II

67 0 0
                                    

Neil, may ibibigay pala ako sayo. Ito oh, paborito mo ito diba. Idagdag mo sa collections mo. Cap. Nike yan. Sana magustuhan mo.

Salamat. Pasensya ka na. Nagastos ko yung pera ko. Hindi kita nabilhan ng kahit ano para sa araw na ito.

Okay lang naintindihan ko. Tara kain tayo. Treat ko na muna, saan mo ba gusto?

Ikaw bahala, kahit saan naman sakin e.

Alam ni Carla na ang sagot ni Neil na ikaw ang bahala ay di ibig sabihin e pwede mo na siyang pakainin sa gilid gilid. Medyo maselan si Neil sa pagkain kaya tinuro ni Carla ang isang resto at dun sila kumain.

Ang totoo niya. E, mas may kaya sa buhay si Carla. Natuto lang itong makisama sa lahat ng uri ng tao dahil sa kanilang negosyo na bigasan. Si Neil naman ay medyo may kaya din ngunit mas ang kay Carla. Ang mga magulang ni Neil ay empleyado ng ating gobyerno. Pero nagagwa nilang ibigay ang lahat ng gustuhin ni Neil.

C. Neil, akala ko ba mag aaral ka na nang mabuti. Para pag naka graduate ka na e magkasama na tayong magta trabaho?

N. Bakit ako ang tinatanong mo? Dapat nga sinisimulan mo nading magtrabaho kasi tapos ka nang mag aral. Pero ano, naka depende ka pa din sa magulang mo, hanggang ngayon.

C. Tinutulungan ko sila ngayon kasi wala silang kasama. Tsaka diba pupunta tayong Dubai at magwowork tayo doon sa isa sa mga malalaking hotels doon at doon na tayo bubuo ng pamilya natin.

N. Ayoko muna mag isip pwede ba? Hindi ko nga maayos sarili ko ngayon e. Yung future ko pa kaya. Tama na muna...

C. Ganyan naman parati e. Neil, may mahihintay pa ba ako sayo? Ano ba? Tinatapon mo na mga plano natin sa future. Wala na. Di ko na alam gagawin ko sa sarili ko. Pati ako nawawalan ng plano sa buhay. Neil, please, mag aral ka na ng mabuti. Kahit yun lang ang ayusin mo sa ngayon. Please? Next nalang isipin mga yun pagka graduate mo.

N. Oo na. Pero di ko pa nasasabi sa parents ko na under probation ako sa school kasi may bagsak ako last sem diba. Tapos ngayon, hindi ko alam kung papasa ba ako.

C. Ha? Neil naman. Mag aaral na nga lang ang gagawin mo.

N. Ano ba ang pake  mo? Di naman ikaw ang nagpapa aral sakin diba?

C. Naaawa lang ako sa magulang mo Neil. Tsaka gusto ko ring patunayan sa magulang ko na okay ka. Mahal kita Neil, concern ako sayo.

Tumulo na ang kuha ni Carla ngunit agad nitong pinunasan ng panyo at pinigilang maluha muli.

N. Tama na. Nasasakal na ako. Lahat nalang pinapakelaman mo. Gf lang kita, okay? Wag kang iiyak dito sa resto, nakakahiya. Baka sabihin ng mga tao dito, may ginagawa akong masama sayo.

LovingWhere stories live. Discover now