Nasa kalagitnaan ng klase si Angel nang maramdaman niyang nagvibrate ang kanyang phone. Ang kanyang landlady ang tumatawag."Ma'am, excuse lang po, may tumatawag po kasi" pahintulot niya
"Go ahead. Bumalik ka din agad" sagot ng kanyang guro
Agad na nagpasalamat si Angel at lumabas sa silid. Nagtatakang sinagot niya ang tawag.
"Hello?"
"Lumayas ka na Angel! Kailangan pag dating ko ay hindi ko na makikita ang pagmumukha mo sa bahay ko! Lumayas ka na dahil may papalit na sayo!!" pasigaw na sagot nito sa kabilang linya
Halos maguho ang mundo niya sa kanyang narinig. Sinubukan pa niyang pakiusapan ang kanyang landlady ngunit wala na talaga.
"Wag ka ng makiusap pa sakin Angel! Buo na ang pasya ko kaya magbalot ka na ng gamit at umalis sa bahay ko!" inend na nito ang tawag.
Nanginginig na tinakbo niya ang banyo at doon ay umiyak. Wala na siyang ibang mapupuntahan pa at nakapa delikadong manatili sa lansangan lalo na't nasa siyudad siya at wala siyang kamag-anak na pwedeng matirhan pansamantala.
Isa lang ang tanging naisip niya, ang humingi ng tulong sa kaibigan niyang si Grace ngunit nagdadalawang isip siya. Nahihiya na kasi siya dito dahil sa mga utang na hindi niya pa nababayaran.
Inayos muna niya ang kanyang sarili bago lumabas ng banyo. Naisip niyang magpaalam muna sa kanyang professor na aabsent muna siya ng ilang araw upang makapaghanap ng marerentahang apartment. Sakto namang katatapos lang ng kanyang klase at unti-unting naglalabasan ang mga estudyante.
Tila napansin naman siya ng kanyang professor na kanina pa siya nakatayo sa labas kung kaya'y pinalapit siya nito
"Oh Angel, bakit hindi ka na bumalik dito?" tanong ng nito
"Pasensya na po ma'am, nagkaproblema lang po" balisang sagot niya.
"Bakit iha anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito
"Pinaalis na po kasi ako sa nirerentahan ko. Gusto ko lang po munang umabsent ng ilang araw para po makahanap ako ng matutuluyan" malungkot na sagot niya.
"I'm sorry iha pero hindi kita mapapatuloy sa bahay ko ngayon, may away kasi kami ng aking asawa at ayaw kitang madamay pa. Di bale, heto ang dalawang libo. Sana makatulong yan sa iyo" tugon nito at pagkuwa'y naglabas ng pera at iniabot sa kanya
"Naku ma'am! Wag na po masyado po--"
"Wag ka na tumanggi iha, kailangan mo iyan" pagpipilit sa kanya ng kanyang guro
Maluha-luha niyang tinanggap iyon . Napakalaking tulong na iyon sa kanya. Makakadagdag na ito sa kanyang ipon na pwede niyang maipambayad sa bagong marerentahan niya.
"Ma'am thank you po! Malaking halaga na po ito sa akin! Promise po babayaran ko kayo kapag sumweldo ako. Thank you po talaga ma'aam!"
"Wag na iha, isipin mo na lang na regalo ko yan sayo dahil isa kang mabuting estudyante. Ay heto pala ang address ng isa kong kaibigan na may-ari ng isang apartment. Subukan mong pumunta diyan at baka may bakante pa. Nakasulat din diyan sa likod ang aking number" nakangiting inabot nito sa kanya ang isang calling card.
"Ma'am thank you po talaga!" hindi niya na napigilan na yakapin ang kanyang guro dahil sobra-sobra ang pasasalamat niya dito
"Oh siya sige na iha, mag-ayos ka na ng iyong gamit at baka abutan ka pa ng gabi. Basta mag-iingat ka palagi ha? Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa" nakangiting tugon nito.
Nagpasalamat siya at agad na umalis.
Naibsan ng konti ang pag-aalala niya dahil sa tulong na ibinigay sa kanya ng guro.
"Marami pa din talaga ang may mga mabubuting kalooban"
-----
Sa hindi kalayuan ay may nakaparadang itim na kotse. Ang tao na nasa loob nito ay matyagang na naghihintay na makita ang dalaga.
Lumipas ang ilang minuto ay namataan niya ang dalaga. Alam niya kung saan ito pupunta kaya sinundan niya ito. Sa ganitong paraan ay tuluyan na siyang mapapalapit dito.
-----
Napatigil siya sa paglalakad. Tila ba pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya. Nag-aalangan siyang tumingin sa likod at tama nga ang kanyang hinala. May itim na kotse ang kanyang nakita sa hindi kalayuan. Nakaramdam siya ng kaba kung kaya'y binilisan niya ang kanyang paglalakad.
Lakad takbo ang ginawa niya dahil alam niya sa sarili niyang konti na lang ang pagitan nila ng kotse na kanina pa sumusunod sa kanya.
Isang kanto na lang at malapit na siya sa dati niyang nirerentahan nang bigla siyang matapilok. Napaupo siya sa sobrang sakit. Pinipilit niyang tumayo ngunit hindi niya talaga kaya at napansin niya rin na malapit na sa pwesto niya ang kotse na sumusunod sa kanya.
Naisip niyang tawagan ang kanyang guro ngunit sa kamalas-malasan ay nalowbat siya. Hindi niya na alam ang kanyang gagawin. Nagpapanic na siya at mas lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Sumigaw siya ng malakas, nagbabakasakaling may makarinig sa kanya.
Tumigil sa harapan niya ang kotse. Napaiyak na lang siya habang nagdadasal. Dinadasal niya na sana ay walang mangyaring masama sa kanya.
"Diyos ko, tulungan niyo po ako" dasal niya
Hindi niya namalayan ang paglabas ng isang lalaki mula sa kotse. Nakapikit pa rin siya at patuloy sa pagdasal nang bigla nitong tawagin ang kanyang pangalan. Gulat siyang napaangat ng tingin at ang kanilang mga mata ay nagtama.
"Kuya Gavin?!"
BINABASA MO ANG
Escaping Madness (ON HOLD)
Misteri / ThrillerShe was 15 when i first met her. Her eyes captivated me, those dark brown eyes staring into the depth of my soul, those tempting lips and her cute button nose. Kuya, meet my best friend Angel! My sister's voice pulled me out of my reverie. Her name...