Writing tips mula sa isang dyosa. Nyahahahaha! Alam ko naman na wala akong karapatan na magbigay ng mga tips when it comes to writing dahil higit sa lahat.....
MAGANDA AKO. ANG MAGANDA MINSAN MADALING MAPAGOD KAKADALDAL.
PANGALAWA, MASISISRA ANG MGA DALIRI KO KAKATYPE LIKE DUH, LAGI AKONG NAGPAPALINIS AT BUMIBILI NG ISANG SAKO NG LOTION. YES NAKALAGAY SIYA SA SAKO, ANAK NG TOKWA ANG MAGREKLAMO. -______-
pero yung seryosong sagot, wala akong karapatan magbigay ng tips dahil higit sa lahat hindi ako ganap na writer na nakapag publish na ng book and nakapagpasikat ng isang akda.
but base on my experience bilang isang freelance writer for 1 year yata. marami na akong natutunan. inaral ko ang panlasa ng bawat readers. kung ano ba ang nakakahatak sakanila para basahin ang isang story.
1. Title
kadalasan kasi tumitingin sila sa title. so better think ng title na mag iiwan sa kanila ng tanong. Like : "Ang dami kong tawa" mapapaisip ka kung ilan nga ba yung tawa nung bida. Pero jusko hindi ko talaga magets kung paano nila nabibilang yung tawa nila. =______= ganoon ba nila kamahal ang math na pati sa pagtawa binibilang pa. Sige, find x ang gawin niyo diyan mga tipaklong to. Pwede niyong kunin yung title galing sa plot ng story niyo. Give some hint ika nga. Para macurious sila sa mga pangyayari at maakit sila sa story mo.
2. Prologue/ First Chapter
Huwag kayong mag umpisa sa kakagising lang dahil naamoy ang hininga. Higit sa lahat nakakaboring kung lahat ng ginagawa ng bida ay detalyado. Like:
"kakagising ko lang. bumungad agad sa akin ang whoops kiri whoops na alarm tone ko. nag unat ako at sumayaw. Ang aga-aga ay baliw na agad ako. Pumunta na ako sa cr at nagtoothbrush, habang kumakanta ng "twinkle twinkle little star." matapos yun ay naligo na ako. Nagsabon muna ako at kinuskos ng maiigi ang katawan ko. Blah blah Blah"
Oh diba nakakaboring siyang basahin pag masyadong detalyado. At nakakawalang gana kapag inumpisahan mo sa GOODMORNING. :D Huwag niyo rin tapusin yan sa matutulog siya. Baka pati damit niyang pang tulog idescribe niyo pa. Maawa kayo sa babasa jusko.
3. Stop being redundant
Huwag kayong gagamit ng mga common scenes tulad ng nagkabanggaan. Susme, maawa din kayo sa mga bida niyo. Masakit yun, natry ko na minsan sa crush ko yun. Waepek. =_____= masakit daw sabi niya. Aba, kung hindi ba naman siya loko loko masakit din kaya yung balikat ko dun. Be unique and creative paganahin ang malawak na imahinasyon.
4. Clues and Questions
Magbigay kayo ng clue sa bawat chapter at mag iwan kayo ng tanong sa mga isipan nila. Para magulantang sila. Like : "Anong shampoo ni Tito Boy." "Bakit pati ang lolo ko tawag kay kuya kim ay KUYA kim? Ganoon ba talaga siya katanda?" And by that magdedemand sila ng update sayo and be thankful dahil ibig sabihin nun, sobrang nagising ang tulog nilang kaluluwa dahil lang sa isang pangyayari at tanong na iniwan mo sakanila.
5. Slumbooks are already obsolete
nako naman, matagal ng laos ang slumbook at utang na loob wag niyong gawing slumbook ang story niyo. Huwag niyo ibigay ang buong katangian o katauhan ng characters niyo. Mismong mga readers niyo ang hayaan niyong makaalam ng characteristics nila. Pwede naman kayong magbigay ng characteristics nila but not too much nakakaboring na kasi basahin yun at minsan mahirap mapanindigan na kailangan ganun yung characteristics nila.
6. Emoticons
You can use emoticons pero wag naman sobra. Hindi naman comics yang ginagawa mo eh. Story yan at dapat letra ang nakikita dyan.
7. Don't be trying hard to be funny
Kung sa tingin mo ay ikaw lang ang matatawa sa joke mo wag mo na ituloy yan. Isa sa pinakamahirap ang magpatawa kaya wag nang ipilit kung ayaw magfocus ka na lang sa pagpapakilig.
8. Be realistic
kung fiction ang ginagawa mo be realistic pa rin. Because fiction is the combination of IMAGINATION and EXPERIENCE. Huwag kang gagawa ng scenes na hindi na masyadong makakatotohanan. Yung scenes na pwedeng ma experience nino man. You can use your own experience sa pang araw araw na ginagawa mo. Pwede rin experience ng kaibigan or kakilala mo. To make it more interesting to read.
9. Be a VERSATILE
Bilang writer dapat marami kang kayang gawin. You can be a girl and you can also be a boy. Kailangan kung babae ang nagsasalita sa isang point of view kailangan babae ka yung tipong paranoid at lakas makahinala. Kapag lalaki naman, dapat may isang salita. Always put yourself on your characters shoes.
10. Just enjoy
PALAWAKIN NIYO ANG IMAGINATION NIYO AT MAG ENJOY KAYO SA PAGSUSULAT, KAILANGAN KAYO ANG UNANG KIKILIGIN SA SINUSULAT NIYO TO KNOW NA NAKAKAKILIG SIYA PAG BINASA NG READERS NIO. YOU ARE FREE TO DEMAND SOME VOTES AND COMMENTS FROM YOUR READERS. PARA MALAMAN MO YUNG NARARAMDAMAN NILA. GISINGIN MO ANG MGA SILENT READERS DYAN. DAHIL AS A FREELANCE WRITER YAN NA LANG ANG MAGSISILBING BAYAD SA LAHAT NG KAPAGURAN NA GINAWA MO. MASARAP SA FEELING KAPAG MAY NAGCOCOMMENT NA READER TAPOS SOBRANG KINIKILIG SIYA. MINSAN MAY SOBRANG NAIINIS NA KULANG NA LANG SILA NA YUNG PUMALIT SA BIDA TAS AWAYIN YUNG KONTRABIDA EH. CAPSLOCK DAHIL ITO ANG PINAKA IMPORTANTE SA LAHAT. PARA DAMANG DAMA MO NA RIN.
Sana po ay nakatulong ako sainyo kahit papaano. Even though hindi ako isang GANAP na writer. hahahaha salamat sa mga magbabasa. :) If you need help sa pag gawa ng story. Just call my name and I'll be there. ^_______^
Please do follow me IF YOU WANT. And read my on-going stories or one shot IF YOU WANT. Hindi ko kayo pinipilit. trip ko lang sabihin. huehuehue! :D
CIAO!
-ELS :)