"Hello Mom, Hii Dad!" Tuwang-tuwa na bati namin ni Ayesh kanila Mom and Dad. Finally, nakapagreunion na rin kaming buong family. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagkasama-sama ehhh.
"Heyy, I miss you so much." Sagot nila samin at hinalikan kami sa pisngi.
"Teka, sabi ni Ayesh baka next time pa daw sila makakauwi ahhh? Ba't nandito na agad kayo??" Tanong ni Mom.
"Bakit, ayaw nyo ba Mom na nandito na kami?" Tanong ko tas kunyari malungkot.
"Hahaha hindi naman."sagot ni Mom.
"Syempre Mom, Charot lang yun! Gusto kasi namin kayong surpresahin." Singit ni Ayesh.
"Alright." -Mom and Dad at nginitian nila kami.
"Hi po Mom, Dad." Sabi ni Keil at nagmano.
"Oh, hello." Sagot nila. Tapos kinamusta nila si baby Azeeya.
Lumapit si baby Crisha kanila Mom at agad siyang nagmano.
"Awww, you're so cute! I miss you Crisha!" Sabi ni Mom
"I miss you too po." Sagot ni Crisha. Tapos kiniss nya sila Mom and Dad. How sweet naman this girl! Haha
"Hi po . " singit ni Cris. Tinignan lang sya nila Mom and Dad at walang sinagot. Napayuko na lang si Sweetheart. Kawawa naman sya, di pinansin nila Mom. Hahaha.
"Char lang! Hahahahaha." Tawa nila . Aba, nagagaya na rin sila samin ni Ayesh ahhh! Hahaha.
Kumunot ang noo ni Cris kanila Mom.
"Just Kidding! Hahaha." Sabay na sabi nila. Ang cute lang nilang tignan. Hahaha.
Naalala ko tuloy yung sumunod na nangyari....
~
...hinila nya pabalik yung kamay ko. Nagulat ako sa ginawa nya. At naramdaman ko yung bilis ng tibok ng puso ko nung hinawakan nya yung kamay ko. Ewan ko ba!
Nakita ko si Ayesh na nakitingin lang sa mga kamay namin. At inalis agad yun ni Cris .
"Hahaha. Char lang , ano kaba?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Di ko masyado gets ehh.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Tsss. Ayoko ko nang ulitin pa. Bingi mo naman." -,-
"Dami mong alam huh? Ano nga kasing char lang? Di ko gets ehh."
"I mean, Just kidding! Haha. Napagdesisyonan ko na kasi.. na.. payag na akong maging jowa mo."
"Really?!" Gulat na tanong ko.
"Hahaha , YES! REALLY! Tsss. Para tong tanga." Sa sobrang pagkagulat ko at tuwang nararamdaman ko, pumunta agad ako sakanya at saka sya niyakap.
"Omg! What's happening in here!?" Nagulat kami sa nagsalita. Agad kaming napatingin sakanya . I mean, sakanila. Ohh, sino sila?
"Omg sis. You kidding me right?" Sabi nung kasama nung isa na nagsabing What's happening in here.
Tinitigan lang nila kami. Na kulang na lang ay malusaw sa sobra nilang pagtitig samin.
"Hey, si... shasha nga pala.." sabi ni Cris sakanila.
"Girlfriend mo?! Hays, diba sinabi na namin sayo na huminto ka na muna sa mga ganyan!? Kasi di ka pa nga-" pinutol ni Cris yung mga sinasabi ng mga kauri nya.
"Wag nyo kong pangunahan! Patayin ko kayo dyan ehh. Okay, uhmm... ehem. Si shasha nga pala.. girlfriend ko." Sabi nya sa panlalaking boses. Ang cool lang. At dahil don, pakiramdam ko .. nag-init ang buong katawan ko. I don't know why. Siguro, mainit lang talaga dito. Tama, yun nga!
