Chapter 2 -- Moving Closer

11.5K 139 1
                                    



Nagka sabay sabay na kumain sina Tita Jen, Shane, Ervic at Natalie sa dining. Day off kasi nila kaya nasa bahay lang sila ngayong araw.




"Tita Jen, nasan yung iba? Sina JC at Myka?" Usisa ni Natalie. Sa ilang araw na pananatili dito ni Natalie ay kahit papano ay naging close na siya sa mga tao dito except syempre kay Ervic.




"Ah, si Jc pinuntahan ang syota niyang blondy at si Myka naman may trabaho pa sa salon."



Bale lima silang nakatira sa bahay na 'yon. Lahat Pinoy. Sina Tita Jen, Shane, JC, Myka at si Ervic. Sina Tita Jen at Shane ang pinaka matagal sa kanilang lima halos sampung taon na kasi silang nandito sa New York at ang iba ay mga bago pa lang tulad nitong si Ervic. Pero ang samahan nila ay parang isa ng Pamilya.



Walang pansinan sina Natalie at Ervic habang kumakain wariy invisible sila sa isa't isa.





"Ervic, masarap ba ang ulam?" Tanong ni Shane.





"Ate Shane, may nilagay kabang ibang sangkap? Para kasing iba sa niluluto mo dati eh."





"Eh kasi nag prisinta itong si Natalie na siya ang magluto, kaya ayan pinagbigyan ko lang. Masarap naman diba?" Pagtatanggol ni Shane sa luto ni Natalie.





Sige subukan mo lang insultuhin ang niluto ko, kundi patay ka sakin. Anang isip ni Natalie.





"Kaya pala iba ang lasa. Hindi gano'n kasarap." Halos pabulong na sabi niya.





"Ano'ng sabi mo? Hindi masarap? Edi huwag kang kumain." Inis na sabi ni Natalie.





"Narinig mo?" Tanong ni Ervic.






"Pinapalabas mo ba na bingi ako?" Inis na tanong ni Natalie. "Ikaw na nga 'tong pinagluto, ikaw pa 'tong may ganang manlait. How dare you?" Dagdag pa nito.





"Hindi ko sinabing ipagluto mo'ko. Tsaka hindi kita iniinsulto nagsasabi lang ako ng totoo." Depensa ni Ervic.





"Tumigil na nga kayong dalawa. Lagi na lang kayong nag aaway pag nagkikita kayo. Hindi ba pwedeng magkasundo na kayo?" Anang Tita Jen.






Walang sumasagot sa dalawa. "Ervic?" Sabi ni Tita Jen.



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon