Chapter Five: Life of a Psychiatrist

84 11 6
                                    


Katatapos ko lang maligo at mag-ayos. Tiningnan ko si Chinee na mahimbing ang tulog sa higaan nya. Yakap yakap nito yung lumang teddy bear nya. Napansin ko ang mga kalmot sa braso nya. Shocks. Yung iba bago lang, yung iba naman mukhang matagal na. Kagagawan siguro ng mga wild na pasyente sa baba. Sana di ko danasin yan.


Anyway, binaling ko na ang sarili ko sa pag aayos sa harap ng salamin. Duty ko na in 10 minutes.


Nakasabay ko si Dr. Irish sa elevator. Makikita mo sa mga mata nya na kulang tulog nya.


"Good morning Trishia." Nakangiti nyang bati sa akin. May dala dala syang tumbler na may tubig at lemon sa loob. Healthy living si doc.


Binati ko rin sya ng nakangiti. Teka, ba't ba ang gaganda ng mga doctor dito. Parang wala silang prino'problema.


"Kamusta naman pag stay mo dito so far?" tanong nito. Nag sip sya sa tumbler nya. Nakakauhaw naman yan, parang gusto ko rin uminom ng tubig na may slice ng lemon.


"Okay naman po. Ang dami kong natututunan." In fairness medyo may halong katotohanan na sa sagot ko. Kahit papano, may mga magaganda na rin kasing nangyayari sakin dito. At isa pa, mababait ang mga katrabaho ko dito.


"Good. Trishia, pagkatapos mong mag breakfast, samahan mo ko sa clinic. Mag aayos lang ng mga bagong dating na gamot. Nag leave kasi ang ibang nurse na naka duty doon ngayon. Tsaka nasabi ko na kay Dr. Cedrics na hihiramin muna kita."


"Okay po. Walang problema." Sarap rin sana mag leave tapos magbakasyon sa Boracay.


"See you then." Salita nya bago lumabas ng elevator.


Dumiretso na muna ako sa kitchen para mag breakfast. Gutom na gutom na ako.


Habang kumakain, naririnig ko ang boses nila Mercy at Elwell sa tapat ng kusina pero di malinaw pinag-uusapan nila.


"My ghad! Ngayon pa nagkasakit yung cook dito! Hanggang lunch lang nahanda nya." Mukhang may problema ata sa kitchen ngayon.



"Wala tayong choice. Tayo magluluto mamayang gabi." Namomoblemang sagot ni Elwell.


"Haha. Hanggang 5 pm lang duty ko. Hurray!!" masayang banggit ni Darwin. Ano kayang problema nila.

Tinapos ko muna ang kinakain ko at nilapitan ko sila. Nakahawak pa sa noo si Mercy.


"Hello. Mukhang may problema ata kayo ah". Salita ko. Feeling close lang e no.


"Wala kasing cook. Walang magluluto mamaya para sa dinner." Sabay bugtong hinga ni Mercy. Problema nga.


Nagsalita naman si Elwell na ngayon ay nakaupo sa upuan. "Ang dami pa naman ng dish na lulutuin. May mga diet pa kasi. Mas humirap tuloy."

Insane AsylumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon