Prologue

108 2 4
                                    

Kailangan ba talagang pumili kung ang puso ay hindi pa handang umibig? Paano kung sa isang desisyon mo ay apektado ang lahat? Ang pagkakaibigan, ang kasiyahan, pati na rin ang tiwala?


May guts ka ba para ireject sila dahil may mahal ka na? Ngunit alam mong silang 4 ay magkakaibigan. Aamin ka pa ba? O hahayaan mo na lang?


•••


Hindi ko alam kung bakit pagkarinig ko pa lang ng pangalan niya ay naiirita na ako.

"Hey princess, aalis na ako. May aasikasuhin lang si Daddy mo pero babalik din naman ako. Pakabait ka ha and I love you."

Niyakap ako ni Dad at hinalikan sa noo, pagkatapos nun ay nilagay na yung mga bagahe niya sa likod ng kotse.

"And ohh, before I forgot, dito na titira si Chase to protect you. Be good to him okay?"

Lalo na noong nalaman kong kasama ko siya sa iisang bubong!

"Good morning!"

Bakit ang bait niya ngayon? Bakit naging mala-anghel yung boses niya nung binati niya ako? Anong meron?

"G-good morning"  bati ko.

"Ang baho mo, maligo ka na." aba't kakagising lang iniinis na agad ako! Walang hiya!

Ang gulo niya, hindi ko mabasa ang isip niya, napakaraming pagkakataon na lagi niya akong inaasar, iniinis, iniirita, ginagalit at ginugulo.


•••


"Please, bigyan mo pa ako ng chance, mahal pa kita. Nagmamakaawa ako, please Maurice. "

Isa pa 'tong ex ko, alam ko sa sarili ko na di pa rin ako nakamove on pero hindi ako tanga para tanggapin ulit siya pagkatapos niya ako saktan.

"Kaya ba hindi mo ako mapagbigyan ay dahil may mahal ka nang iba?" hindi ako nakasagot nang makita ko ang mga luha niya.

"Hindi sa ganoon Zack..." sagot ko nang may pag aalinlangan.


••


Napakaseryoso niyang tao at mabait siya.

"Bakit laging siya na lang tinitignan mo? Andito naman sa tabi mo yung taong handa kang ayusin ng buo at sasamahan ka sa mga problema mo" deretsong sabi ni Timothy sa akin.

Alam kong hindi niya ako deserve, at hindi ko rin siya deserve. Napakaraming efforts man ang ibinigay niya sakin, hindi ko pa rin kayang suklian ang pagmamahal na ibinigay niya.

"Wala naman akong tintignan eh" palusot ko.

"Don't fool me Maurice, alam kong may gusto ka sa kanya. Pero tandaan mo, 'pag nasaktan ka, lapit ka lang sa akin"


••


Nagpapasalamat akong lagi siyang nandyan para pasayahin ako, kahit sa mga problema ko. Alam niya na kailangan ko ng magpapasaya sa akin.

"Sabi sayo eh! Tignan mo natawa ka!" masiglang sigaw ni Ken.

"Oo nga eh, 'yang mukha mo kasi nakakatawa! Hahaha"

Pero hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya para sakin.

"Sana lagi ka na lang masaya dahil sa akin 'no? Yung ako yung rason ng pag ngiti mo" ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Pwedeng....ako na lang?"


••


Pag-ibig over Pagkakaibigan o Pagkakaibigan over Pag-ibig?


---

A/N: So here it is. Sana magustuhan niyo itong bago and first story ko. Special mention kay foreveranderson__ para sa aking book cover. At kay guitarlover0304 and kimmy_tapl for pushing me to do this hahaha. Check them out too. Abangers~

Last First Kiss || EditingWhere stories live. Discover now