Panaginip [One Shot]

1.9K 30 30
                                    

Nag ring na yung bell at naglabasan na ang mga tao sa classroom. Gutom na gutom na 'ko. Tatlong oras kami nandito sa classroom, nakikinig sa mga boring na lessons.

"Tara, Kate! Kain na tayo," tawag sakin ni Jinky.

May hinahanap pa ako. Nakakainis. "Mauna ka na sa cafeteria. Susunod ako."

Hindi ko mahanap kung nasaan yung wallet ko. May nagnakaw kaya? Or nahulog ko kung saan? Oh please, sana nandito lang yun. Nandoon lahat ng pera ko. Ayokong magutom!

Halos naitapon ko na lahat ng laman ng bag ko. Nakakalat na lahat ng books, ballpens, kikay kit, lahat! Nasa sahig. Nakakapanghinayang naman yung pera ko. Bakit ngayon pa nawala?!

"Looking for this?" sabi ng boses na kilalang-kilala ko kahit hindi pa 'ko tumalikod.

"What?" sabi ko. Humarap ako dun sa lalaki.

Gosh, ang gwapo talaga niya. Sana hindi pa tumutulo laway ko.

"This," sabi niya sabay abot sakin ng minamahal kong wallet. Hindi ko napansin na hawak pala niya.  Masyado akong naka focus sa perfect niyang mukha. 

"This is yours, diba?" tanong niya sakin. Hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ko!

"Uhhh, o-OO!" pinilit kong magsalita ng derecho pero hindi ata effective. "S-saan mo nakita?"

"Nakita ko lang sa tabi ng trash bin," sabi nya then in-offer niya yung hand niya. "Hi! I'm Andrew."

Nako naman! Hindi mo na kailangan sabihin. Kung alam mo lang kung gaano katagal ang inuubos kong oras sa kaka-stalk sayo sa halos lahat ng networking sites, mapapanganga ka.

Ayyyy! Yung handshake!

Nakipagshake hands ako sa kanya. "Nice meeting you. Uhhh, I'm Kate."

Oh my gosh ang swerte ko ngayon! Nahawakan ko pa yung kamay niya! 

Tumingin siya sa relo niya. "I have to go. Kilala na kita," sabi niya at nagWINK siya sakin.

Alam kong OA pero feeling ko hihimatayin ako sa tuwa at kilig. First time na mangyari sakin 'to!

At yun ang unang pagkakataon na kinausap ako ng aking super, ultimate, mega crush na si Andrew. Gwapo, matangkad, matalino, sexy, magaling kumanta, perfect! Nasa kanya na sana ang lahat, kaso wala pa ko sa kanya. Sayang.

Paano kaya napunta sa basurahan yung wallet ko? Grabe naman ang kaburaraan ng may-ari. Ang weird naman kung kusang naglakad yung wallet. Buti nalang mabait at GWAPO yung nakakuha! SHET!

Naalala kong gutom nga pala ako kaya dali-dali akong pumunta sa cafeteria. Grabe, ang higpit ng hawak ko sa wallet ko. Paano ba naman, hinawakan ni Andrew! Kung pwede nga lang 'wag na ko maghugas ng kamay. Kaso kadiri.

Pumunta ako sa usual table namin, malapit sa windows. Swerte namin kasi walang umaagaw ng pwesto na yun. Wala ring tumabi sa gilid na table. Pangit kasi yung table na yun. Maraming vandal saka medyo luma na.

"Bahh an chhagal mo?" tanong ni Jinky habang may laman pa bibig niya. Yan sya eh.

"Sorry, nawawala kasi wallet ko kanina," sabi ko.

Nilunok niya muna yung nasa bibig niya. "Ang weird nito. Anong ngiti yan?"

Nakangiti ba ko?

"Walaaaaaa."

"Hmmm," nakatitig lang siya sakin. "Oh My GOD! Kinausap ka ni Andrew?!" sigaw niya.

"Pjbskcbsdkcj Wag ka maingay!" sabi ko sabay takip ng bibig niya.

Ganun na ba kahalata? Paano nalaman ng bangag na 'to? May telepathic powers ata siya.

Panaginip [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon