I

149 2 0
                                    

Neil, hindi ko talaga alam. Pero nagsusuka tuwing gigising ako sa umaga. Nag aalala na ako.

Ano ka ba Carla, guni guni mo lang yun. Wag ka ngang mag overthink. Sure ako na hindi butas yun, okay?!

Oo na. Sana lang. Hayyyy.

Praning ka nanaman kasi! Umuwi na nga lang tayo at baka abutan pa tayo ng malakas na ulan.

Sige next weekend nalang ulit tayo magkita pag may libreng oras...

Oo. Sakay ka na nga.. Uwi na din ako.

Umuwi na si Carla sa kanilang bahay at ganun din si Neil. Mas malayo ang inuuwian ni Neil kaysa kay Carla.

Si Carla ay isang mabait na anak. Sinusunod nito ang lahat ng utos o bilin ng kanyang magulang. Ngunit ang iba ay di niya tuluyang nasusunod dahil sa labis na pagmamahal nito kay Neil.

Si Neil naman ay isang rebeldeng anak. Nagtatampo siya sa kanyang magulang dahil tingin nito sa sarili ay never itong naging the best na anak para sa kanyang mga magulang. Hindi ito seryoso madalas sa lahat ng bagay sa kanyang buhay. Hindi rin ito sigurado sa kapalaran niya sa susunod na apat na taon dahil hindi rin niya gaanong pinagtutuunan ng pansin ang kanyang pag aaral.

Sumunod na ikatlong araw....

Kring.. Kring..

Neil, kailangan mong malaman ito...

Ano nanaman ba? Umagang umaga e, makatawag ka wagas. Pwede mo namang itext nalang sakin. Natutulog pa ako.

Ayun, ibabalita ko lang sayo na dinatnan na ako. Hindi ka na ama! Haha!

Ano ka ba? Wala ngang nabuo diba, kaya ka nga dinatnan! Naku. Ewan ko sayo. Makabalik na nga sa tulog.

E at least diba nakahinga na ako ng maluwag. Teka, anong oras na natutulog ka pa jan. May klase ka po kaya?!  Bumangon ka na maligo at lumabas jan sa boarding house niyo at pumasok ka na sa class mo. Ano ba?!

Oo na. Sige na. Bbye na.

Binaba na ni Neil ang tawag.

Nakakainis na lalakeng yun. Di nanaman pumasok sa 8am class niya. Kelan pa siya makaka graduate kung yung stat class niya e hindi niya pinapasukan.

E friend, alam mo naman na pala e. Friend, malinaw na wala kang future sa bf mo na yan. Ano ka ba?! Look around you.. Madaming iba jan. Naku sa ganda mo ba namang yan diba. Bibigyan kita ng one month, mapapalitan mo yang boyfriend mo na yan.

Friend, mapapalitan ko nga, e ang tanong makakamove on ba ako saknya?

Naku, wag kang ganyang friend di porket yummy ang bf mo e. Ganyan ka na at di ka makaka move on. Haha!

Wag ka nga dyan. Hahaha!

Natapos ang pag uusap nila ng kaibigan niyang si Vangie dahil pumasok ang mama ni Carla sa office nila.

Mukhang malalim ang kwentuhan niyo dyan ha, girls!

V. Mejo po ito po kasing si friendship. Haha!
C. Ma, wag kang maniwala jan kay Vangie.
M. Ano yang boyfriend mo nanaman. Anak, wala kang maasahan dyan sa bf mong yan. Maniwala ka sakin.

Di na nakaimik pang muli si Carla, dahil alam nitong malapit sa katotohanan ang sinasabi ng kanyang mama. Ngunit mas may tiwala ito sa kakayahan ng kanyang boyfriend at hindi niya ito iiwanan sa kabila ng lahat.

LovingWhere stories live. Discover now