.
Siya'y hindi katulad ng isang salamin.
Sa panlabas na anyo lang nakatingin.
Lahat ng gawain ko, sa Kanya'y di lingid.
Kahit ako'y malayo batid Niya ang aking isip.
Nagbibigay daan di katulad ng pinto.
Lahat may paraan wag ka lang susuko.
Bibigyan ka Niya ng magandang direksyon.
Papatnubayan ka Niya saan man paroroon.
Ako'y isang libro bawat pahina'y sinisiyasat.
Lubos na pagmamahal at walang katapat.
Pinagmamalaki kong Siya'y nakilala.
Panginoon, Ikaw lang wala ng iba pa.