Page 11

3 0 0
                                    

Makalipas ng ilang araw.. nagtanong siya kung may boyfriend ako non, sinabi ko meron. Hindi ko naman pinagkaila yun sa kanya dahil kahit papano nakakapit padin ako.

Pansin kong nag-iba siya pagkatapos kong sabihin yun. Kuntodo iwas talaga siya. Pero naiintindihan ko naman. Nirerespeto niya yung guy. Siguro inilagay niya din yung sarili niya sa posisyon nun.

Kahit nga alam niya din na nagkakalabuan kami, hindi niya sinamantala yung ganung sitwasyon.

Ang mali ko talaga dyan ay hindi ko sinabi agad sakanya kasi hindi naman sya nagtatanong. Ayoko din na ako mismo yung magsabi na may boyfriend ako baka sabihin feelingera ako at kailangan ko pa ba sabihin yon.

Sa totoo lang, nung nag-aral ako sa FEU, feeling ko nag iisa ako, never nagkrus ang landas namin ng ex ko dun. Wala akong ideya kung kami pa nun. Kaya hindi ko rin talaga masabi na kung ano pang meron.

Siguro hindi rin ako masisisi kung bakit ganun nalang ako makihalubilo sa mga kaibigan ko. Hindi naman sa paghahanap ng kakulangan sa iba, sobra kasi akong binalewala.

PandaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin