Friend Request

5 0 0
                                    

Year 2014 ng mag create ng account si Lisa sa Fb.

" Hello girl... fb na ngayon hindi na uso ang slumbook ." Kantiyaw ni Michelle isa sa mga kasamahan ni Lisa sa trabaho sa coffee shop sa Dubai.
" Para kasing ang gulo ng fb , parang lahat na lang ng nagyayari sa buhay mo alam ng buong bansa." Doubt na sabi ni Lisa , kasi nga nakikiusyoso lang siya sa mga fb nila.
" Girl , nasa sayo naman kung iexpose mo ang self mo eh , at huwag mong ipublic noh ! Kasi girl sa fb updated ka sa mga friends mo, kahit di mo sila nakakasama at isa pa pwede mo isearch ang mga long lost friend mo at mga # crushes bah nuong panahon ninyo hehehe..." panunukso pa ni Michelle.

Oo naman kasi pinakamatanda si Lisa sa kanila at finish contract na din siya kaya pauwi na din ng Pinas.
Sa Middle East country walang pinipiling idad sa mga nagtatrabaho basta Fit to work ka tanggap ka, di tulad dito sa bansa natin laging may age limit kaya maraming walang hanapbuhay...hay magbalik tayo sa fb at kay Lisa.

So, ng makauwi na sina Lisa ng accomodation nila, naisip niya bakit hindi niya try mag karoon ng fb.

Kinuha ang laptop at...

Hayan nagcreate na si Lisa ng fb account niya at unang una niyang hinanap ang first love niya si Allan de Guio.

PROLOGUE
" Ang dami namang kapangalan nito, ah parang siya ito, tingnan ko nga ang profile niya. Gotcha...ito nga. Hmmm."
FRIEND REQUEST SENT.
Sinimulan na ni Lisa na isearch pa ang mga iba pang friends long ,long time ago at mga relatives.
May mga nag friend request din sa kanya.

PROLOGUE

" Ay katuwa naman, tama si Michelle makikita ko ulit at makakachika ang mga dating friends tulad nitong si Karen, dati kong friend ito sa high school , nuon grabe ang itim ngayon wow ! Heto na siya super puti. Teka may notification ako ... HAY , INACCEPT NI ALLAN ANG FRIEND REQUEST KO AT MAY MESSAGE PA."

"  Hello, ikaw ba si Lisa Montalban na dati kong classmate sa High School ?"

Agad at atat  namang sinagot ni Lisa.
" Yeah, it's me. Thanks naaalala mo pa ako."

Pero umabot ng half an hour walang reply. Syempre naman tulog na yun kasi ang time zone alalahanin noh ! Nasa ibang bansa ka Lisa wala ka sa Pinas, kaya kung gising ka , sila tulog na...

Log out na muna po ang ating bida pero may ngiti at kilig habang nakahiga na sa malambot niyang kama.

Time so past at month of June 2014 pauwi na ng Pinas si Lisa.

Dito na magsisimula ang love story na kikiligin, kaiinisan, at kaaawaan natin ang ating bida...

Minahal Kita Kahit Alam Kong BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon