Nasa labas na ako ng bahay ng hinihintay ko yung sasakyan papunta sa Holy Trinity University kung saan ako kumukuha ng kursong Bachelor of Elementary Education. Ako si Mj, aka Mary Jane Landicho, isang estudyante na puno ng pangarap sa buhay. Namuhay ako sa katamtamang pamumuhay, kung baga, hindi kami ganun kayaman at di naman gaano kahirap sa buhay.
Nasa i-School na ako at bungad na agad sa akin ang mga kaibigan ko na nasa corridor. Yung isa na todo pulbo sa mukha ay si Jasmine, siya ang ultimate best friend. Alam nya lahat ng secret ko kasi nga best friend ko. Tapos yung katabi nyang mejo lalaki or should i say bading ay si Daniel, siya naman yung ultimate comedian ng grupo kung saan lagi na iiwan sa school para sumama sa kapwa nya bakla at sumama kung saan saan para bumooking. Naimpluwensyahan na rin ako ni Jasmine, kaya nagretouch na din ako kasi makikita ko na naman yung crush ko sa School si Sir Melvin.
Sabay-sabay kaming pumasok sa classroom kasi oras na klase baka malate kami. At para good vibes sa amin si Sir Melvin, galit kasi lagi yun sa mga hindi on time o laging late sa klase. Ayun na nga, nagmumusic ako ng biglang dumating si Sir Melvin.
Sir Melvin: Good Morning Class. Who is our next reporter after previous report?
Jasmine: Sir, si Renz po.
Sir Melvin: Okay Renz, proceed to your report.
(Nagsimula na ngang magreport si Renz about sa "Mga Akda ni Rizal")
Sa kadahilanang Fil4 ang aming subject, halos lahat ng kaklase ko inaantok sa report kasi usually kapag Filipino subject eh, nakakaantok. Kaya kita ko si Sir Melvin na inaantok na rin na mayat maya ko na tinititigan yun sobrang ganda features ng mukha nya parang si Marlon Stockinger. Kinikilig ako na naglalaway sa nakikita ko na parang gusto kong halikan ang kanyang mga labi ng bahagya pero di ko magawa kasi estudyante nya lang ako at teacher siya.
Maya maya naman ay biglang nagsalita si Sir (hudyat na nagising siya) at sabihin na inaantok na siya. At sinabi, class, "we will have our quiz tomorrow in this topic, Prepare yourself."
After our class, napansin pala ni Daniel yung pagtitig ko kay Sir, at halatang halatang may crush ako kay Sir.
(cont)
